Chapter 23

1.2K 50 6
                                    

KYLINE SIGHED while looking at her phone. Kagabi pa niya hinihintay ang tawag ni Ace pero hindi ito tumawag. Gusto niyang siya ang tumawag pero parang nahihiya naman siya dahil baka abala ito sa kumpanya nito. Napabuga ng hangin si Kyline at kinuha ang backpack na naglalaman ng ilang damit.

Hindi na bale. Uuwi naman siya sa Maynila. Pupuntahan niya na lang ito sa mansyon at para madalaw na din niya ang ina ni Ace na palaging tumatawag sa kaniya at nangungulit na bisitahin niya.

Of course, may dala siyang pasalubong rito.

She locked the door and walked towards her car.

"This is gonna be a long drive." She said and started the engine.

Ayaw naman niyang mag-eroplano kahit pa mabilis siyang makakarating sa Maynila. She preferred travelling by car. Narerelax kasi siya.

Binuksan niya ang bintana sa tabi niya bago pinaharurot ang kotse. She also play music in her phone.

"THE RESULT of DNA test is ninety-nine percent." Ani ng doktor.

"Imposible." Bulalas ni Ace pagkatapos marinig ang sinabi ng doktor.

"That's what the test, Mr. Ventura."

"Hindi ako naniniwala." Pag-iling ni Ace. "Let's have another test."

"Ace, kahit ilang test ang gawin mo. Ninety-nine percent ang lalabas." Sabi ni Mylene.

Ace tsked.

"Okay. Fine." Tumingin siya sa kaniyang mga magulang. Napailing ang mga ito.

"Halina kayo. Sa mansyon na tayo mag-usap." Seryosong saad ng ina.

Ace sighed.

"Okay, Mommy." Sabi ni Mylene.

"Don't call me 'mommy', dahil hindi kita manugang. Si Kyline lang ang pwedeng tumawag sa akin ng mommy. Call me Ma'am, Mylene." Masungit na sabi ng ina at mabilis itong naglakad palabas ng clinic.

"Allem, come here." Tawag ni Ace sa bata na kaagad namang lumapit sa kaniya. Kinarga niya ito at naglakad palabas ng clinic at naiwan si Mylene sa loob ng clinic.

"Thank you, Doc." Sabi ni Mylene sa doktor.

"Walang problema, Mylene." Anito.

Ngumiti si Kylene at lumabas na rin ng clinic.

Nainis siya ng hindi man lang siya pinagbuksan ni Ace ng pinto ng kotse. Inis siyang pumasok sa loob. Katabi niya ang anak at kasama niya sa backseat ang ina ni Ace na nakataas ang kilay.

Nag-iwas ng tingin si Mylene. Sana lang hindi makahalata ang ina ni Ace sa kaniya. Sa hitsura pa lang kasi nito, isa itong sigurista.

Habang si Ace, malaki ang problema kung paano niya sasabihin kay Kyline na may anak siya. Damn! Siguradong magagalit ito sa kaniya and worst baka makipagbreak pa ito.

Nahampas ni Ace ang manibela. Ngayon nagsisisi na siya. Kung bakit ba naman kasi playboy siya noon? At ngayon malaki ang problema na idinulot.

Napabuga ng hangin si Ace.

Paano niya ito sasabihin kay Kyline? He loves Kyline so much and he doesn't want to lose her. Now what will he do?

Tell her the real situation or keep it from her.

Pero nangako siya sa kasintahan na hindi siya maglilihim dito kahit kailan. He will always tell her everything at ganun din ito sa kaniya. They were transparent to each other.

Pagdating nila sa mansyon, kaagad silang nag-usap.

"What do you want, Mylene?" Striktang tanong ng ina ni Ace.

A Love SO BEAUTIFUL (Completed)Where stories live. Discover now