Chapter 9

1.6K 92 4
                                    

HINDI PA SUMASAPIT ang alas singko ng hapon, nasa labas na ng gate ng paaralan na pinagtuturuan ni Kyline si Ace.

Damn!

Kailangan niyang unahan ang lalaking pumoporma sa dalaga. Hindi siya papayag na maunahan siya nito.

No way!

Patingin-tingin si Ace sa gate ng school. Sampung minuto pa bago lumabas ang mga estudyante at mga guro. Sinulyapan ni Ace ang cupcakes na nasa shotgun seat. Dumaan siya sa isang café kanina para bumili. He learned from Kyle that Kyline's favorite is cupcake. Tinawagan niya kasi ito kanina umaga at tinanong niya ito. Chocolate mud cupcakes raw ang paborito ni Kyline at naalala niyang 'yon ang binili niya kahapon para rito.

Agad na bumusina si Ace ng makitang lumabas ng gate si Kyline pero agad ding nalukot ang mukha niya nang makitang kasama ng dalaga ang co-teacher nito, ang kasama nito kahapon.

Lumabas ng sasakyan si Ace.

"Kyline." Tawag niya sa dalaga at napansin niyang napapatingin sa kaniya ang ibang estudyante at mga gurong lumalabas ng gate.

Hindi na nagulat si Kyline ng makita si Ace sa labas ng school. Sinabi nito susunduin siya. Hinarap niya ang co-teacher. "Pasensiya na, Sir Miguel, pero may sundo kasi ako." Sabay sulyap kay Ace na seryoso ang mukha.

Tumingin naman kay Ace ang guro. "Your boyfriend?" Tanong nito sa kaniya.

"Suitor." Sagot niya.

Ngumiti ang co-teacher. "May pag-asa pa pala ako."

"Huh?"

"Wala, Ky. Sige, bukas na lang ulit. Dinner tayo.",

"I'm sorry to interupt the two of you," sabad ni Ace. Tumingin siya sa co-teacher ni Kyline. "If you want to have a dinner date with Kyline, it's better kung ipagpaalam mo siya sa kapatid niya."

I can't believe this. I'm giving him advice. Ace! Gumising ka nga! Karibal mo 'yan!

"If that's so. Okay." Sagot sa kaniya ng co-teacher ni Kyline. "Unahan na lang tayo." Sabi nito sa kaniya.

Ace tsk. Ang tanga mo kasi Ace.

But oh well, Kyle is his friend, kaya alam niyang tutulungan siya nito tungkol kay Kyline. With that thought, Ace smirked and looked at Kyline. "Let's go."

Tumango si Kyline at nagpaalam sa co-teacher bago pumasok sa sasakyan ni Ace. Pinagbuksan naman siya ni Ace ng pinto ng kotse.

"Thanks."

"Anything for my honey." Sabi ni Ace.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Kyline sa itinawag sa kaniya ni Ace. Pero nahigit ni Kyline ang hininga ng biglang inilapit ng binata ang mukha nito sa kaniya.

"B-bakit?"

Ace smiled. "Seatbelt." Anito at ito na mismo ang nagkabit ng seatbelt niya.

"Uh ... thanks."

Maingat na isinara ni Ace ang pinto ng shotgun seat at umikot papunta sa driver seat.

Ace started the engine. But then Ace get the paper bag that he was place on the dashboard earlier. "For you." Sabay abot niya sa dalaga.

"What this?" Tanong ni Kyline.

"Cupcakes." Sagot ni Ace at pinaharurot ang kotse.

"Oh. Thanks." Sabi ni Kyline.

"Let's have a dinner first." Sabi ni Ace habang humaharurot ang kotse.

Kyline sighed. "Ayaw ko. Please, ihatid mo ako sa bahay."

A Love SO BEAUTIFUL (Completed)Where stories live. Discover now