Chapter 30

32 4 9
                                    

Chapter 30 Real

This would be the last chapter. Thank you for reading live to love!

Now Playing: Lullabye (Goodnight, My Angel)

I was busy making breakfast for Madrid. I prepare everything on tray since I'm planning a breakfast in bed for him. I groaned in frustration when I heard him yawning upstairs.

"Morning," he said with his morning husky voice.

"Bakit bumaba ka pa?" Hindi ko na binalingan pa ng tingin si Madrid na papalapit na sa gawi ko base sa mga yabag na naririnig ko. "Breakfast in bed sana."

Ipinagpatuloy ko ang pagtitimpla ng gatas. Aktong mag-aangat ako ng tingin dahil hindi siya sumagot nang maramdaman ko siya sa aking likod.

"Good morning, love," malambing niyang bulong bago ako mahigpit na niyakap. Naestatwa pa ako lalo nang ipahinga niya at isiksik ang kanyang ulo sa aking balikat. "Bumaba ako kasi breakfast with you ang gusto ko."

Ramdam ko ang biglang pag-init ng aking pisngi. Hindi rin maipaliwanag sa bilis ang tibok ng aking puso.

Damn it! What was that? Okay. I know I’m in love. Not just in love but deeply, madly, and crazy inlove.

"Love? Love? May kausap pa ba ako o natunaw na sa kilig?" he teased.

I rolled my eyes. Hind ko man siya direktang nakikita ay nasisigurado kong nakangisi siya habang isinasawika iyon.

Sa kahihiyan ay agad akong kumawala sa yakap niya saka siya pinaghahampas. Tawa lang siya ng tawa habang pilit na hinuhuli ang mga kamay ko.

"Tama na…" He bursted out again.  "Stop it. Sinasaktan mo na ako. Ouch," pag-iinarte niya.

I glared at him. Ngumuso naman siya. Damn it. I failed. He's really cute with his morning hair.

"Stop it. Hindi uubra sa 'kin 'yang pagpapa-cute mo," pagsisinungaling ko bago siya talikuran.

Hindi siya sumagot.

Saglit akong naghugas ng kamay at pagbalik ko ay nakaupo na siya. Sinisimulang lantakan ang hinanda kong agahan.

Napangiti ako at tila natunaw ang aking puso. Pumwesto ako sa harap niya saka siya pinanood na kainin ang mga hinanda ko.

"Hindi ka mabubusog kung papanoorin mo lang ako, love," aniya kahit puno ang kanyang bibig.

I bit my lower lip. Muli na namang nag-init ang aking pisngi dahil sa huling salitang sinabi niya.

"You enjoyed being called love, huh?" He plastered a playful smile. "Anyway, sabayan mo na ako. Mahalaga ang araw na 'to kaya hindi ka puwedeng mahuli."

Tumayo pa siya para lamang ipaghatak ako ng upuan. Inasikaso niya pa maging ang pinggan ko bago siya bumalik sa pagkain. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanya.

"Stop staring--"

"It makes me fall in love deeper," pagtutuloy ko sa sasabihin niya.

Nasilayan ko ang kanyang unti-unting pagngiti. Kumunot pa ang aking noo nang makita na ikinumpas niya ang kamay sa hangin.

"Ano ba! Kinikilig ako, love," malandi niyang sabi.

Natawa na lamang ako. If we can be like this every morning, this would be a great blessing for me.

Live to Love (Completed)Where stories live. Discover now