Chapter 25

1.5K 68 7
                                    

ACE couldn't concentrate in his work. Nasa isip niya si Kyline. Isang linggo na niya itong hindi nakakausap at nakikita. Hindi naman ito sumasagot sa mga tawag niya. He miss her. Ayaw naman niya itong puntahan pero hindi niya alam ang sasabihin kapag kaharap na niya ito. Hindi pa siya nakapagdesisyon.

Ace sighed.

Ibinato niya ang sign pen na hawak.

"Dammit!"

"Anak, anong nangyayari sa'yo?" Tanong ng ama na hindi niya namalayan na nasa loob pala ng opisina niya.

Hindi napigilan ni Ace ang nararamdaman. Tinabig ang laptop nanasa kaniyang harapan. Nahulog ito at nabasag.

"Ace! What the hell is happening to you? Relax kalang, 'nak." Ani ng kaniyang ama at umupo sa visitor's chair.

Sumandal si Ace sa swivel chair na kinauupuan. "Hindi ko alam ang gagawin ko, Dad. Mahal ko si Kyline pero napapalapit na rin ako kay Allen." Sa mansyon na kasi ito nakatira pero hindi kasama si Mylene dahil ayaw talaga ng kaniyang ina na tumira si Mylene sa mansyon. Wala namang nagawa ang babae.

Bumuntong-hininga ang ama ni Ace. "Bakit hindi kayo ulit magpa-DNA test ni Allen ng hindi nalalaman ni Mylene? Saka ka magdesisyon kung sino ang pipiliin mo."

Tumingin si Ace sa ama. "Good suggestion, Dad." Hinanap ni Ace ang cellphone.

"Anong hinahanap mo?" Tanong ng kaniyang ama.

"My phone."

Napailing ang kaniyang ama. "Ayan, oh. Basag. Walang sumalo kay basag. Kung bakit mo naman kasi tinabig ang laptop mo kanina?"

"Frustration." Ace sighed. "Dad, pahiram ng phone mo."

"Bakit?"

"Tatawagan ko ang family doctor natin, Dad. Magpapa-DNA test ulit kami ni Allen."

"Mabuti pa nga." Ani ng ama at ibinigay nito ang cellphone nito.

Kaagad na tinawagan ni Ace ang family doctor nila at nagpaschedule ng DNA test. Sinabi naman nito na anytime pwede.

"Dad, uuwi ako. Susunduin ko si Allen. Ngayon na kami magpapa-DNA test."

"Hindi na kailangan. Nandiyan na siya." Sabi ng kaniyang ama na may ngiti sa labi.

Kumunot ang nuo ni Ace. "Sinong kasama niya? Dad, sinabi ko na, ayaw kong nagpupunta dito si Mylene."

"Ay grabe siya. Mukha ba akong si Kyline." Sabi ng isang pamilyar na boses.

Mabilis na tumingin si Ace sa pintuan ng opisina.

"Kylene?"

"Hi." Kumaway si Kyline. Then mula sa likuran nito, sumilip doon si Allen.

"Hi, Uncle."

Mabilis na tumayo si Ace at malalaki ang hakbang na nilapitan ang kasintahan. Niyakap niya ito.

"I'm sorry kung hindi ko sinasagot ang mga tawag mo ng isang linggo. Gusto ko lang talagang mag-isip kung ano ba ang dapat kong gawin." Kyline said and smiled.

"So nandito ka and that's means nakapag-isip ka?"

Tumango si Kyline. "Oo. And I realize na kapag mahal mo ipaglaban mo hangga't ipinaglalaban ka rin niya."

Ace smiled. "Actually, magpapa-DNA test sana ulit kami ni Allen."

"That's good, son." Sabi ng kaniyang ina na hindi niya napansin na kasama pala ni Kyline at Allen.

"Mom."

"Binisita kami ni Kyline. At sinabi niya na gusto ka niyang puntahan so sumama na kami."

A Love SO BEAUTIFUL (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora