28

226 15 7
                                    

Chapter 28

Magkasama naming inubos ang bakasyon naming tatlong buwan sa pamamasyal, beach, shopping, mountain climbing. Sinasamahan ko rin siya sa mga fund raising for a cost, maski ang pagpunta niya sa mga orphanage.


Kasama niya rin ako kung may pupuntahan sila ng daddy niya, gusto niyang andoon ako. Kaya ayon ang nangyari, kapag may byahe siya papunta sa ganitong lugar ay sinasamahan ko talaga siya.


"Bakit hindi ka magpatayo sa Manila ng isang orphanage?" Suggest 'yon ni tito Michael sakaniya habang nasa dinner kami ng pamilya nila.


Dalawa silang magkapatid ang bunso niyang kapatid na si Mich ay parating palang dahil sa London ito nag aral matapos makatanggap ng isang scholarship. Hindi naman maitatanggi na nasa pamilya nila ang matatalino, at ang pagiging lider.


"I have plans, dad" maikling sagot niya.


Tumingin lamang ako kay Mike, matapos niya itong isagot sa daddy niya. I really don't know what his plan, ayoko naman siyang piliting sabihin saakin dahil nagkukusa naman siya.


"Ikaw ba, hija?" Baling saakin ni tito, "may plano ka na?"


Tumango ako. "Mag a'apply po ako sa isang broad casting network"



"That's good, mukhang mas magiging maganda ang relasyon niyo"



Nagkatinginan lang kami ni Mike, hindi siya strikto pero mapagkakamalan mo siya minsan dahil sa pormal niyang makipag usap. Dala marahil sa propesyong kinabibilangan.



"Anong plano ba ang balak mo?" Baling ko kay Mike, habang pauwi kami. Nauna na ang magulang niya dahil hindi raw ito uuwi sa bahay nila ngayong gabi.



"Hmm? Sasamahan mo naman siguro ako no?"



"Oo naman, saan ba?"



Ngumiti lang siya at hininto na ang sasakyan sa tapat ng bahay namin, nagtanggal na ako ng seatbelt.



"Oh! Ma'am may nakakalimutan ka, 'yung bayad mo?" Umiling ako at lumapit sakaniya, ginawaran ko siya ng halik ngunit, pinalalim niya pa 'yon.



"Sobra ata?" Nag taas ako ng kilay.



"Edi kunin mo 'yung sukli" ngumuso pa siya, ngunit agad ko siyang nilayasan.



Dumungaw pa siya, "sukli mo, madam!"



"Keep the changed" sagot ko.



Naghanap na ako agad ng maaari kong pagka abalahan dahil abala rin si Mike, sa mga ginagawa niya. Kailangan niyang gumawa ng mga proyekto, para makilala siya. Next year ang eleksyon, pero kahit hindi naman niya gawin ito ngayon ay matagal na siya sa ganitong larangan.



Nagkaroon kasi siya ng proyekto dati sa UP, tungkol sa Kariton ng Karunungan. Nag iikot ikot 'yon sa QC, para mabigyan ng libreng kaalaman ang mga bata sa lansangan. Minsan na rin silang nagkaroon ng feeding program sa mga batang lansangan.



Naalala ko pa noong third year college kami, nagkaroon ng bagyo non at marami ang nasalanta sa parteng Visayas. Dahil magkakaroon kami ng tour, hinikayat niya ang mga estudyanteng imbes na tumuloy sa tour ay idonate na lamang ito.



Imposible para sa iilan, ngunit dahil siya si Mike, ay nagawa niyang mahikayat  ang mga estudyante, sama sama rin kaming nag pack ng relief goods noon.



Chasing You (Senior High Series #2) Where stories live. Discover now