Chapter 16

52 50 0
                                    

Andrea's POV

Ilang linggo na ang nakalipas matapos ang Valentine's day.

Malapit na ang midterm exam at next year ay college na kami.

May research pa pala kami at kailangan pa namin mag defense.

Hindi nga lang namin matapos tapos dahil hindi pa kami makapag set ng oras kung kailan kami gagawa dahil madami pa kaming subject na kailangan gawan ng project.

"Okay class, next week will be your midterm exam. Tapos naman na tayo sa lessons natin kaya ibibigay ko sa inyo ang time ng klase natin para gawin ang mga dapat niyong gawin kahit na para iyan sa ibang subject basta tapos na kayo sa mga kulang niyo sa subject ko. Ayokong may bumagsak sa inyo. Nagkakaintindihan ba tayo?" wika ni ma'am Jexon na tinugunan namin ng "yes ma'am!"

Lumabas na siya ng room at kaniya kaniya naman kami ng gawa ng mga kailangan naming gawin.

May performance video pa akong kailangan na ipasa sa P.E at may poster at essay naman Philosophy.

Dahil sa biglang pagdami ng gawain namin ay nawala panandalian sa akin ang nangyaring iyon sa infirmary.

"An, pahiram ako ng coloring materials mo. Nakalimutan ko 'yung akin, eh." sabi ni Jake na nasa tabi ko na basta na lang kinuha ang bag ko at hinalungkat ito.

"Nagpaalam ka pa eh kinuha mo din agad." inis kong sabi.

"At least nagpaalam." nakakalokong sabi niya habang nakangisi.

Ibinalik niya sa dating pwesto nito ang bag ko nang makuha na niya ang kailangan niya.

"Ano ba 'to? Bakit pudpud na lahat? Ito pa yata 'yung gamit mo nung grade seven pa lang tayo, eh." inis niyang sabi.

Hanep. Siya pa ang may ganang mainis, ah.

"Pwede pa 'yan. 'Wag ka nang magreklamo at nanghihiram ka lang." inis kong sabi saka nagsimulang gumuhit.

"Magagamit pa ba 'to? Wala na, eh." sabi niya pa.

"Dadalin ko ba 'yan kung hindi na magagamit? Kung ayaw mo bumili ka ng sa 'yo. Ang yaman yaman mo ayaw mong bumili."

"Meron ako nakalimutan ko lang."

"Bobo ka kasi. 'Wag mo 'kong daldalin at hindi ako makapag focus."

"Bumili ka na kasi ng bago. Andami mong pambili ng motor, coloring materials wala."

"Bakit mo kasi kinalilimutan 'yung sa 'yo? Sana 'yung chips mo na lang ang hindi mo dinala."

Binusalan ko ang bibig niya matapos kong magsalita para hindi na siya makaimik.

Mauubos ang oras ng wala akong nagagawa kapag hindi tumahimik 'tong gagong 'to.

Tungkol sa philosophy ang pinagagawa sa 'ming poster kaya ang naisip ko ay simpleng utak na may mga ideas sa loob.

Meaningful ideas na drawing din.

Natapos ko ang ginagawa ko on time. Sabay sabay kami nila Lexa na lumabas ng room para magpasa ng project namin.

Nasa faculty daw ngayon ang teacher namin sa Philosophy kaya doon kami nagtungo.

"Ang tagal niyong gumawa, p're. Halatang pinag isipan, ah." nakangising sabi ni Tristan sa amin ni Jake.

"Pudpud kasi lahat ng coloring materials ni An. Nahirapan akong gamitin." inis na sabi ni Jake.

Umismid naman ako saka siya binatukan.

"Nakikihiram ka na lang nagrereklamo ka pa." sabi ko.

"Totoo naman, eh! Ayaw pa kasi bumili ng bago." angal niya habang hinihimas ang batok. "Ang sakit." bulong niya pa.

My Role (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon