Chapter 5

97 87 3
                                    

Andrea's POV

Napigilan ako nila kuya sa akma kong pagsapak sa matandang nasa harap ko ngayon.

Parehas nila akong hinawakan sa magkabilang braso habang si Andrei naman ay niyakap ako mula sa harap.

Nanggagalaiti pa rin ako sa galit at gustong gusto ko siyang saktan.

Biglang bumukas ang pinto at may dalawang taong pumasok. Puno ng pagtataka ang mga mata nila.

"Anong nangyayari dito? Andrew, Anrello, Andrei. Bakit hawak niyo ang kapatid niyo?" tanong ni mama habang sinasara ang pinto ng bahay.

Binitiwan naman ako nila kuya Andrew kaya umayos na ako ng tayo at nanatiling masama ang tingin sa matanda.

"Andrea, 'wag kang ganiyan makatingin sa lola mo." suway naman sa akin ni papa.

Hindi ko siya pinakinggan at nanatili pa rin ang masama kong tingin sa nanay niya.

She just hit a nerve.

"Ano ba kasing nangyayari?" tanong ni mama nang makalapit siya sa pwesto namin.

Si papa naman ay sa pwesto ng nanay niya huminto.

Inayos ni mama ang buhok na nakaharang sa mukha ko at iginaya ako papaupo sa sofa sa tabi ni kuya Andrello.

"Mamà, anong nangyari?" tanong ni papa sa nanay niya na hindi inaalis ang tingin sa akin.

Huminga muna ito ng malalim bago ngumiti at tumingin sa anak niya.

Biglang lumambot ang expression ng mukha niya at nagbago ang boses niya.

Parang baliw ampotek.

"May misunderstanding lang kami ng prinsesa mo, anak. No need to worry about it." sagot niya sa malambing na boses.

"Misunderstanding ang ampotek." bulong ko.

Mahina namang hinampas ni mama ang braso ko. Nananaway.

Mukha namang naniwala sa kasinungalingan ng ina niya si papa at nakahinga na ito ng maluwag.

Patola nga pala si papa pagdating sa mga magulang niya. Lahat ng sinasabi ng mga ito ay pinaniniwalaan niya.

"Alright, then. Mag snack muna tayo." sabi ni papa at inalalayan ang ina niya papuntang kusina.

"Kayo na lang." sabi ko sabay tayo at punta sa hagdanan.

"Andrea." pagtawag ni papa sa akin.

"Wala akong gana." walang lingunan na sabi ko saka nagpatuloy sa pagpunta sa kwarto ko.

Patawa masyado ang matandang 'yon. Misunderstanding? Gago ka kamo.

Nagpalit lang ako ng damit at naglagay ng isang set ng P.E and school uniform.

I don't have any plans on staying here with that old woman.

Nang matapos akong mag-ayos ng gamit na kailangan ko ay lalabas na dapat ako ng kwarto ko.

Napatigil lang ako dahil biglang pumasok si mama ng walang katukan man lang sa pinto.

Naupo siya sa kama at sinenyasan akong maupo sa tabi niya sa pamamagitan ng pag tapik niya sa space sa tabi niya.

Sumunod ako dala dala ang bag ko.

"Pwede mo bang sabihin kay mama kung ano talaga ang nangyari?" tanong niya sa akin na may mahinahong boses habang hinahaplos ang buhok ko.

Makikita ang lungkot at pag aalala sa mga mata niya kahit may kapirasong ngiti na nakaukit sa mga labi niya.

Huminga ako ng malalim at isinandal sa balikat niya ang ulo ko. Niyakap naman ako ni mama at naramdaman ko din ang pagdampi niya ng halik sa buhok ko.

My Role (Revised)Where stories live. Discover now