Chapter 33

7.5K 163 106
                                    




DALAWANG LINGGO ng hindi nagparamdam si Keith after ko siyang iniwan doon sa restobar. Pati din si Lazarus ay hindi na din nagparamdam after nung argu namin. Feeling ko ang panget ko, kasi walang ni isang naghabol saakin. Char lang!

Kasalukuyan akong kumakain sa office. Alas 3pm na ako nag lunch sa sobrang dami ng paperworks, pagod na ako. Kailangan ko na yata ng vacation.

Uuwi na rin ako maya-maya. Pero susunduin ko pa si chan-chan ko sa school niya, since hindi na nagparamdam ang tatay niya.

Ano kaya ang nangyari dun?

Pagkatapos niya akong ma 'ano' hindi na siya nagparamdam?

Baka busy na siya sa sariling lovelife. Oh well! My care! Kahit pa anong gawin niya wala akong paki.

Sinundo ko si chan-chan sa kanyang school at dumiretso kami ng bahay. Ipinark ko ang aking sasakyan katabi ng jaguar na sasakyan. Kanino kaya ito? Anong ginagawa nito dito sa complex namin as far as I know wala kaming very rich na neighbor mga average lang.

Papasok pa lang kami ng anak ko ng at may naririnig na akong boses. Hindi lang kay nanay iyon. Sino kaya ang bisita namin?

Napahinto ako ng makita ko ang napakagandang babae. Napakakinis nito at ang tangkad maganda din ang kanyang ngipin para siyang pang universe!

Pero mas maganda parin ako sa kanya!

Si keith...

Kasama niya si keith. "Tito Keith!" Bati ng anak ko sabay yakap sa kanya.

Niyakap naman niya ito pabalik ay hinalikan ang noo. "I missed you!" Malungkot na wika nito sabay pout niya.

He tapped her head. "Aww, I missed you too baby bear." Kita ko sa mata niya ang lungkot ng makita ang anak.

I cleared my throat. "What are you guys doing here? May meeting ba?" Pag iiba ko.

"Anak, sit down. May sasabihin saiyo si keith at raffy." Sabi ni nanay.

Naupo ako kaharap nila. "What is it about?" Ani ko.

Tiningnan ako ni Keith. "I want you to come on my wedding on Sunday."

Natulala ako.

"Nans?" Tawag ni keith.

"H-hah?" Balik ko sa sarili. "On your wedding?" Tanong ko.

"Yes, this sunday." Salita niya.

Napatingin ako sa katabi niya. Ngumingiti lang ang babae. "D-do, do I have to be there?" Bat parang ang bigat ng sinasabi ko.

I have mixed feelings right now. Hindi ko maintindihan kong masaya ba ako o nalulungkot o galit. Pati pag iisip ko at pagsasalita ko naaapektuhan.

"Yes, I want you to be there." Ani Keith, hindi nya inaalis ang titig saakin.

"O-okay..." parang may bumara sa lalamunan ko. Para akong nasusuka na ewan.

Buti nalang at tumunog ang cellphone ko. Alarm ko iyon oras na para sa vitamins ng anak ko.

Tumayo ako. "Excuse me, I just need to answer this one." Pagsisinungaling ko, hindi maganda ang pakiramdam ko. Gusto kong mahiga. Nahihilo ako doon sa kanila.

Bumagsak ako sa kama.

Im so exhausted. Parang bumibigay na ang katawan ko. Sasabihin ko bukas sa boss ko na mag ta-take ako ng vacation. I badly need it, lantang lanta na ako kakatrabaho.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
















I WOKE UP NAUSEOUS.

Agad akong tumakbo sa banyo at doon nagsusuka.

"Nanay? Are you okay?" Nagising ko pa ang anak ko.

Ano ba itong nangyayari. May trangkaso yata ako, o wag naman sanang iyong virus.

"Yes, baby. I'm okay..." sabay suka ko ulit.

Pumasok na si nanay. "Anak, ano bang nakain mo kagabi?" Tanong niya.

"Fried chicken po na binili ko sa kfc ang lunch ko kahapon, nay." Nakasandal parin ako sa toilet seat. Hindi ko din kayang tumayo dahil matutumba ako.

"Hindi kaya na food poison ka, anak?"

"Siguro, nay." Sabay suka ko ulit.

Kaya pala ang bigat bigat ng pakiramdam ko kagabi. Magkakasakit pala ako ngayon.

Tinawagan ko ang aking boss at nagpaalam na hindi ako makakatrabaho. Kailangan kong pumunta sa ER para ma check nila kung ano ba tong nangyayari saakin.

Sinabayan ako ni nanay at chan-chan sa ER. Hindi talaga kumawalas ang anak ko saakin. Alalang alala siya. Napakasweet talaga nitong anak ko, kaya mahal na mahal ko ito.

Pagkatapos kong masuri ay naghintay kami sa waiting room para sa results.

Hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko hanggang ngayon. Baka resetahan nalang nila ako ng gamot at pahinga ang sasabihin nila saakin.

Mahigit isang oras kaming naghintay doon. Dahil na rin sa restrictions, dahil sa covid. Sana naman wala ako nun, may anak pa naman ako.

Lumabas na ang doctor na sumuri saakin.

"Hello, Ms. Nancy." Bati niya.

"Hello po, doc."

Napalingon lingon siya sa paligid.

"Where's your husband?"

"Ah, single po ako doc." Salita ko.

Medyo kinabahan na ako sa mga susunod na sasabihin niya.

"Oh, I'm sorry about that." Ngumiti ang kanyang mata. Alam kong nakangiti siya sa loob ng mask niyang iyon.

"I have some good news for you, Ms. Nancy."

"Y-yes, doc? Ano po?"  Napalunok ako.

"Congratulations, your 2 weeks pregnant."

Nanlaki ang mata namin ni nanay.

"A-ano po?!"

"2 weeks ka ng nagdadalang tao, Ms. Nancy." Dagdag pa niya. "Kung gusto mong ma sigurado, you can go to your obgynecologist para masiguradong healthy ang iyong baby."

"Baby?" Tanong ni chan-chan. "Who has baby?'' Naguguluhang tanong ng anak ko.

Napaupo ako sabay tikop ko sa bibig. "Oh my god... why..."

"Sinong ama niyan anak?" Tanong ni nanay.

"Si Lazarus ba?"

Umiling ako.

"Si—

"Si Keith, po nay—


To be continued...

Hello, loves! Follow me on Instagram @dipsxnoodles and let's chat! We can talk about my stories or any suggestions. I would love to hear from you! Xoxo

The Ruler Has Returned (R18)Where stories live. Discover now