3

378 28 6
                                    

Chapter 03


"Mas maganda ata itong isa, anak" pinakita saakin ni Mommy 'yung isang gown.


Namimili na ako ng gown na gagamitin ko sa contest, 2 weeks na lang bago ang Mr/Ms. Faina University kaya inaasikaso ko na.


Naging maganda naman ang mga sumunod na araw, hindi kami rito nag pasko at bagong taon pero siniguro naman ni Kyle na lalabas kami. Napangiti nanaman ako habang inaalala 'yung mga mini dates namin, ang saya lang na napapalapit na ito saakin.



"Bakit mo naman gustong mag doctor?" Usisa ko andito kami ngayon sa isang park malapit sa school.


"I want to become my father" he simply answered, I smiled when he smile to me. 


"Sana all" kumunot ang noo niya


"What do you mean?" Napayuko ako sa tanong niya, ayoko namang sabihin sakaniya.


"W-wala naman" umiling ako.


I hope, my father will like me. I sighed, he didn't bother to know my name.


Napatingin ako sakaniya nang hawakan niya ang kamay ko, "why?"


"Wala lang" ngumiti pa ako para ipakitang ayos lang.


Araw araw niya akong sinusundo sa kanto ng subdivision namin, dahil ayoko namang makita siya ni Kuya. Sabay kaming pumapasok, tapos susunduin niya ako sa tapat ng building namin para sabay kaming kumain. Gano'n ang naging set up namin, at masaya ako kasi lalo ko siyang nakikilala.


"Do you want me to accompany you buy your gown?" Tanong niya nang hindi tinatanggal ang tingin sa laptop, andito ako sa tabi niya nagbabasa may tinitipa siya doon sa laptop niya.


"Huwag na"


"Nagtatampo na ako" sabi niya at tumingin ng direkta sa mata ko, andiyan nanaman yung bilis ng puso ko.


"E. Kasi sasamahan ako ni mommy" paliwanag ko, umiling naman siya.


"Sasamahan ka pala ni mommy"


Napabalik yung tingin ko sakaniya "you w-what?"


He chuckled "mommy...mo" inis akong umiwas ng tingin sakaniya.


"Kyle!!" Napatingin ako sa mga papalapit ng lalaki, nakipag high five sila kay Kyle.


"Pre, basketball tayo" aya nung isa


"Pass, I need to finish this" tanggi niya, sabay baling sa laptop niya.


"Lagi ka na lang wala sa bonding pre"


"Busy lang" ani kyle


"Baka takot ka matalo sa pustahan" napa angat ng tingin si kyle, kaya napasunod ang tingin ko rito.


He smirked "You're not sure, Arevalo" bumaling ang tingin saakin nung lalaki


"Uy, Mira" ngayon lang ata nila napansing andito ako, nginitian ko lang sila.


Chasing You (Senior High Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon