Chapter 17

44 44 0
                                    

Andrea's POV

"You alright?" tanong sa akin ni Alistair.

Kaming dalawa ang naiwan sa cafe kung saan kami gumagawa ng project dahil may pinuntahan saglit ang mga ka-grupo namin.

Halos isang oras na kami dito at malapit na kaming matapos sa chapter one.

Sisimulan namin ang chapter two mamaya kapag dumating na sila dahil mahaba iyon.

Kailangan naming tapusin agad para hindi kami matabunan ng gawain.

"Oo." sagot ko.

"You look bothered." sabi niya pa.

Mahihimigan sa boses niya ang pag aalala na hindi ko alam kung saan nanggagaling.

Why does he sounds worried when he said that I'm bothered?

Hindi ako sanay.

"May iniisip lang." sagot ko.

May tao akong hinahanap na hindi ko makita.

Sa tagal ng panahon na nawala siya ay bigla siyang nagpakitang muli.

Hindi ko nga lang siya makita ngayon.

"Care to share?" tanong niya saka humigop sa milktea na in-order niya kanina.

Dapat ko bang sabihin sa kaniya o hindi na?

Wala din naman akong mapagsabihan kaya siguro ay pwede kong sabihin sa kaniya?

Ayokong sarilihin ito dahil pakiramdam ko ay mababaliw ako.

Mabuti na lang ay nakikisama sa akin ngayon ay utak ko at nakapag focus ako sa ginagawa ko.

"Pangako mo sa 'kin na hindi lalabas sa cafe na ito ang pag uusapan natin." wika ko.

"I promise." sagot niya na may kasamang pagtango.

Humigop muna ako sa strawberry milktea ko bago ako nagsalita.

"May isang tao akong hinahanap. He's been gone for years and then one day, he showed up. Since then ay hinahanap ko na siya pero hindi ko siya matagpuan." may inis sa boses na sabi ko.

Sinong hindi maiinis eh ang tagal ko siyang hinanap pero hindi ko siya makita tapos bigla na lang siyang lilitaw at mawawala ulit.

Usok ampotek.

"Is he important to you?" tanong niya sa akin.

Importanteng importante siya sa 'kin.

Sa sobrang importante niya ay hindi ako hinanap ko siya sa kung saang lupalop ng mundo.

"Yeah." maikli kong sagot.

Napatango siya bago tumingin sa labas ng cafe.

Nasa may gawing glass wall kami sa dulo ng cafe kung saan kitang kita ang nagdaraanang mga sasakyan at tao sa labas.

"You shouldn't give up, then. Look for that person until you find where exactly his or her location is." wika niya saka tumingin sa akin. "Who's that person, by the way? Maybe I can help."

Ako naman ang nag iwas ng tingin at tumingin din sa labas.

Sino nga ba siya sa buhay ko?

Bakit ako nag aaksaya ng oras at panahon sa kaniya?

I should be mad at him because he left without a word and he came back but he's not looking for me.

Ampotek naman, oh.

"Thanks for your offer but I can handle it myself. Basta 'wag mong ilalabas kahit kanino ang impormasyon na 'yan. Isang malaking tulong na iyon." sabi ko habang nakatingin ng deretso sa kaniya.

My Role (Revised)Where stories live. Discover now