Chapter 19

1.3K 69 6
                                    

KYLINE misses her brother. Hindi nito natupad ang pangako na dadalawin siya nito sa Baguio sa kaya siya na ang dumalaw rito.

Pagkababa ni Kyline ng kotse. Kaagad niyang nakita ang kotse ni Ace na nakaparada sa garahe ng bahay nila. Kumunot ang nuo ni Kyline.

Anong ginagawa ng mokong na 'yon dito?

Hindi kaya...

Mabilis na tumakbo si Kyline papasok sa nakabukas na pinto ng bahay. Hindi na niya nadala ang mga pasalubong niya para sa mag-asawa na nasa kotse niya.

"Kuya!" Sigaw niya.

Pero may narinig siyang ingay sa kusina kaya kaagad siyang pumunta roon. Naabutan niya ang Kuya Kyle, si Ace at ang kaibigan ni Ace na si Russell.

Mukhang hindi siya napansin ng mga ito dahil abala ang mga ito sa kung anong ginagawa ng mga ito sa island counter.

"Kuya Kyle."

Mabilis na nag-angat ng tingin ang kapatid. "Kyline!" Her brother smiled.

Mabilis na lumapit sa kaniya ang kapatid at niyakap siya at hinalikan siya sa nuo.

"Hindi ko na nahintay na dadalawin niyo ako sa Baguio, Kuya, kaya ako na ang dumalaw dito." Aniya at tumingin sa mga kasama nito.

"Anong ginagawa niyo?" Tanong niya sa mga ito.

Ace smiled. "Hi, Hon."

Kumaway lang naman si Russell sa kaniya. Nginitian naman niya ito.

"Hon, don't smile at him." Seryosong sabi ni Ace.

Tumaas ang kilay ni Kyline pero hindi nagsalita. At ito pa pala, hindi pa alam ng Kuya Kyle niya na sila na ni Ace.

Sinabi na kaya nito? O hindi pa?

"Ah, kuya, may dala nga pala akong pasalubong nasa kotse. Si Ate Nat?" Tanong niya ng hindi makita ang asawa ng kapatid.

"Nasa kwarto. Nagpapahinga." Sagot ng kuya niya habang naglalakad palabas ng kusina. "Kukunin ko lang ang dala mo."

"Okay, kuya."

Nang makaalis ang kapatid, tumingin siya kay Russell at Ace. "Anong ginagawa niyo dito?"

Russell shrugged and pointed Ace. "Yan ang tanungin mo dahil hinila lang naman niya ako rito."

Tumingin naman si Kyline sa kasintahan at tinaasan ng kilay.

"Ang kuya mo ang tanungin mo dahil tinawagan niya lang naman ako at pinapunta dito." Sagot ni Ace at hinalikan siya sa nuo.

"Bakit daw?" Kyline asked.

Ace shrugged. "Dunno. Ask your brother."

"Oo nga pala, sinabi mo na ba kay Kuya na tayo na?" Tanong ni Kyline.

Umiling si Ace. "Di'ba sabi mo tayong dalawa ang magsasabi?"

Kyline nodded.

"So hindi niya pa alam." Sabi ni Ace at tumingin kay Russell. "As of now, si Russell pa lang ang nakakaalam."

Ngumisi si Russell. "Wait till Dylan knows this."

Napailing si Ace. "At aasarin niyo akong dalawa."

"Depends." Russell said and then he looked at Kyline. "I want to ask kung bakit mo pinatulan ang kaibigan kong 'yan? He's a playboy. He will just hurt you."

"Shut up, Russell. Hon, huwag kang makinig sa kaniya." Humarang si Ace sa harapan niya pero sumilip siya at sinagot ang tanong ni Russell. "Hinalikan ako, eh. Abuso 'no? Nanliligaw pa lang pero humalik na."

A Love SO BEAUTIFUL (Completed)Where stories live. Discover now