Chapter 2

122 101 2
                                    

Andrea's POV

Palabas ba ako ng bahay namin nang abutan ko sila mama at papa na pasakay ng kotse at handa nang umalis para sa trabaho.

"Maaga pa, 'nak. Ang aga mo yatang pumasok?" tanong sa akin ni mama na isinara na muna ang binuksan niyang pinto ng sasakyan at sinenyasan akong lumapit sa kaniya.

"Magbabasa-basa muna ako sa library. Wala rin naman akong gagawin sa bahay." sagot ko habang naglalakad palapit sa kanila.

Lumapit si papa sa amin mula sa driver's side at ginawaran ako ng halik sa ulo.

"Gusto mo bang ihatid ka na muna namin?" tanong ni papa sa akin.

Umiling ako.

"Hindi na. May motor naman ako."

Bigla namang nagbago ang timpla ng mukha ni mama.

Ayaw niya kasing nagmo-motor ako. Masyado daw delikado.

Natatawa na lang ako dahil four years na 'kong nagmo-motor pero nag-aalala pa rin siya.

"'Di ba ang sabi ko ay kotse na lang ang gamitin mo? Kaya nga kita binilan, eh. Hindi mo naman ginagamit." waring nagtatampong sabi niya habang nakanguso pa.

Hindi ko mapigilang mapangiti at bigyan siya ng kiss sa pisngi dahil ang cute ni mama.

Binilan niya ako ng kotse bilang regalo nitong eighteenth birthday ko. Madalang ko lang siyang gamitin dahil hassle kapag traffic. Hindi ako makasingit.

"'Ma, iniingatan ko lang kasi regalo mo 'yon." sabi ko habang hawak ang dalawa niyang kamay.

"Delikado nga ang motor. Ang tigas ng ulo mo."

"Hindi naman ako mabilis magpatakbo." pagdadahilan ko.

"Kahit na. Kapag nabangga ka ng kung sino man ay walang kwenta ang pagd-drive mo ng mabagal dahil sesemplang ka pa rin." sermon niya.

Hindi sa pagmamayabang pero kaya kong ibalanse ang motor ko kahit mabangga ako ng kung sinong gago.

Tinuruan ako nila kuya Andrew noon bago ako makapagsimulang mag-drive sa highway.

Kaya ko ring tumalon mula sa motor ko kung imposibleng mabalanse ko ito.

Pero hindi ko sasabihin 'yan kay mama dahil mayayari sila kuya.

"'Ma, naiintindihan kong nag-aalala ka pero kailangan ko ng tiwala mo." mahinahon kong sabi.

Napabuntong hininga naman si mama.

"May tiwala ako sa 'yo pero sa mga kaskasero sa daan ay wala." sabi naman niya.

Napabuntong hininga na lang ako dahil humahaba na masyado ang usapan namin.

Baka imbis na mapaaga ako sa school ay ma-late pa 'ko.

Mukhang naintindihan naman ni papa ang buntong hininga ko dahil sumabat na siya sa usapan.

"Alam mo, hon. Just trust her. Ang tagal na niyang nagmo-motor, oh. Hindi naman na 'to ang first time." sabi ni papa na kinindatan pa 'ko.

He understood the assignment kaso wa epek kay mama.

"Isa ka pa. Kunsintidor ka kasi!" singhal ni mama sa kaniya.

"Iba ang sinusuportahan at pinagkakatiwalaan ang anak sa gusto sa kunsintidor. Hayaan mo na. D'yan siya masaya, eh." sagot ni papa na pilit nagpapa-intindi kay mama.

"Suporta at saya? Kapag naaksidente 'yan sasaya ka pa?" singhal naman ni mama na masama na ang tingin kay papa.

"Ako na ang maghahatid sa kaniya mama. Just go on your work place para hindi na hassle." biglang sulpot ni kuya Andrew sabay akbay sa akin at hila papunta sa kotse niya.

My Role (Revised)Where stories live. Discover now