2

537 29 3
                                    

Chapter 02

"Before our christmas break, I want you to pass your persuasive speech" announce ni Ma'am, matapos na non ay umalis na siya.

Agad ko namang inayos ang gamit ko, pupunta ako ngayon sa SSC Office para sa meeting. Sinabi ko naman kasi sainyong qualified ako diyan sa Ms. Faina University na yan, kaya magsipaghanda sila uuwi silang luhaan.

"Mira?" Tawag ni Karen, napa irap naman ako sa kawalan. Two weeks na siyang ganito, kada break time sasabay siya saakin.

Nakukulitan ako, hindi ba siya maka intindi.
"Ilang beses ko bang uulitin sayo?" Nahinto siya at nawala ang ngiti sa labi niya.

"Gusto ko lang naman na sumabay sayo"

"Mukha bang kailangan ko ng kasama?"

Napapahiya siyang tumungo, kainis!

Iniwan ko siya roon, dahil mas importante ang gagawin ko kesa sa mga kalokohan niya. Dahil OO kalokohan ang pakikipagkaibigan, kasama mo lang sa kasiyahan yan pero sa problema ekis ka diyan.

Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad, hanggang sa marating ko ang locker ko. Nilagay ko lahat ng bagay na pabigat labg saakin, paalis na ako ng matanaw ko nanaman sila shiela.

Nagtuloy tuloy lang ito sa paglalakad, samantalang ako abala sa pag aayos ng gamit sa locker ko. Wala akong panahong lingunin ang mga pesteng tulad nila, masyado akong maganda para lingunin sila.

"Makikita niyo yung koronang yon isusuot yon sa ulo ko" malakas na sabi ni shiela, naramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko.

"Eh paano yan may sumali rito" sabi nung kasama niya, inabala ko ang sarili sa locker ko.

"Oh eh ano naman? Mananalo ba yan saakin" nilakasan niya pa talaga ito, as if namang may pake ako.

"Ganda ba yan?" Saka sila nagtawanan, tapos na ako kaya kinuha ko yung sanitizer ko.

Pag sara ko ng pinto ng locker nag spray ako sa paligid ng alcohol, wala lang pamatay ng peste.

"Aray!" Reklamo nila, hayaan sige nang ma sanitize kayo.

"Hoy! Kita mong may tao rito diba?" Sigaw nung isa, napahawak ako sa bibig ko na animo'y nagulat sa sinabi niya.

"Hala! Akala ko peste, alam niyo na tamang sanitize lang" saka ako nag spray ulit.

"Tangina! Hindi mo ititigil yan? Nakakain namin" sigaw ni shiela, kaya napamaang ako sakaniya tinignan ko yung alcohol tapos binalik ko yung tingin ko sakanila.

"Sabi dito pang sanitize lang" muli ko pang tinignan yung alcohol "bat niyo kasi kinain?"

Aamba siya ng sampal pero agad ko siyang dinuro "Wala kang dala?"

Naiwan sa ere ang kamay niya, kaya  pati yon ini spray'an ko.

"Thank me later" I winked and left them there with a shocked on their fucking faces.

Habang papunta sa SSC office natanaw ko si Kyle na pababa ng building nila, kaya hindi ko maiwasang mapangiti bakit ba kasi ang gwapo niya? Hindi niya ako napansin kaya nagtuloy tuloy na ako sa SSC Office, andoon na ang ibang makakalaban ko.

"Uy Mira" nakangiti akong sinalubong ni Amber, pero hindi ko man lang siya nginitian.

"Bakit di ka na namamansin?"

Chasing You (Senior High Series #2) Där berättelser lever. Upptäck nu