Chapter 19

46 42 3
                                    

Andrea's POV

Matapos nang una naming klase sa umaga ay bigla na lang lumapit sa akin si Alistair at hinila ako palabas ng classroom.

Tinawag siya ng mga kaibigan namin pero para siyang walang naririnig at patuloy lang sa paghila sa akin.

Hinayaan ko na lang siya dahil baka gumawa lang kami ng eksena sa hallway kung magpupumiglas ako.

Baka mapatawag pa kami sa guidance.

Binitiwan lang niya ako nang makarating kami sa soccer field.

"Care to explain?" tanong niya na halatang nagpipigil ng inis.

"Anong explanation ba ang gusto mo?" mahinahon kong tanong saka siya tinalikuran at humarap sa bakanteng field.

Walang katao tao dito dahil sa gymnasium ang P.E area ngayon.

Madalang gamitin ang soccer field pwera na lang kung may competition.

Naglakad papunta sa harap ko si Alistair at iniangat ang ulo ko para magpantay ang mga tingin namin.

"Everything, Andrea. I'm still confused." sabi niya.

  
                                Flashback

"What the?" hindi makapaniwalang sabi niya habang nakatingin sa akin.

Agad kong kinuha ang panyong iniabot niya sa akin kanina at agad na tinakpan ang kalahati ng mukha ko.

Mabilis kong dinampot ang punyal sa tabi ko at inasinta ang lalaking kalaban ko. Tinamaan siya sa tagiliran na ikinatumba niya.

"Fvck!" daing niya habang hawak ang tagiliran niya.

Mabilis kong hinila si Xein pasakay sa sasakyan niya habang hindi pa nakakabawi 'yung gungggong na 'yon ng lakas para makalaban muli.

"Start driving, jerk! Quit staring." malamig kong utos sa kaniya na agad niyang sinunod.

Nanginginig pa ang mga kamay niyang in-start ang kotse at nagmaneho.

Tinanggal ko na ang panyong nakatakip sa mukha ko dahil wala naman ng kwenta ito. Nakita na niya ang mukha ko.

Kilala na niya 'ko.

"You'll tell no one about my real face, Xein." I said with full authority on my voice.

Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kaniya at nabigla ako nang bigla niyang ipinark ang kotse at hinarap ako.

Mas ikinabigla ko nang tanggalin niya ang mask niya at makita ko ang mukha niya.

"Alistair?" gulat na sabi ko.

What the freak? Xein and Alistair is just the same person?

"Yes, Vladar. I'm Alistair." sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko ng deretso.

"How come?" I asked in confusion.

Paanong siya si Alistair? Damn!

Ang taong kinaiinisan ko sa eskwelahan ay ang ang taong nagbibigay ng comfort sa akin sa arena.

Ang gagong gusto kong sapakin bilang Andrea ay ang taong gusto kong yakapin bilang Vladar.

The heck???

                        End of Flashback

Hinabol kami nang mga nakalaban namin kaya hindi na kami nakapag usap pa sa sasakyan.

Nagka emergency naman sa bahay nila kaya nang maihatid niya ako sa amin ay umuwi na agad siya.

In short, wala kaming oras ma pag usapan ang tungkol sa nangyaring rebelasyon.

Takte, hindi ko talaga inakala na siya 'yon.

"Pwedeng mamaya na? May klase tayo." sabi ko saka akmang aalis na nang bigla niya akong hinila pabalik sa pwesto ko.

Hawak hawak niya ang magkabilang braso ko habang deretsong deretso na nakatingin sa akin.

"I don't care about that goddamn class, Andrea. All I want to hear right now is an explanation from you." seryosong sabi niya.

Kita ko ang pagkalito sa kaniyang mga mata.

"Anong explanation ba kasi? I am her, the Queen, that's all." sabi ko.

Wala naman kasing paliwanag sa ganoong bagay. Ako siya at siya ay ako. Iisa kami.

Iisa si Vladar the Queen of Tyranny and Andrea Smith na kaklase niya.

"But how? Why didn't I noticed it?" takang tanong niya saka napasinghap sa hangin habang nakatingala. "I'm sure I'll noticed it immediately but how come you hide your identity so well?"

'Yan din ang tanong ko. Paanong hindi ko siya nakilala? Half mask lang naman ang suot niya.

Ang bobo ko sa parteng 'yon na hindi ko man lang nagawang makilala ang taong nasa harap ko.

Natawa ako nang may maalala.

                              Flashback

"Did something happen?" tanong niya sa 'kin.

I'm still bothered about what happened earlier.

Letse si Alistair kung makahalik akala mong girlfriend niya ako.

Ako naman si tanga na nag-respond. Bakit nga ba kusang gumalaw ang labi ko para tugunan ang halik niya?

Ba't gusto ko ang pakiramdam ng halik niya?

"Someone kissed me today. It should be a smack but... he kissed me passionately without asking for permission." I said unconsciously.

"He's a jerk. A damn pervert." sabi naman niya.

                      End of Flashback

"Why are you laughing?" tanong ni Alistair na nakapag pabalik sa akin sa reyalidad.

Nakakunot ang noo niya na para bang hindi niya ako ma-gets.

"Naaalala mo ba na tinawag mong jerk at manyak ang sarili mo?" natatawang tanong ko na nakapag pakunot ng noo niya.

Ilang sandali pa ay napapikit at napabuntong hininga siya nang maalala niya ang naganap.

"I didn't know it was me." depensa niya kaya lalo akong natawa.

Maging ako ay hindi ko alam na ang kausap ko pala ay ang taong humalik sa akin. Nagsumbong pa ako eh siya din pala 'yon.

"Let me just remind you to punch yourself in the face." natatawang sabi ko pa.

Sinamaan naman niya ako ng tingin na tinawanan ko lang.

Siya ang may sabi no'n, eh.

He said that I should remind him to punch that jerk who kissed me when we see him without knowing that it is him.

"Oh, stop!" naiiritang sabi niya.

"Bakit? 'Di ba sabi mo sasapakin mo siya para sa 'kin?"

"Why would I punch myself? I'm not that crazy."

"Well, you're the craziest guy I know besides Jake."

Kung kabaliwan lang ang usapan ay walang tatalo kay Jake. Mas baliw pa 'yon sa mga tao sa mental.

"Yeah, yeah." sarkastikong sabi niya. "That's probably the reason why there's something in me that pushed me to kiss you that time."

"Tama na ang usapan. Tara na at late na tayo. Yari na naman ako kay ma'am Burgos." sabi ko saka siya hinila pabalik sa classroom.

My Role (Revised)Where stories live. Discover now