Chapter 20

28 5 3
                                    

Chapter 20 Worse

Mahigit dalawang buong oras ko ring iniyakan ang pagkawala ng aking scholarship.  At buong oras din nanatili sa tabi ko si Madrid. Gumaan na ang aking pakiramdam at tuluyan na rin akong napagod sa kakaiyak.

Dinala ako ni Madrid sa bukana ng isang abandonadong tunnel ng isang railway. Nung una ay hindi ko pa alam ang gagawin namin dito. Lumipas ang isang minuto at doon ko napagtanto na gusto niya lamang din ng katahimikan gaya ko.

Nakaupo ako sa hangganan bago pumasok sa loob ng tunnel ng railway.  Nakaupo lang ako habang nakahiga naman si Madrid sa may damuhan sa hindi kalayuan.

Tunay na napakaginhawa sa pakiramdam ng tahimik na paligid. Bukod sa maliwanag na kulay asul na kalangitan ay tanging himig lamang ng mga ibon sa paligid ang maririnig mo. Napabuga ako ng hangin.

"Feel better?" Narinig kong tanong ni Madrid na nakapwesto malayo sa aking likuran. Hinarap ko siya.

"Hindi lang better!" I chuckled. "Thank you…”

Mula sa pagkakaupo ay tumayo ako at saglit na inayos ang sarili bago lumapit kay Madrid. "Hindi ba mainit d'yan sa hinihigaan mo?" I asked.

"Subukan mo na lang. Hindi puwedeng puro tanong na lang tayo, Rava. We need to explore and try, get that?" tanong niya. "Okay, she didn't," aniya ng hindi ako sumagot kaagad.

Tumawa ako at tumawa rin siya. Tinabihan ko si Madrid sa hinihigaan niya. Hindi nga mainit at mas presko pa sa pakiramdam mahiga sa damuhan. Ang umaalon na ulap sa aking mga mata ay tila hinehele ako. Maging ang himig ng hangin na sinasabayan ng mga ibon. Kung ganito lang araw-araw marami na sigurong nabuhay ng maginhawa.

"Stop overthinking and just chill out, Rava. Don't stress yourself."

Napabaling ako sa kanya. Gaya ko kanina ay nakatingin lang rin ito sa langit at pinapanood ang mabagal na paggalaw ng mga ulap.

"Wala naman akong iniisip," giit ko.

He faced me, "Really? What about your furrowed eyebrows?"

Napaayos ako. "Napansin mo pa talaga 'yon. Ikaw ha, masyado mo na ako kung subaybayan!" asar ko sa kanya habang bahagyang tinutusok ang kanyang bewang. "Fan ba kita ha? Gusto mo autograph?"

Itinungkod niya ang braso sa daan kaya pagilid na siyang nakahiga ngayon.

"Umasa ka na lang." Tumawa siya at nagseryoso. "You know what, hindi ka mahirap basahin. Actually, I feel there's weird connection between us o dahil lang 'to sa panonood ko. Ewan ko ba. Anyway, anong iniisip mo?"

Ibinalik ko ang aking pagkakatingin sa langit nang hindi makayanan ang mga titig ni Madrid. Nakikita ko na naman si Had sa kanya. Lalo na kung ganito ang paraan niya ng pagsasalita. Kalmado lang at tila napakabait.

I shrugged my shoulders. "Napapaisip lang ako. Bakit dito mo ako dinala?"

Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga. I bit my lower lip. Na-offend ba siya?

"Hindi mo ba nagustuhan?" malumanay niyang tanong.

Mabilis akong humarap sa kanya at umiling. Nasaksihan ko ang kanyang pagngiti.

"Kung gano'n masasamahan mo pa ba ako sa pagbalik dito?" tanong niya. "Gusto ko kasing pasukin ang tunnel na 'yan," aniya sabay turo sa may paanan namin kung nasaan ang bukana ng madilim na tunnel.

Bumangon ako at naupo. Hinarap ko siya. "Pasukin na kaya natin ngayon?" Sinulyapan ko ang aking wristwatch at alas-nuebe pa lang. "Maaga pa naman."

Live to Love (Completed)Where stories live. Discover now