Chapter 11

63 58 2
                                    

Andrea's POV

"Okay, class. Makinig kayo. May kaniya kaniyang booth ang bawat section. Pero ni-request ko sa higher ups na 'wag na kayong isali para mas makapag enjoy kayo para bukas dahil graduating naman na kayo. Wala kayong booth na aasikasuhin PERO hindi kayo exempted sa mga booths like marriage booth or whatsoever. Kasali pa rin kayo sa mga 'yon BUT you're not gonna put your efforts to make a presentable and attractive booth because you don't have one assigned to you. Is that clear, class?"

Naghiyawan ang mga kaklase sa sinabi ni ma'am Jexon. Ang lahat ay masaya dahil buong araw ngayon ay wala kaming gagawin dahil gano'n naman lagi tuwing araw bago ang valentine's day.

Hinahayaan kami ng mga teachers namin na gawin at asikasuhin ang booth namin para sa event kinabukasan.

Hindi naman ako nagpa-participate sa ganoon dahil marami naman kami dito. Hindi pansin kung sino ang hindi tumulong sa tumulong.

"Quiet! May isa pa akong sasabihin. Shhh!" pagpapatahimik ni ma'am Jexon sa lahat. Nakalagay ang kaniyang hintuturo sa kaniyang labi, senyales na gusto niyang manahimik ang lahat.

Nang humupa ang ingay ay muli siyang nagsalita.

"May color coding din tayo. Makikita niyo iyon sa announcement na nakalagay sa announcement board. Nandoon na rin ang iba't ibang booths para sa event bukas. Maigi nang tingnan ninyo iyon para makapag ingat kayo sa mga booths na dapat niyong pag ingatan. That's all. Mag enjoy kayo sa free time niyo. You have half of the day para mag chill. Bawal pa umuwi dahil class hour pa. All right, class? See you all tomorrow."

Lumabas na siya matapos no'n. Nagkaroon naman ng sari-sariling usapan ang mga nasa loob ng classroom namin.

Ang ingay nila.

"Tara sa labas, An. Ang ingay dito." aya sa akin ni Jake na walang pasabing kinuha ang bag ko at nauna ng lumabas ng room.

Sumabay na lang ako sa kaniya. Hindi ko naman napansin na sumunod din sa amin sila Lexa.

Sumunod na lang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa soccer field.

Naupo kami sa grass at hindi inalintana ang dumi sa ibang bahagi ng inupuan namin.

Mas tahimik dito at sariwa pa ang hangin.

"Dito ka muna. Bibili lang ako ng pagkain. Wala naman tayong gagawin, tambay na lang tayo dito." sabi niya saka tumayo at lumakad paalis kasabay ni Tristan at Blake.

Naiwan ako kasama nila Lexa, Raia, at Alistair na ngayon ay mga tahimik lang.

Nagkamali ako, magsasalita pa lang pala sila.

"What color are you going to wear tomorrow, guys?" tanong sa akin ni Lexa habang hawak ang cellphone niya at nagpipipindot.

May color coding nga pala kami. Hindi ko pa alam kung anong kulay ang susuotin ko dahil hindi ko pa alam kung ano ang mga kulay na pwedeng suotin.

"I'll definitely wear a red shirt tomorrow. You know, happily in love." nakangiting sabi ni Raia na kinikilig pa.

In a relationship nga pala 'to kay Blake kaya hindi na ako magtataka kung makita ko silang naka red bukas.

Si Lexa naman ay nililigawan ni Tristan. Hindi ko sigurado kung magpupula din ba sila.

Kadalasan naman ay ganoon. Kapag in love or in a relationship ay kulay pula ang sinusuot nila ayon sa code.

"Naka-post ba sa site ng school kung anong colors ang available?" tanong ni Raia kay Lexa.

Pino-post din kasi minsan sa site ng school ang color coding at mga booths na available para sa event kaya kahit hindi na kami makipagsiksikan mamaya ay malalaman namin iyon.

My Role (Revised)Where stories live. Discover now