5

338 23 0
                                    

Chapter 05

"Bitawan mo nga ako!" Tinulak ko siya ng napakalakas, katulad ng kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko.


Nakatingin lamang it saakin, sinusukat ang emosyon ko. Akala niya ba iiyak ako? Of course not! Why would I cry?! I'm the queen.


"Tinitingin tingin mo diyan?" Tinabingi niya pa ang ulo niya, tila sinusuri ako. "Ano ba?!" Asik ko.


Napa iling siya "Great Pretender" nilagay niya 'yung dalawang kamay sa bulsa niya, at nakipaglabanan ng tingin saakin.


"What did you just say?"


"Kailangan ko pang ulitin?"


"I'm not!"


"Sabi mo e" saka siya tumalikod, at naglakad paalis na parang walang nangyari.


Inayos ko lang ang sarili ko, saka ako naglakad paalis din doon. Hindi na naging maganda ang timpla ng awra ko, tila isang pagkakamali lang nila masisigawan ko sila.


Sana naman walang tatanga tangang lalapit saakin, kasi masisigawan ko talaga.


Alam kong naka kunot na ang noo ko habang nakikinig sa nagtuturo sa harap, but I don't fucking care. Naiinis ako hindi kay Kyle kundi sa sarili ko, naiinis ako kasi nag mukha akong tanga. Sinadya niya ba talaga? Stupid Mira! Of course.


"M-mira" tawag ni Karen, matapos ang klase namin. Tinaasan ko siya ng kilay "Nakapag usap kayo ni Sin?"


"Anong satingin mo?" Balik na tanong ko


"H-hindi ko alam"


"Hindi ko siya naka usap, if its help you to sleep every night" paalis na ako ng pigilan niya ako, kaya napatingin ako sakaniya.


Nakita ko ang wangis ni Kyle sakaniya, hindi maitatangging kakambal nga niya ito. Maganda siya kung tutuusin, kung mag aayos lamang ito ay baka mapantayan ako nito.


"Galit ka ba, saakin?"


Ngumiti ako sakaniya "Hindi" saka ko siya iniwan doon, dahil hindi nagiging maganda ang iniisip ko.


Sinundan niya ako at patuloy na kinukulit kung anong nangyari at bakit hindi ko nakausap ang kakambal niya, hindi ko naman ito sinasagot dahil wala nga ako ng wisyo. Nilagay ko lang sa locker ko 'yung ibang libro ko, saka ko ito ni lock para na rin umuwi.


"Mira" tawag niya, kaya napalingon ako sakaniya. "Si Sin.."



"What?"
"He's not a good man, but believe me he's the best twin. He has a reason for everything, maybe he can tell you but it doesn't mean you're nothing to him" mula sa likod niya, nakita ko si Kyle na inaalalayan 'yung kaklase niyang babae. Ang sweet nila kung titignan. I smirked. Tinignan ko si Karen, mula ulo hanggang paa.


Ano kayang mararamdaman ni Kyle?


"Sion!" Tawag ni Kyle, agad nagtama ang paningin namin at gulat pa siya ng makita ako.


Surprise asshole!



Tinaasan ko siya ng kilay "Kyle" I smirked. Kumunot naman ang noo niya, tila sinusuri ako.


"M-mira"


"Kabado ka naman ata?"


"Hindi ah!"


Chasing You (Senior High Series #2) Where stories live. Discover now