Chapter 8

35 9 4
                                    

Chapter 8 Fallen

Napapikit ako nang umalingawngaw ang sunod-sunod na pagmura ni Joph. Tuluyan naman akong nanginig sa takot nang ibato ni Micah ang baso sa sahig. What's happening?

Guilt immediately slapped me. Kahit wala akong ideya sa ginawa ko gusto kong humingi ng tawad sa kanila. Naaawa ako sa lagay nila ngayon. Napaupo na lamang sa sahig si Micah, hindi niya na ininda ang mga nagkalat na bubog sa sahig habang si Joph naman ay ilang beses sinuntok ang pader.

Lalo lamang bumuhos ang luha ko. Sumisikip na rin ang dibdib ko. Ano ba itong ginawa ko?

Habang patuloy na umiiyak, tumayo ako at lumapit kay Joph na naharap sa pader habang nakatukod doon ang isa niyang nakakuyom na kamao. Nang hawakan ko ang braso niya ay saka niya pa lamang ako hinarap.

Namumula ang kanyang mga mata at mabibigat na rin ang kanyang paghinga.

"Bakit… mo ginawa 'yun, Rava?" he asked coldly.

Napayuko naman ako. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Hindi o na rin alam kung paano sasalubungin ang mga tingin niya.

I heard him uttered another curse. "Rava, sagutin mo ako! Bakit mo ginawa 'yon? Bakit kailangan mong alamin 'yon?"

Nanginginig ang labi ko. "I-Interesado ako."

Natigilan silang dalawa. Naramdaman ko na lamang ang kamay ni Micah sa likod ng aking ulo at marahas akong hinila pabalik sa lamesa. Padarag niya akong binitawan doon saka niya madiing hinawakan ang mukha ko saka iniangat.

"Nagpapatawa ka ba? Magkaiba ang interesado sa nangpapahamak!" She shouted. "Bakit ka interesado? Sagutin mo ako! Bakit?!"

"Gusto ko lang m-makilala si Had--"

Naramdaman ko ang palad niya sa pisngi ko. Kaagad na nag-init ang pisngi ko dahil sa lakas nang pagkakasampal niya. Nasapo ko na lang ang aking pisngi habang patuloy na umiiyak. Napasinghap ako nang malasahan ang dugo sa bibig ko.

"That's bullshit, bitch! Gusto mo lang? Gusto mong makilala ang taong in the first place hindi mo pinaniniwalaan?" Micah bursted a faked laughed. "Putangina! Anong klaseng trip 'yan?"

Nang hihina na ako. Wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak at humingi ng tawad sa kasalanang hindi malinaw sa akin. Anong mali kung interesado ako kay Had at mas gusto ko pa siyang makilala? Anong mali roon?

Ilang minuto rin akong umiyak. Tanging nangibabaw sa lugar na ito ay ang mga hikbi ko at ang mabibigat na paghinga ni Joph. Umalis si Micah pagkatapos niya akong pagbuhatan.

"Hooman..." Napaangat ako ng tingin nang marinig ang kalmadong boses ni Joph.

Sinalubong ko ang naaawa niyang mga mata. Suminghot ako at pinalis ang mga luha ko.

Umiling ako. "H-Hindi ko maintindihan, Joph. Anong ginawa kong mali? Paano iyon naging mali? Kailan naging mali ang pagkilala sa inyo? Sa gaya niyo?”

Humagulhol ako. Mahapdi na ang mata ko kakaiyak pero wala akong ibang magawa.

Dinukwang ni Joph ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa saka marahan iyong hinawakan. Napatingin ako roon saka ko ibinalik ang atensyon kay Joph na hindi na makatingin sa akin ng diretso.

"Wala na siya, Hooman. W-Wala na si Had," Joph voice cracked.

Parang huminto ang oras ko ngayon. Napatitig ako sa kawalan habang walang patid na bumubuhos ang luha ko. It feels like my eyes turned into falls after hearing that news.

Live to Love (Completed)Where stories live. Discover now