36

209 13 0
                                    

Chapter 36 

"Nasaan si Mira?!" 


Naging ako sa lakas ng boses at katok ni Kuya, parang gigibain niya pa ata ang pinto ko. Ano bang problema neto? 


Binuksan ko 'yung pinto, at tila nakahinga siya ng maluwag. Saka ako niyakap ng mahigpit, hindi ko naman mawaisang magtaka. 


"Ano bang nangyayari?" 



Hinila niya ako pababa, hanggang sa marating namin ang sala. Binuksan niya ang tv at bumungad sa akin ang isang balita, nakatutok lamang ako roon. 


Natulala ako sa tv ng makita ang nasa balita, kotse ko 'yon na iniwan ko sa Antipolo. Dahil nga na flat 'yung gulong, gutay gutay na ito at halos haligi na lamang nito ang natira. 


"Sino naghatid sayo pauwi?" 


"Si Mike" 



Tumango siya, hinayaan na akong mag ayos para makapasok na sa trabaho. Dali dali pa akong umakyat para makapag ayos na ako. 



Hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari, paano kung hindi ako nakita ni Mike? Malamang sa malamang kasama ako roon na tinutupok na ng apoy. 



Maski sa trabaho ay hindi ko maiwasang maisip parin ang nangyari, hanggang sa tumunog ang phone ko. 


Unknown, 

Miracle huh? Nakaligtas ka pa talaga? 



I smirked, hindi niya talaga ako titigilan. Pero paano ba kasi 'to matatapos? Paano? Napapagod na ako, ano naman kaya ang susunod niyang gagawin? 



Hapon ng maisip kong bumili ng cake, 'yung paborito ni Mike. Ibibigay ko sa kanya 'yon bilang pasasalamat sa nangyari. Pero hindi ko naman inaasahang andoon ang pamilya niya, kaya naaya akong mag stay muna. 



"Kamusta ka na hija?" Tanong ni Tita Kyla, mommy ni Mike. 



"Ayos lang po". 



Naka upo sa tapat namin si Mike may binabasa siya sa folder niya, kaya naka focus lang ako sa pakikipag usap kay tita. Kapag sinusulyapan ko naman siya ay nakatingin lang talaga siya sa folder niya. 




"Mauuna na po ako" paalam sa kanila. 



"Dito ka na maghapunan" 




"Nako, 'wag na po" tanggi ko. 




"Sige na ate Mira" pilit naman ni Michelle. 




"Nakakahiya na po kasi, pasensya na po" 




Tumayo si Mike, at inayos ang folder sa gilid. "Dito ka na kumain". Saka siya umalis para pumunta sa dining area nila. 




Nakatingin lamang ako sa kanya, at hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita. Kaya nanatili akong tahimik hanggang sa hapag, nasa tabi ko siya. Ayon naman talaga ang pwesto namin dati, kapag dito ako kumakain sa kanila. 



Hanggang sa matapos ang hapunan ay hindi ako nagsasalita, tanging si Mike at tito Michael lamang ang nag uusap tungkol s'yempre sa politika. May sinasabi pa si titong lawyer na pwedeng tumulong sa kaso ni Mike, nagulat pa ako roon dahil hindi ko alam na may kaso si Mike. 



"Salamat pala kagabi" sabi ko sa kanya, naka pamulsa siya hinatid niya ako sa gate nila. 




Tumango siya habang nakalagay parin ang dalawnag kamay sa bulsa ng pants niya. Tumikhim ako. 



Chasing You (Senior High Series #2) Where stories live. Discover now