38

238 11 4
                                    

Chapter 38 

"No" iling ko nang makita ang suot niya,hindi ito bagay sa kanya. Saka ko inabot ang bagong damit. 

Pumasok siyang muli sa fitting room, paglabas niya ay nagustuhan ko na ito. Kaya naman nang matapos kami ay pumasok naman kami sa susunod na store. 

"Mira, satingin mo babagay sa akin lahat ito?" Napaharap ako kay Karen. 


"S'yempre naman, kulang ka lang sa ayos. Saka baduy ka manamit kaya makakatulong 'yang mga damit na 'yan" sagot ko. 


Kumuha ako ng concealer, at isang contour. Inabot ko 'yon sa kanya. Saka ko siya tinignan, kumuha ako ng isang lipgloss saka ko 'yon in'apply sa kanya. Bumagay naman kaya kinuha ko na, saka pa ako kumuha nang kakailanganin niya. 


"Eto 'yung bayad" inabot niya sa akin 'yung pera, pero hindi ko tinanggap. 


"Thank you, Ma'am" tumango ako sa babae, saka na hinila palabas si Karen. 


Inabot ko sa kanya ang paper bag. "I want you to use it okay? Maghahanap pa ako ng mga skin care para sayo" tumango ito. 


Palagi kaming magkasama, hindi na kami halos naghihiwalay. Maghihiwalay lang kami kapag kailangan nanaming matulog, minsan ay sa amin pa nga siya natutulog e. 

"A fucking disappointment!" Sigaw 'yon ng daddy sa kanya nang hinatid ko siya sa kanila. 


Nakayuko lamang ito at hindi nagawang mag angat ng tingin sa daddy niya na galit na galit sa kanya, napatingin ako kay Kyle na umiinom lamang ng juice sa gilid. 


Hindi niya ba ipagtatanggol kakambal niya? Tss. Walang kwenta. 


"Pumasok ka sa kwarto mo at huwag kang lalabas. You're grounded!" Tinignan muli ako ni Karen, tumango ako at sinabihan na sumunod na siya. 


Umuwi na ako nnag gabing 'yon at hindi ako nagsisisi sa mga binitawan kong salita sa daddy niya, dahil satingin ko ay tama lamang 'yon. 




"Doc! Please! Iligtas mo siya!" 

Panay ang iyak ko, habang dinadala si Karen sa emergency room. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam kung kaya kong harapin ang pamilya niya. Napahamak siya dahil sa akin, shit! Kasalanan ko'to. 

"Where's my daughter?!" Napatingin ako sa babaeng humahangos, mommy ni karen. 

"T-tita" tawag ko rito, dire diretso siya sa akin at sinampal niya ako. 

"Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa amin, matapos nang nangyaring ito?!" 

"I- i didn't know" 



"How long you will cage your daughter?" 

"Who are you to asked me that kind of question?" 

Tumayo ako at hinarap sila. "Anak niyo siya, kaya hindi niyo dapat hinahayaang maramdaman niyang nag iisa siya. Don't cage her, let her leave the life she wanted". 


"I'm sorry tita" humahagulgol parin ako, samantalang hinila na siya ng asawa niya palayo sa akin. 


Umiiyak parin ako, hanggang sa lumabas ang doctor. Agad lumapit doon ang magulang ni Karen, lumapit ako para malaman ang kalagayan niya. 

Chasing You (Senior High Series #2) Where stories live. Discover now