31

208 14 1
                                    

Chapter 31 

Nagsimula na ang kampanya, naging busy si Mike. Kailangan niyang sumama sa mga ka partido niya, minsan naman ay sinasama siya ni tito Michael para ipakilala sa ibang kilalang mayayamang businessman. 


Nag file ako ng leave para makasama sa kampanya niya, pinayagan ako pero 1 week lamang dahil may pending article at project pa ako na kailangang gawin. 


"Aside from being a role model like what you've said, I want to be the one who will lead to fight poverty". Sagot ni Mike. 



"Mr. Fernandez last question!" Sabi nung reporter. 



Nakatanaw lamang ako sakanila rito sa gilid ng stage, mayroong press conference si Mike. Kasama niya ang ilang kapartido, at ang daddy niya. Matatapos na ito pero nag taas muli ng kamay ang isang reporter. 



"Everybody saying you're too young for senatorial election, how will you convince them that you're completely ready for senate?" 



"Well…" he pursed his lips and smiled. "Age doesn't matter if you want to serve your country". 



He sighed. "Sometimes, people judge what they hear without knowing the real story behind it. Give me my chance and I'll show you what I want to do, don't measure the responsibility and age. Measure the ability and start to believe". 



Sinalubong ko si Mike matapos nito, pero bago pa man ako makalapit ay nakita kong sinalubong siya ni Senator Salazar. Kaya nakatingin lamang ako sa kanila, nagkamayan sila at tinapik niya pa si Mike sa balikat nito. 


Nagsimula na akong sumulat nang artikulo tungkol sa kaniya, marami rami na rin akong nasusulat at nalalaman pero  ang iba ay tago kapag siya na ang pinag usapan. 


"I'm excited to see you soon in senate" rinig kong sabi nito, ngumiti si tito at tumango. 



"Salamat, Senator" sagot ni Mike. 



Nakatingin lamang ako sa kanila, nang tumama ang tingin namin. Ngumiti si Mike, kaya napasulyap si senator Salazar sa akin. Kaya abot abot ang kaba ko, hindi ko alam pero mayroon siyang ganitong aura na tila matatakot ka talaga. 



Lumapit sa akin si Mike, at hinawakan ako sa bewang para magdikit kami. Ngumiti ako nang alanganin sa kanya, habang palapit si Senator Salazar. 




"Who's this beautiful lady beside you, Senator?" Bungad nito. 



"This is Miracle Perez, my fi--" 



"Nice to meet you, Senator" pagputol ko sa sasabihin ni Mike. Ngumiti ito sa akin, ramdam ko ang titig ni Mike sa akin. 



"You look like a beauty queen, are you?" I shook my head. 



"Hindi po". 


Tumango tango siya, at nagpaalam na kay Mike at tito Michael. Bago siya umalis ay nginitian niya pa ako, kaya natulala ako sa kanya. 




"I'm sorry kanina" bulong ko kay Mike, nang nasa sasakyan na kami. 




"Bakit ba kasi ayaw mong ipaalam?" Halata ang iritasyon sa boses niya. 




"Hindi pa naman kasi alam nila tito" dahilan ko, ayoko munang makulong sa ganoong bagay.




Oo, gusto kong ikasal kay Mike pero hindi naman kami nagmamadali diba?




Chasing You (Senior High Series #2) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora