Chapter 14

51 54 2
                                    

Jake's POV

Nasa bahay ako nila Andrea sa home office ni tito Andy.

Kasama ko dito ang mga kapatid niya.

Pinapunta nila ako dito para pag-usapan ang nangyari kay An.

Hindi kasi namin nagawang pag usapan kanina 'yon dahil siniguro muna namin na maayos ang kalagayan niya.

Mabuti na lang ang pinalabas kami ng guards kahit class hour pa.

"Tell us exactly what happened, Jake." utos ni kuya Andrew.

Inilapag ko muna ang basong may lamang juice bago ako magsalita.

"Hindi ko alam ang eksaktong nangyari. Tumawag lang si An sa 'kin kanina. Ang sabi niya may dugo daw. Doon pa lang alam kong inaatake na naman siya ng trauma niya. Sabi niya balot daw ng dugo 'yung kamay." kwento ko.

Naaalala ko pa din hanggang ngayon ang nanginginig niyang boses.

Ramdam ko ang takot niya kanina habang kausap ko siya.

Medyo nahuli nga lang ako dahil nawalan na siya ng malay nang makita ko siya.

"Sa'n mo siya nakita?" tanong ni kuya Andrello.

Lahat sila ay nakatutok sa akin at nakikinig sa mga sinasabi ko.

"Sa cage booth. Nakita ko siya do'n na walang malay katabi ni Alistair. Parehas silang tulog. Ang ipinagtataka ko lang ay kung kaninong kamay ang sinasabi niyang balot ng dugo dahil wala naman siyang ibang kasama do'n kung 'di si Alistair lang at wala namang dugo ang kamay ni Alistair." puno ng pagtatakang sabi ko.

Kumunot naman ang noo nila.

'Yon talaga ang ipinagtataka ko kanina kaya tinawagan ko agad si kuya Andrew.

Wala akong nakitang dugo sa kamay ni Alistair.

Kahit isang tuldok ay wala.

"Are you sure?" tanong ni kuya Andrew na tinanguan ko bilang sagot.

"Paanong na trigger ang trauma niya kung wala namang dugo ang kamay ni kuya Alistair?" takang tanong ni Andrei.

'Yon din ang iniisip ko. What the hell did happen in the cage booth that trigger her trauma?

"There's a missing piece in this puzzle." malalim ang iniisip na sabi ni kuya Andrew.

"Kailangan nating malaman kung ano 'yon." sabi naman ni kuya Andrello.

There's something missing in this puzzle that I can't figure out.

"May isa pa akong ipinagtataka." pabulong na sabi ni Andrei na narinig namin kaya sabay sabay kaming napalingon sa kaniya.

Malalim ang iniisip niya habang nakatingin sa malayo.

"Bakit walang maalala si ate tungkol sa nangyari? Kung naaalala niyo bago tayo umalis kanina nang magising siya ay wala siyang maalala. Hindi niya alam ang nangyari." sabi ni Andrei.

Tama siya.

Bakit nga ba walang maalala si An?

Bakit hindi niya alam ang nangyari?

"Hindi natin siya pwedeng tanungin tungkol sa nangyari at baka maulit iyon." sabi ni kuya Andrello.

"Tayo ang hahanap ng nawawalang piraso ng pangyayaring ito. Walang lalabas sa pinag usapan natin ngayon. Jake, siguraduhin mong hindi alam ni Alistair ang nangyari at wala siyang sasabihin kay Andeng." mahabang litanya ni kuya Andrew.

Tumango ako sa kaniya.

Kailangan naming kumilos ng kami lang at hindi pinapaalam kay An ang nangyari.

My Role (Revised)Where stories live. Discover now