Chapter 21

1.3K 67 8
                                    

"SALAMAT talaga, hija, at dinalaw mo kami." Masayang sabi ng ina ni Ace habang nagmemeryenda sila sa hardin ng ginang.

Ngumiti si Kyline. "Wala pong anuman. Sinabi po kasi ni Ace na gusto niya raw akong makita kaya sinabi ko pong dadalawin namin kayo."

Ngumiti ang ginang. "Salamat rin pala sa novels na binigay mo, hija. I'm going to read that for sure."

"Salamat po." Kyline smiled.

"At masaya kami ng Mommy niyo na kayo na pala." Sabi ng ama ni Ace.

"Kailan ang kasal?" Tanong ng ina ni Ace. "I'm excited to have a grandchild."

Nasamid si Kyline sa iniinom na juice dahil sa sinabi ng ina ni Ace. Hinagod naman ni Ace ang likod ng kasintahan at tumingin sa ina. "Mom, nagsisimula pa lang ang relasyon namin ni Ky. Huwag kayong excited magkaroon ng apo. Don't rush it, Mom. Darating din tayo diyan."

"Sorry." His mom smiled sheeplessly. "I'm just excited."

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Ace sa kasintahan.

Tumango naman si Kyline at ngumiti. "Oo."

"At isa pa, anak. Nag-aalala kami ng Mommy mo na baka hindi na namin makita ang mga apo namin. Life is too short, 'ika ng nila. At isang taon na lang mamamaalam ka na sa kalendaryo. Hindi ba kami dapat kabahan niyan." Ani ng ama ni Ace.

"Dad, age is just a number. Kung ang 50 years old nga nakakabuntis pa. Mas lalo naman ang 30 years old." Sabi ni Ace.

Napailing naman si Kyline.

"Iyon na nga, 'nak. Ang tanong, hindi ka ba baog?" Tanong ng ama ni Ace na ikinatawa pareho ni Kyline at ng ina ni Ace.

Napailing naman si Ace. "Makikita niyo na lang kapag may asawa na ako." Sabi na lang niya.

He doesn't want Kyline to feel uncomfortable dahil sa mga pinag-uusapan nila.

"Kailan naman?" Tanong pa ng ama.

"Soon, Dad. Soon."

"Asahan namin 'yan."  Sabi ng ina.

"Yes, Mom."

"Okay."

"Kyline, if you want to visit us. Your always welcome here in our homw because this now also your home. Okay?" Masuyong sabi ng ina ni Ace.

"Opo. Salamat po, Mommy."

Parang kinikiliv na ngumiti ang ginang. "I'm happy that you called me 'Mommy'."

Kyline smiled. "Bibisita po ako ulit sa inyo kapag may time po ako."

"Anytime you want, hija. Anytime. Andito lang naman ako pero baka kapag hindi kita nahintay ako ang bibisita sa'yo sa Baguio. Asahan mo 'yan."

"Opo. Nasa bahay lang naman po ako tuwing weekends."

"That's good then. Girl bonding tayo."

"Opo."

Napapangiti na lang si Ace habang nakatingin sa ina at sa kasintahan na nag-uusap. His mom really likes Kyline.

He looked at his wristwatch.

"Mom, Dad, kailangan ko ng ihatid si Kyline. I promised to her brother that she will be home before dark." Aniya.

"Okay."

Nagbeso si Kyline at ang Mommy niya.

"Alis na po ako." Paalam ni Kyline.

"Mag-ingat kayong dalawa." Ani ng ama ni Ace.

A Love SO BEAUTIFUL (Completed)Where stories live. Discover now