Chapter 14

1.7K 77 10
                                    

NAPANGITI si Kyline habang nakatingin sa nagaganap sa kaniyang harapan. Ngayon ang araw ng kasal ni Kuya Kyle at Ate Natasha. Naging emosyonal ang vow ng dalawa para sa isa't-isa. Masaya naman si Kyline para sa kapatid. Siya ang aid of honor habang si Ace ay ang bestman.

"You may now kiss the bride." The priest announced.

The newlywed kissed and everyone clapped their hands. Happy for the newlywed.

"Ang saya nila 'no?" Sabi ni Ace na nasa tabi ni Kyline habang nakatingin ang mga ito sa bagong kasal.

Tumango si Kyline. "Masaya ako para kay Kuya."

Naglakad si Kyline palapit sa bagong kasal. "Congratulations sa inyong dalawa."

"Salamat, Ky." Sabi ng kuya Kyle niya at niyakap siya nito.

"Thank you, Kyline." Niyakap rin siya ni Ate Natasha.

"Pumunta na tayo sa reception. Hinihintay na nila kayo." Sabi ni Ace.

"Let's go."

MASAYA ang lahat sa reception. Pero kung minalas nga naman, si Kyline ang nakakuha ng bulaklak ng bride.

"Your next, my dear sister." Nakangising sabi ni Kyle sa kapatid.

Napabuntong-hininga si Kyline. " Whatever." She muttered.

Bumalik siya sa kaniyang upuan habang dala ang bulaklak ni Ate Natasha. Ang hindi niya alam ay si Ace ang nakakuha ng garter kaya nagulat siya ng bigla siyang hilain ng binata sa gitna at pinaupo sa upuan na naroon.

"Anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ni Kyline kay Ace.

Ngumisi si Ace at ipinakita ang garter.

Inirapan na lang ni Kyline ang binata. "Isuot mo na para matapos na 'to. Nakakahiya. Sa atin silang lahat nakatingin."

Ace chuckled. Tumingin siya sa mga kamag-anak at kaibigan ng magkapatid. Nakangiti ang mga ito habang nakatingin sa kanila.

"Don't be shy, honey."  Nakangisi niyang saad.

Itinaas niya ng kaunti ang suot na dress ni Kyline bago niya isinuot ang garter sa hita nito. Mabilis na tumayo si Kyline pero agad ding napatigil ng lumapit sa kanila ang photographer. Lumapit din ang bagong kasal habang si Ace ay nasa tabi niya ay humawak sa beywang niya.

Kinurot ni Kyline ang binata. "Ang kamay mo."

"Bakit?" Natatawang nitong tanong. "Ngumiti ka sa camera, hon. Mamaya na 'yang inis mo." Sabi nito.

Kyline sighed and smiled at the camera.

Nang matapos ang picture ay bumalik sila ni Ace sa table nila at pinanood ang mga taong nagsasaya sa dancefloor habang ang iba ay kumakain.

"Let's dance." Aya sa kaniya ni Ace at inilahad ang kamay nito.

Tumingin si Kyline sa mukha ng binata at sa kamay nitong nakalahad. Tinanggap niya ang kamay nito at masuyo naman siyang hinila ni Ace papunta sa dance floor.

Inilagay ni Kyline ang kamay sa balikat ni Ace.

Ace wrapped his arms around Kyline's waist.

Magkadikit ang katawan nilang dalawa kaya nararamdaman ni Kyline ang mabilis na pagtibok ng puso ni Ace. Nagbaba ng tingin si Kyline at napangiti.

Habang sumasayaw ang dalawa, hindi mapigilan ni Ace na titigan ang magandang mukha ni Kyline.

"Ky?"

"Hmm?" Nag-angat ng tingin si Kyline.

"Ang ganda mo."

Kyline's blushed but still manage to rolled her eyes. "I know."

A Love SO BEAUTIFUL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon