Chapter 6

33 9 3
                                    

Chapter 6 Overcome  

Para akong bata na hinatid pa ni Had sa gate ng eskwelahan. Binilinan pa ako nito na huwag gumawa nang masama at magpakabait lang. Parang timang.

Papasok na ako nang matanaw ko si Anya na papalapit sa akin. Bigla akong ginapangan ng kaba. Kanina pa ba siya? Nakita niya ba si Had?

"Good morning, Rava!" bungad niya.

Nakahinga ako ng maluwag. "Morning," tipid kong sagot.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at sinabayan niya naman ako. Pagkarating namin sa classroom ay kaagad kong ibinaba ang gamit ko saka kinuha ang speech na ginawa ni Had. Kanina ko pa 'yong nabasa pero hindi pa rin ako makapaniwala na iyon ang sinulat niya. Hindi ko pa kayang ibahagi 'yon sa lahat.

Bigla ang naging pagtahimik ng buong klase kaya napalingon ako sa harap at naroon na pala si Ms. Lady. Pagkatapos nitong bumati ay kaagad ako nitong itinuro kaya nagulat ako.

"Miss Crandal, please do consult Mr. Jess hangga't vacant niya. Since, wala naman kayong subject ng Practical Research II ngayong araw," aniya.

Tumango naman ako saka kinuha ang macbook ni Anya sa bag. Tinanong pa ako ni Anya kung natapos ko raw ba at wala akong ibang naisagot kundi ang tumango. Wala akong karapatan na ipagyabang na natapos ko 'yon dahil hindi lang naman ako ang gumawa no'n.

Kinakabahan akong kumatok bago binuksan ang pinto ng silid ni Mr. Jess. May kausap itong estudyante sa lamesa niya at mukhang nagche-check siya dahil nasa laptop ang buo niyang atensyon. Saglit niya akong sinulyapan bago isinenyas ang bakanteng upuan sa gilid.

Naupo na muna ako habang naghihintay. Ilang beses ko ring pinasadahan ng basa ang ginawa ni Had at halos wala akong nasabi. Ginamitan niya kaya 'to ng powers niya? Flawless.

"Miss Crandal," tawag sa akin ni Mr. Jess.

Hindi ko namalayan na nakalabas na pala ang mga kausap niya kanina. Lumapit ako sa kanya at saka inilapag ang macbook ni Anya sa kanyang harap. Nanatili akong nakatayo sa gilid niya.

Abot-abot ang kaba ng aking dibdib habang pinapanood si Mr. Jess na binabasa ang gawa namin. May oras na napapangiwi siya kaya mas lalo akong nanlamig sa kaba.

Nag-angat na siya ng tingin. "Calm down." Humalakhak siya. "Take your seat, Miss Crandal."

Para naman akong namamalik-mata sa nakikita ko. Ang sobra kung masigawan ako noon ay tutang nakangisi't napakaamo ngayon. Bigla akong kinalibutan. May mali. Nararamdaman kong may mali rito.

"Ayos na po ba?" Itinuro ko ang macbook ni Anya. "Puwede na po ba akong umalis?" walang emosyon kong tanong.

Humalakhak naman siya. "Of course, Rava! You did great," pamumuri niya. "But, wait a minute.."

Natigilan ako ng tumayo siya at nagpalakad-lakad sa harap ko. "Actually, I've decided now, after reading your research paper ikaw na ang gusto kong ilaban sa ibang strand in our skills competition. You'll be the representative of humanities." Tumigil siya sa harap ko. "So, are you in?"

Umiling ako. "Ayoko po--"

Natigilan ako ng hawakan niya ang braso ko. Sinubukan kong bawiin iyon dahil baka may biglang pumasok at kung ano ang isipin pero ayaw niyang bitawan at mas lalo lang hinigpitan ang kapit.

"You know what, I'm sorry. Nasilaw lang ako sa kaputian at ka-sexy-han ni Marriott. Ikaw pala talaga ang gusto ko."

Sinubukan ko ulit na bawiin ang braso ko pero ayaw niya pa ring bitawan. Namumula na ang braso ko at natatakot na rin ako dahil inilapit niya na ang mukha niya sa leeg ko. Wala na akong choice kundi mag-hello sa kinabukasan ng mga magiging anak niya. Sinipa ko siya saka lumabas ng kwarto niya.

Live to Love (Completed)Where stories live. Discover now