Chapter 27

15 12 0
                                    

Andrea's POV

Pumayag si Ariena na umuwi ako sa Pilipinas para makapiling ang pamilya at ang mga kaibigan ko bago ang kasal.

Bukas na ang kasal at handa na ang lahat para sa mangyayaring okasyon.

Ako na lang talaga ang hindi handa.

"Are you sure about this anak? You don't have to do this." bakas ang lungkot sa boses ni mama.

Lahat sila ay nag-aalala para sa akin sa naging desisyon ko.

"Yes, 'ma. Pagkatapos nito ay makakalaya na kayo mula sa batas ng England." sagot ko.

"But you'll be tangled in a relationship you don't want." sabi naman ni papa.

"We're fine getting punished, Andrea." sabi naman ni kuya Andrew.

"But I'm not fine with it. Kamatayan 'yon kuya Andrew. A little sacrifice from me is nothing compared to your lives." may inis sa boses na sabi ko.

Kailanman ay hindi ako papayag na hatulan sila ng kamatayan na parusa.

Kung pwede lang akong lumabag at umatras ay ginawa ko na.

Damn! I don't wanna get married at this young age.

I just don't have a choice.

"Bakit kasi kailangan mo pang magpakasal, ate? Wala na bang ibang paraan?" tanong naman ni Andrei.

Umiling ako sa kaniya.

"Wala na, Andrei. Ito lang ang paraan para hindi na kayo guluhin pa ni Ariena." sagot ko sa kaniya.

"If there's no other choice then let us handle her." sabi naman ni kuya Andrello.

"Ang royal court ang may gusto na parusahan kayo kaya wala tayong magagawa kahit labanan natin si Ariena. Mas lalo lang madadagdagan ang parusang ipapataw sa atin." saad ko.

Nabasa ko ito sa isang libro sa bookshelf ng study room sa kwarto ko sa England.

Ang royal court ay hindi sakop ng reyna. Ang pasya ng royal court ay hindi na pwedeng hadlangan pa ng reyna kapag ito ay napirmahan na ng lahat ng royal judges.

Matapos kong makipag usap sa pamilya ko ay dumeretso ako sa bahay nila lola.

Sinalubong agad ako nila ng yakap sa pinto pa lang ng bahay.

"Why are you doing this, apo? This is not what I taught you." nag aalalang sabi ni lola.

"Wala akong choice, 'la. But don't worry. I've done everything according to what you taught me." sambit ko.

"Let me talk to my sister. Hayaan mong ako ang humarap sa kaniya." sabi niya pa.

"'Wag na, lola. Alam mo ang batas sa England dahil isa ka ring prinsesa." sabi ko.

"Are you going to be okay, apo?" tanong naman ni lolo.

"Syempre, lolo. Isa yata akong Luxivero." nakangiting sabi ko.

Sa arena ang sunod kong destinasyon kung saan naghihintay sila Jake at Alistair kasama sila Alexa.

Sila naman ang sunod kong kakausapin tungkol sa kasal.

"Andry, are you sure about this marriage? I mean, you're still young." tanong ni Raia.

"A hundred percent." sagot ko.

"Bakit biglaan? Kapupunta mo lang ng England tapos ikakasal ka na?" tanong naman ni Jake na halatang naiinis.

"Wala, eh. Speed talaga sila." sagot ko naman.

My Role (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon