Chapter 18

1.3K 71 6
                                    

"IVY WAS my ex-girlfriend..." Pagsimula ni Ace.

Nakinig naman si Kyline and didn't interupt Ace.

"She was my girlfriend when I was in college. She broke up with me. Ang sabi niya hadlang ako sa mga pangarap niya at hindi na niya raw ako mahal."

"Did she tell you to wait for her?" Kyline asked.

Umiling si Ace. "Wala siyang sinabi. At 'yon na rin ang dahilan kung bakit hindi na ako naniwala na 'Love exist' kaya nagpaka playboy ako. I broke many women's heart. Hindi ko na mabilang kung ilan ang mga babaeng sinaktan ko."

Hindi napigilan ni Kyline ang sarili. Binatukan niya si Ace. "Gago ka pala, eh. Pinaghigantian mo ang mga babaeng walang kinalaman sa pag-iwan sa'yo ni Ivy." Kyline tsked and crossed her legs.

"Sorry. Nasaktan lang talaga ako sa ginawa sa akin noon ni Ivy."

Napailing si Kyline. "Kaya marami ka ring mga iniwan na babae. Hay naku, magdasal ka na lang wala kang nabuntis sa kanila."

Ngumiwi si Ace. "Can we move on to that? I'm a playboy but that was before. Matino na ako ngayon. Stick to one na ako."

Umismid si Kyline. "May bumabalik nga na ex, eh."

Napatitig si Ace sa dalaga. "Nagseselos ka ba?"

Natigilan si Kyline. "Hindi."

"Owwsss?"

"Ace Verdect, tigilan mo ako. Tapusin mo na ang ginagawa mo."

Ngumisi si Ace at itinuloy na lang ang ginagawa. Halatang umiiwas si Kyline.

"Anyway, what do you want for lunch? Magluluto ako." Sabi ni Kyline at tumayo.

"Anything." Sagot ni Ace habang nakatutok ang mata sa screen ng laptop.

"Mr. Ventura, gusto kong ipaalam sa'yo na walang 'anything' na pagkain. At isa pa kung mayroon man, hindi ko alam kung paano lutuin ang 'anything' na 'yan." Namewang si Kyline.

Ace chuckled. "Bakit ba ang sungit mo?"

Umirap si Kyline. "Ano nga?"

"Adobong manok."

"Okay. Excuse me." Pero hindi kaagad naigilid ni Ace ang paa kaya napatid si Kyline.

Mabilis na kumilos si Ace at sinalo ang katawan ng dalaga. Napaupo si Kyline sa kandungan ni Ace habang nakayakap ang mga braso ni Ace sa beywang  ng dalaga.

Napalunok si Ace dahil sa posisyon nilang dalawa ni Kyline. While Kyline, nagulat ito at aalis na sana sa pagkakaupo sa kandungan ng binata pero humigpit ang yakap ni Ace kay Kyline.

Ace stared at Kyline's lips. Hindi naman makagalaw si Kyline dahil gulat pa rin siya sa nangyari.

Hindi na napigilan ni Ace ang sarili.

"Kyline, I'm sorry..." Ace apologized.

Kumunot naman ang nuo ni Kyline. "Para saan?"

"For this." And with that, hinalikan niya ang dalaga.

Nanlaki naman ang mata ni Kyline at kasabay nito ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso at dahil magkadikit ang katawan nila ni Ace, she can feel Ace's heart that was beating so fast.

Ace felt Kyline's soft lips and he wants more. He move his lips.

Kyline wanted to push Ace but her body was against it. Instead she respond to Ace's kiss. Parang may sariling isip ang mga braso niya at pumalibot sa leeg ni Ace habang naghahalikan silang dalawa.

A Love SO BEAUTIFUL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon