4

404 27 12
                                    

Chapter 04


"Mira, nood tayo ng meeting de avance" kanina pa ako kinukulit ni Karen, andito kasi ako ngayon sa roofdeck ng building namin.


Kailangan kong mag review para sa nalalapit na exam namin, finals na kaya puspusan ang pag aaral ko. I don't want myself remove in the honors list, lalo pa nang malaman kong nangunguna si Kyle sa STEM.


"I don't want" tinutok ko ang mata ko sa librong binabasa ko.


"Gusto kong marinig sasabihin nila"


"Not interested"


"Hindi ba dapat, andoon tayo para malaman natin kung ano mga balak nila next year?"


"Mas interesting 'yon kung malakas kalaban ng partido nila Fernandez" nagbuga ako ng hangin, nalaman ko kasing umatras 'yung ICT student na dapat tatakbong President.


"Ngi? Mukha namang magaling mamuno si Mike, suportahan natin siya kasi ka strand natin siya" sinara ko 'yung libro ko, saka tumingin sakaniya.


Naalala ko nanaman 'yung pambubwiset nang baklang 'yon. Oo bakla siya para saken, dahil hindi naman gawain ng isang tunay na lalaking maging tsismoso.


Hindi ko na nga siya pinapansin, pero pilit parin ang pag papapansin nang kumag. He even ask me about Kyle, he said na ghosted ako ng taga STEM.


"Ghoster daw mga stem, na ghost ka?" Tinuro niya pa ako sa pisngi ko sabay tawa.


"Ikaw, kingina! Hindi mo 'ko lulubayan?!" Sinigawan ko na siya dahil napipikon na ako, kanina niya pa ako inaasar.


"Oh! Bat pikon?"


"Sinong hindi mapipikon sa ginagawa mo?" Hinampas ko yung kamay niyang nakaduro parin sa pisngi ko, kakairita!


"Hala! Aminado kang na ghost ka?"


"Isa pa!"


"Hala! Aminado kang na ghost ka?"
Sa inis ko hinambalos ko sakaniya yung folder na hawak ko, at ang walang hiya tumawa lang.


Nagtuloy tuloy ang pang gagago saken ni Fernandez, at talaga namang may lakas pa ng loob na puntahan ako neto sa bahay. He denied it, but as if he can fool me stupid!


"Anong ginagawa mo rito?!" Umagang umaga tumataas alta presyon ko, paano andito sa sala namin ke aga aga.


Nagtaas pa siya ng kamay niya, na tila sumusuko "Aayain ko lang si kuya Caine, mag basket ball, masama?"


"Oo! Lalo na kapag bagong gising ako tapos ikaw una kong makikita . Nandidilim paningin ko sayo!"


"Chill ka diyan" he smirked "nananahimik ako rito, tapos ako agad napapansin mo?"


Doon ko lang napansin na may kasama pala sila, mukhang maglalaro nga "Huwag mong ipahalatang gusto mong pansinin kita"


Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, nagpipigil naman sa tawa yung mga kasama niya. "Iba ka pre!" Asar nung isa.


"Kingina! Matalo sana kayo" sagot ko sabay baba sa huling dalawang baitang.


"Oy sandale!" Tawag pa ng kumag, kaya tinaasan ko siya ng kilay. Lalong lumakas tawa nila "oh! Tignan mo huminto talaga"


Chasing You (Senior High Series #2) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora