Chapter 3

63 10 4
                                    

Chapter 3 Bitch

Huminto ako sa harap ng salamin na nandito sa loob ng banyo. I'm getting used to everything. The feeling of being alone whenever I remember Lola and Had's presence that makes me smile. I'm really getting used to it.

Mabilis na lumipas ang araw kasama si Had. Nailibing na si Lola at hindi ko man lang 'yon nadaluhan dahil kay Tita Marta. Lumipas na rin ang binigay sa akin na konsiderasyon ng eskwelahan kaya kailangan ko na pumasok ngayon.

"Anong oras ba simula ng klase mo?"

Inayos ko na muna ang ribbon sa aking uniform bago pinihit ang busol. Naabutan ko siyang nagmo-mop. Gumawa kasi kami ng schedule pagdating sa paglilinis at paghahanda ng pagkain. Siya sa umaga dahil kailangan kong maghanda pagpasok habang ako naman sa hapon pagkauwi ko.

"7:30 pa kaso sobrang layo natin kaya kailangan kong umalis ng maaga," tugon ko sa kanya bago ako nagsalin ng mainit na tubig sa tasa.

"You're too early," he uttered as he positioned himself in chair in front of me. Tapos na pala siyang maglinis hindi ko man lang namalayan. "Makakarating tayo sa school mo…" Nilingon niya ang wall clock. "At exactly seven o'clock."

I rolled my eyes. "Napudpud nga ang p'wet ko sa byahe natin tapos sasabihin mong makakarating tayo ng 15 mins do'n? Ano lilipad tayo?" tanong ko.

He chuckled. "Nice suggestions. Gusto mo?"

I glared at him. Sa ilang araw namin pagsasama I guess kasali ang presensya niya sa mga nakasanayan ko na. I felt like we’re friends kahit na lagi kong pinapaalala sa kanya na hindi ako naniniwala. That’s never became an issue to stop him from making me smile.

“Just kidding, okay?” He laughed. "Malapit lang tayo sa boundary ng Stacia. Saka sa kabila tayo dadaan."

I crossed my hands in front of my chest as I looked at him angrily. "Ibig mong sabihin may mas malapit na daan kaysa sa una nating ginamit?"

Had nodded and smile.

"Putcha!" I bursted out of nowhere. "Meron naman pala bakit hindi natin agad ginamit 'yung daan na 'yun?!”

"Wala kasi tayong sariling sasakyan kaya kailangan natin mag-bus kung saan tayo medyo mapapatagal ng konti. Saka hindi naman sobrang layo, nasabi mo lang 'yun kasi unang punta mo rito." His brows raised. "Did you just say 'putcha'?"

Napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi ko matapos maalala na anghel kuno nga pala ang kasama ko at masama ang magmura. Gusto ko tuloy sampalin ang aking bibig gaya ng ginagawa ng mga bata tuwing nagmumura sila.

"You misheard it, Had. It's putchamporado. Namimiss ko na kasi gawing agahan 'yon.”

I reasoned out. Ramdam na ramdam ko ang init sa aking pisngi sa kahihiyan. Anong klaseng palusot 'yon, Rava?

"Then, we should buy ingredients," nang-aasar na tugon niya.

Nag-iwas ako ng tingin. Tumayo ako at nagsimula na maghanda ng agahan namin. Binalingan ko pa muna si Had na pigil na pigil sa pagtawa bago ko ibinaba ang pinggan niya.

"What's up, angels," Joph voice. "And hooman, of course."

Napalingon kami kay Joph na papasok na nang kusina. He's with Micah. Gulat ako habang si Had naman ay mukhang inaasahan na ang pagdating ng dalawa. Bakit hindi man lang niya sinabi?

"Morning," bati ko sa kanila.

Gaya nga ng inaasahan ko, Micah just smiled while Joph hugged me.

Live to Love (Completed)Where stories live. Discover now