Chapter 4

36 9 2
                                    

Chapter 4 Interested

"What about each of them?"

Nagsisi ako sa pagsasawika ng tanong na iyon matapos makita na gumuhit sa mukha ni Anya ang ngisi.

"Ikaw ba talaga si Rava na hindi naniniwala sa angels?" tanong niya na sinagot ko na lang ng pagtango. "Gosh! Parang ibang tao ang kasama ko ngayon. Don't worry ipapahiram ko sa 'yo 'yung book kung saan ko nakita 'yon," aniya bago umayos ng upo dahil nasa harap na ang subject teacher namin.

"A week from now hell week niyo na and after that second semester na kaya kailangan niyong seryosohin lahat." 

Ipinamigay ni Ms. Lady ang schedule namin para sa hell week na paparating. Nakalagay roon kung ano ang performance na kailangang gawin o paper works at ang date ng pasahan noon. It will gonna be legit hell week dahil sunod-sunod pa ang pasahan kaya nalintikan na!

Umugong ang iba't-ibang reklamo matapos makita ang kabuuang schedule. Miski naman ako ay gusto ko na lamang punitin ang schedule na 'yon dahil parang iyon pa ang magiging dahilan ng pagkamatay ko. Hindi lang katawan ko ang kawawa dito dahil maging ang bulsa ko ay umiiyak na rin.

"Quiet! Listen. In my subject wala kayong masyadong gagastusin dahil kung nakikita niyo isang oral speech lang naman ang kailangan niyong gawin."

Tumalikod sa amin si Ms. Lady saka nagsulat sa white board.

"Any topic are accepted. Your speech can be about yourself, family, or everything. It’s up to you. Sisimulan niyo siya ngayon at kailangan ko ng first draft niyo tomorrow morning. Are we clear with that?"

Tumango naman ako bilang pagsagot habang humiyaw naman na parang bata ang mga kaklase ko.

"Miss! Puwede pong tungkol sa crush ko?"

Natigil ako sa pagsusulat at nilingon ang kaklase kong pinanggalingan ng bungol na tanong. Anong malabo sa any topic are accepted? Anong hindi naintindihan sa it's up to you? Minsan talaga may maliligaw na kambing sa libo na tupa. I understand.

Gaya ko ay napailing na lang si Ms. Lady. "Yes. Puwedeng-puwede as long as magagawan mo siya ng title at draft today, Kuri."

Pumalakpak si Kuri at kinalabit ang balikat ni Anya na nakaupo sa kanyang harap. "Anya! May title kana?"

Hindi naman tinapunan ng tingin ni Anya si Kuri at nagpatuloy lang ito sa pagsusulat. "Wala pa. Gagawa pa lang ako kaya 'wag kang magulo."

"Teka! Pakinggan mo muna 'yung title ko," pangungulit ni Kuri.

Tahimik kaming lahat at pinakinggan lang ang pangungulit ni Kuri sa long-time crush niya na si Anya.

Iritadong hinarap ni Anya si Kuri. "Ano ba kasi 'yon?"

"Wish you were mine," abot-tengang banat ni Kuri kay Anya.

Imbes na kiligin ay tila nandiri si Anya at nagkunwari pang nasusuka. Umugong naman ang tawanan sa buong silid. Pinagkaguluhan si Kuri ng tropa niya dahil sa baho ng ginawa niyang unang banat.

"Kuri, simulan mo na ang speech mo. Puro ka kalokohan," napapailing na sabi ni Ms. Lady bago nagpaalam na pupunta ng Faculty.

Buong araw kaming nagfocus sa speech dahil kailangan namin ng draft bukas. Isinantabi ko na muna ang ilang performance na kailangang pag-usapan.

Napagpasyahan namin ni Anya sa cafeteria na lang manatili habang naghihintay ng uwian. Vacant ang huling dalawa naming klase kaya hindi na rin kami umalis pagkatapos mag-lunch.

Live to Love (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang