Chapter 21

20 5 8
                                    

Chapter 21 Enjoy

Tumigil ang aking paghinga. Hindi ko mabasa ang reaksyon niya at isa lang ang sigurado ko. Walang bakas ng pagbibiro sa oras na ito. Bakit ba lagi na lamang ganito ang sinasabi niya?

Ilang segundo rin ang lumipas bago ako tuluyang makabawi.

"Ano bang sinasabi mo riyan? Naging lampa ka lang kanina iniisip mo na agad na kokonti na lang 'yung oras mo. 'Yung totoo, bungol ka ba?" tanong ko sa kanya kasabay nang pagpipilit kong mapagaan ang usapan namin.

Madrid smiled weakly. "I’m serious, Rava. Sa tingin mo ba may oras pa ako na magbiro ng gano'n kung sa oras na ito may nag-aagaw buhay sa ibang lugar?"

Natahimik ako. Hindi mag-sink in sa akin ang gusto niyang iparating.

Umayos siya ng pagkakaupo at hinarap ako. Sinalubong ko ang mga mata niyang may napakaraming gustong sabihin sa akin ngunit walang niisang kaya magpaliwanag.

"Our time is short and this is our fate, Rava. We don't know when we will stop from breathing. When will our heart stop from beating. So, we really need to be like this. To act like what I do. To expect that you almost have a limited time to live."

"Are you saying that--"

"Yes. What I'm trying to say is, you also need to live your life to the fullest. Kahit ano pa mang problema mo, may mas magandang bagay ka pa ring matatagpuan at tutulong sa 'yo kung paano makalimutan ang pait ng buhay."

Nailang ako sa mga titig niya kaya napaiwas ako ng tingin. "Are you ready?"

Kumunot ang aking noo sa pagtataka. Handa saan?

Hindi niya na ako hinayaan pang makapagbanggit ng salita. Maliksi siyang tumayo at kaagad naglahad ng kamay sa akin. Tinulungan niya akong makatayo.

Binalingan niya ako. "How fast can you run?"

"Huh?"

"Okay. I understand." Tumango-tango pa siya. "In a count of three we'll run as fast as you can, okay? 1..."

Hindi pa man niya natatapos ang bilang ay kaagad niya na akong hinila patakbo. Halos mapahalik ako sa lupa sa biglaan niyang paghila. Nahimigan ko naman ang pagtawa niya habang patuloy kami sa pagtakbo. Ngayon ko lang napagtanto na masyado rin pa lang malayo ang nilakad namin kanina. Hindi ko lang napasin dahil masyado akong abala sa pag-iyak.

Ilang minuto ang lumipas bago namin natapos na takbuhin ang papunta sa sasakyan niya.

"G-Grabe ka! Kinaladkad mo 'ko," reklamo ko sa kanya.

Humalakhak si Madrid nang makitang halos dumapa ako sa hood ng kanyang sasakyan sa sobrang panlalambot. Sunod-sunod ang naging pagpatak ng aking pawis kasabay ng paghahabol ko sa aking paghinga.

"Nandito na tayo nagrereklamo ka pa," singhal niya sa akin habang nakamasid sa pinanggalingan namin. "I haven't experienced running that far. Gusto ko maulit. Babalik pa naman tayo rito, right?"

Inayos ko ang aking pagkakatayo saka siya tiningnan. Gaya ko ay pawisan rin siya pero iba ang dala noong epekto sa kanya. Madrid's hair are now wet and that makes him look hotter. Hell yeah. Ano bang iniisip mo, Rava?

Inilayo ko ang aking mata kay Madrid sa takot na may masabi pa akong ikatutuwa niya. Pinili kong tumingala at muling panoorin ang kulay asul na kalangitan habang nakasandal sa sasakyan.

Hindi ko nga maipagkakaila na gusto ko rin na bumalik dito kapag may oras. Iba kasi talaga kapag ganito katahimik ang lugar. Pakiramdam ko wala akong niisang problema na dala-dala.

Live to Love (Completed)Where stories live. Discover now