Chapter 22

7.5K 153 13
                                    


Padaskal akong pumasok sa bahay. "Chan-chan? Nay?!"

"Nay?!' Nilakasan ko ang boses.

Bigla naman lumabas ng kwarto si nanay. "Ano at nagsisisigaw ka diyan, anak?"

"Nay, nandito po ba si chan-chan?" Agad kong tanong sa kanya.

"Oo, sinundo ko kanina kasi tumawag ang teacher niya dito sa telepono ng bahay na hindi raw maganda ang pakiramdam ng bata." Mahinahong sagot niya.

Para akong nabunutan ng tinik ng marinig ko iyon. Napahawak ako sa puso sabay buntong hininga. "Diyos ko, para na akong aatakihin sa puso sa sobrang kaba ng malaman kong may kumuha sa kanya sa school."

Hinaplos ni nanay ang aking likod. "Naiintindihan ko anak, alam kong nag-aalala ka."

"Tumawag din ako sayo kanina para ipaalam na ako na sumundo kay chan-chan pero hindi mo sinasagot." Habol pa niya.

"Tumatawag rin kasi kanina si Lazarus, nay."

Agad kaming napalingon ng bumukas ang pinto.

Si Lazarus.

"Babe, ano nandito ba si chan-chan?" Agad na tanong niya pagkalapit. Sa itsura niya ay laking pag-alala rin niya sa anak ko.

"Oo,  natutulog siya doon sa kwarto." Sagot ni nanay.

Napahawak siya sa kanyang dibdib. "Mabuti naman."

Agad akong niyakap ni Lazarus. "Babe, pasensya na at pinag-alala kita. At saka galit ka ba saakin?"  Tanong niya.

"O, siya. Magluluto na muna ako doon sa kusina. Maiwan ko na kayo rito." Paalam ni nanay bago naglakad papunta sa kusina.

Kumalas ako. "Hindi. Pasensya na rin at uminit ang ulo ko kanina. May nangyari kasing hindi maganda."

"Ano iyon?" Kunot-noong tanong niya.

"Muntik na kasi akong madisgrasya kanina, mabuti nalang at pareho kaming hindi napuruhan. Mabuti nalang din at hindi siya nagsampa ng kaso saakin."

Hinalikan niya ang noo ko. "Im sorry babe. Kung alam ko lang hindi na sana ako tumawag sayo. Hindi sana mangyayari iyon." Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Okay lang. Ang mabuti ay nandito si chan-chan at nagpapahinga hindi raw kasi maganda ang pakiramdam ng anak ko."

"Hopefully she will get well soon." Turan niya.

"Yeahh..." tanging sagot ko.

Kumalas siya. "By the way.."

"Hmmn?"

"Come with me tonight."

"Where?"

"May welcome party kasi ang New Navy Company later tonight, and since tayo ang supplier nila ay binigyan nila ako ng invitation."

"Ahh.."

"At saka ipapakilala na raw nila ang bagong CEO ng company. Samahan mo ko babe, please?"

Tiningnan ko lang siya, wari ay nag-iisip. "May sakit si chan-chan. Baka hanapin niya ako pag gising niya at wala ako dito."

"Nandito naman ang lola niya. Please, babe? I really need you there."

"Sige na nga." Sagot ko, wala naman akong choice. Since mapilit siya.

Mabilis niya akong hinagkan sa labi. "Thank you, babe! Your the best."

















WHITE COCKTAIL DRESS ang isinuot ko, at pinaresan ko iyon ng white pointed stilettos

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

WHITE COCKTAIL DRESS ang isinuot ko, at pinaresan ko iyon ng white pointed stilettos. Gusto ko lang maging simple since alam ko namang hindi ako mag-eenjoy doon. I just wanna give Lazarus company.

Narinig ko ang busina sa labas. He's here.

7pm kasi ang usapan. "Nay, pakitingnan po muna si chan-chan." Pakiusap ko sa ina.

"Sige, anak. Ingat kayo."

"Salamat po."

"You look perfect babe." Salita niya habang nagmamaneho.

"Thanks," tanging sagot ko.

Umismid siya. "Hindi na ako makapaghintay na makita kang suot ang wedding dress mo sa kasal natin."

Pilit akong nangiti. "Saka na natin iyan pag-usapan." Ani ko.

Ayoko muna pag-usapan ang kasal na iyan. Alam kong pinangakuan ko siyang papakasalan ko siya kapag nakapag settle na ako. Pero hindi pa ako handa.

"I'll let you know when I'm ready." Dugtong ko pa.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay narating na namin ang New Navy. Agad naman kaming pumasok.

Napakarami naman palang bisita.

Pagkapasok namin doon ay may naka set ng table para saamin. Iginaya kami ng waiter papunta doon at naupo. "What would you like to drink, ma'am?" Tanong ng waiter.

"Uhm. I just want a glass of wine. Thank you." Ayokong pagpakalasing dahil aalagaan ko pa ang anak ko pag uwi ko mamaya.

"Ladies and Gentlemen. We invited all of you to witness the big revelation tonight. Our very own Mr. Delgado is passing over his company to his new owner. And now, lets give Mr. Delgado the right to announce his new heir." Salita ng emcee, nagpalakpakan ang lahat kasama na rin ako.

"Thank you for coming here tonight, friends and family. Napakahalaga ng gabing ito, dahil ipapakilala ko ang magmamana ng lahat ng kompanya ko." Salita ni Mr. Delgado.

Parang pamilyar saakin ang may katandaang si Mr. Delgado. Nagkakilala na ba kami noon? O, nga pala. Kami ang supplier nila kaya paniguradong nakilala ko na siya noon.

"Please give around of applause to my son and my heir, KEITH RAVEN DELGADO. The new CEO." Nabingi ako sa palakpakan ng mga tao. Kasabay niyon ang paglabas ng lalaki sa likuran ni Mr. Delgado.

Napatayo ako sa kinauupuan ng tinanggal niya ang kanyang sunglasses. OH MY GOD... natikop ko ang sariling bibig.

Hindi ako pwedeng magkamali siya iyong lalaki na muntik ko ng makabangga. At kilalang kilala ko ang mga mata na iyon.

Napakalaki ng pinagbago niya. Hindi lang sa physical pati na rin ang kanyang charisma.

Bakit nga ba hindi ko siya nakilala kanina?

Nagbalik na siya.

He returned...

Si KEITH MONTERO... siya na ngayon si KEITH RAVEN DELGADO.

The Ruler Has Returned (R18)Where stories live. Discover now