Chapter 4

96 90 1
                                    

Andrea's POV

Hindi na ako nakatulog at deretso ligo na dahil ala singko na kami natapos sa paglilinis at pagpapalit ng mga gamit sa kwarto.

Hindi talaga nagising sila Lexa kahit labas pasok kaming dalawa ni Alistair.

Letse! Nagpunta ako dito para makatulog pero wala rin pala akong magiging pahinga dito.

Kung hindi ba naman kasi isa't kalahating gago ang ama niya edi sana nakatulog ako.

Buti na lang at may isang furniture shop na bukas ng sobrang aga na nagligtas sa gagong si Alistair.

Ayaw daw niya na malaman nila Lexa ang nangyari kaya tinulungan ko na siya.

"Natulog ba kayong dalawa?" takang tanong ni Lexa sa amin pagkaupo ko sa dining nila.

Mukha ba 'kong nakatulog? Ang laki na naman ng eye bags ko. Halatang halata na wala akong pahinga.

Walang kumibo sa aming dalawa.

Naupo na din si Lexa sa tabi ni Raia at kami naman ni Alistair ang magkatabi sa harap nila.

Actually ay wala akong ganang kumain dahil ang gusto ko lang gawin ay ang matulog kaso hindi naman pwedeng pumasok ako ng walang laman ang tiyan ko.

Puyat na nga, gutom pa.

"Mukhang nagbangayan lang sila buong magdamag." sabi ni Raia na nagsimulang gunawa ng sarili niyang sandwich.

Kumuha lang ako ng tinapay, itlog, kamatis, lettuce, at ketchup saka ko pinagsama sama para maging sandwich.

Usually ay kanin ang kinakain ko sa umaga pero feeling ko ngayon ay hindi ko kayang kumain ng mabibigat sa tiyan na pagkain.

"I didn't hear anything last night." sambit ni Lexa.

Ang himbing nga ng tulog niyo, eh. Marami nang nabasag at lahat, hindi pa rin kayo nagigising.

"You sleep like a baby, Lexa. Hindi ka nagigising kahit sobrang ingay." natatawang sabi ni Raia sa kaniya.

"And so you are, Rai." nakangiwing sabi ni Lexa.

Parehas naman pala sila, eh.

Nagsimula na akong kumain ng sandwich na ginawa ko.

Six forty na ng umaga at seven ang start ng klase namin. Kailangan kong bilisan ang pagkain.

"Hindi naman siguro kayo nagsakitan, right?" nag aalangan na tanong ni Lexa.

Halatang hinihiling niya na tama ang speculation niya.

"Wala namang may bangas sa 'min kaya makakasiguro ka na walang nasaktan ng pisikal sa amin." sagot ko.

Halata namang nakahinga siya ng maluwag.

Masyado siyang concerned kung may nasaktan sa 'min.

"Good to hear that." sabi niya.

"No one got hurt physically but I'm sure someone got hurt emotionally. You guys throw shit to each other, ya know." nakangising sabi ni Raia.

Nakita ko namang siniko siya ni Lexa na halatang hindi nagustuhan ang pang uusisa niya.

Tama naman si Raia. May nasaktan dito, not physically but mentally.

Tinignan ko si Alistair sideways na hanggang ngayon ay hindi kumikibo at kumakain lang ng tinapay na may peanut butter.

Natapos ang klase namin na wala akong naintindihan kahit isa sa itinuro.

Antok na antok na 'ko at kailangan ko nang matulog. Hindi ko na kaya at talagang pumipikit na ang talukap ng aking mga mata.

"Let's go sa cafeteria, Andry. Sabay ka nang kumain sa amin." pag-aaya sa akin ni Lexa na lumapit pa sa table ko kasama si Raia.

My Role (Revised)Where stories live. Discover now