Chapter 19

23 7 5
                                    

Chapter 19 Trouble  

"Pinapunta ko siya rito," si Madrid nang pumagitna siya sa aming dalawa ni Joph.

Nalaglag ang aking panga sa narinig. Saglit akong natigilan sa pag-iisip kung paano niya iyon nagawa hanggang sa naalala ko na ginamit ko nga pala ang cellphone niya sa pagte-text at hindi ko na iyon nagawa pang burahin.

Parehas natuon ang atensyon namin sa kanya. Nakatayo lang siya at walang kaalam-alam sa ginawa niya. Joph tilted his head as he look closer to Madrid. Napaigtad naman ako ng mabaling sa akin ang malamig na tingin ni Joph.

"You're with him?" Joph voice thundered.

Hindi ko makilala ang boses ni Joph sa sobrang lamig noon. Tila may bumara sa aking lalamunan na naging dahilan upang hindi ko masagot ang tanong niya. Nakatingin lamang ako sa kanya habang tinatanggap ang lamig ng kanyang mga tingin. Nahawakan ko sa gulat ang braso ni Madrid nang ilahad niya ang kamay kay Joph.

"Madrid," may pagbabanta kong sabi.

Saglit niya akong tiningnan bago muling maayos na inilahad ang kamay sa harap ni Joph. "I'm Madrid Van Hoven," matatas niyang pakilala.

Nanatiling blangko ang mukha ni Joph. Saglit niyang pinagkatitigan si Madrid. Hindi ko man lang mabasa ang pagkagulat niya gaya ng naging reaksyon ko noon. Wala lang sa kanya kahit na ang kaharap namin ngayon ay kamukhang-kamukha ng kaibigan niya.

Namilog ang aking mata sa gulat sa ginawa niyang pagtulak. Mabilis akong pumagitna sa kanilang dalawa at hinarap siya.

"Joph naman! Teka," awat ko. Mahina ko siyang itinulak palayo. Narinig ko ang sarkastiko niyang pagtawa kaya napaatras ako't napatitig sa kanya. Matalas niya akong tiningnan.

"Sino ka ba at bakit nakikialam ka?" naninindak na tanong niya kay Madrid.

Tila hindi man lang nakaramdam ng takot si Madrid. Nanatili itong kalmado at nginitian pa nito si Joph. "I'm Madrid Van Hoven. Masyado bang kumplekado para hindi mo maintindihan? Rava's Boyfriend for short. " He glanced at me and winked.

What the hell.

My jaw dropped. Boyfriend? Did I heard it right?

"Wow, really, Rava?" Tinapunan niya ako ng hindi makapaniwalang tingin. "Alam mo ba kung anong ginagawa mo?"

Napaawang na lamang ang aking labi sa inaakto ni Joph. Hindi ko siya maintindihan. Wala akong makitang rason para magalit siya ng ganito. Hindi ko malaman ang isasagot sa kanya.

Nang walang matanggap na sagot mula sa akin ay padarag niyang hinablot ang braso ko saka hinatak palayo kay Madrid. Ramdam na ramdam ko sa aking braso ang higpit ng hawak niya.

Napadaing ako sa buong pwersa niyang pagsandal sa akin sa pader. Sinubukan ko siyang itulak palayo pero mas nangibabaw ang lakas niya sa akin kaya hindi man lang siya natinag.

"Ano bang problema mo, Joph?" singhal ko sa kanya. Sinalubong ko na ang seryoso niyang mga tingin. Sinubukan ko rin tanggalin ang kamay niya sa pagkakahawak sa braso ko ngunit masyado iyong mahigpit.

"Bakit mo kasama ang lalaking 'yon? Ano 'yong sinasabi ng lalaki na 'yon na boyfriend? What the fuck are you doing, Rava?" tanong niya pabalik.

Mula sa pwesto ko ay naaninag ko si Madrid na nakatayo pa rin kung saan namin siya iniwan. Nag-aalala itong nakatingin sa gawi namin. Aktong lalapit siya nang umiling na lang ako sa kanya. Hindi puwedeng madamay pa siya rito kahit na siya mismo ang nagpasimula nito.

"Hindi kita maintindihan, Joph. Hindi ko alam kung bakit ganito ka na lang mag-react--"

"Seriously, Rava?" He cut me off. "Huh! Seriously? You don't know? Nagpalipas ka lang naman ng buong magdamag kasama 'yung lalaki 'yon! Nag-iisip ka pa ba o nagpapakabulag ka na lang sa itsura ng lalaking 'yon? O baka naman may nangyari--"

Live to Love (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя