CHAPTER 35

3.7K 78 1
                                    





"Si Lazarus ang ama ng batang dinadala ko."

Napanganga si Lazarus habang bahid sa mukha ni Keith ang pagkadismaya.

Tila naman ako nasusuka pa at nahihilo. Parang mawawalan pa ata ako ng malay sa pagka nerbyos.

"Anak..."

Iyon ang huli kong narinig bago nagdilim ang paningin ko.





Pagmulat ko ay ang mukha ni Lazarus ang tumambad sa harapan ko. "Mabuti naman at gising kana." Masayang bati niya.

"What happened?" Tanong ko. "Nakatulog ba ako?" Habol ko pa.

"No, you fainted." Sagot nito. "Are you okay? Bakit mo sinabi kay keith na ako ang daddy ng dinadala mo? Wala namang nangyari saatin." Pag alalang tanong niya.

Napahawak ako sa ulo.

"Ayaw kong makasira ng relasyon." Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Napaka emotional talaga kapag buntis. "Ikakasal na sila ngayong linggo, Lazarus. Ayaw ko namang mambulilyaso."

Hinaplos niya ang aking likod. "I understand. Gusto mo bang panindigan ko iyang baby? Ill treat the baby like my own." Dama ko ang sincerity niya, pero hindi kaya kong alagaan mag isa ko ang mga anak ko. I dont need anybodys help, I'll dig the gold myself para buhayin lang mga anak ko.

Napasentido ako. "No! Kaya kong buhayin itong baby ko. I can take care of my own children. Alam kong bata pa si chan-chan para maintindihan niya ang mga nangyayari but I'll explain all this to her when she grew up." My kid will definitely understand, pinalaki ko maayos iyon.

Nanlumo ang mukha niya. "Okay... ikaw masusunod." Tumayo siya. "Oh siya. I'm going..."

I can feel that he felt defeated. Wala siyang magagawa kong ako ang ayaw. "Are you going home?" Tanong ko. "Yes, and remember aalis na din ako ng bansa?" Napangiti siya. "This might be our last meeting." Bahid sa boses niya ang lungkot.

Hindi tumitigil ang pagluha ko. I'm hurt and disappointed. I'm hurt because keith is getting married and Im disappointed on myself because hindi ko kayang ibalik ang pagmamahal ni Lazarus. I cant force love if its not meant to be, I tried but I cannot feel any intimate relationship with him, we're best friends. That's it. Ang saya ko lang na nakilala ko siya. That I am one of the lucky girls na nagustuhan niya.

"I'm sorry, Lazarus." Iyon lang ang tanging nasabi ko.

"It's okay..." niyakap niya ako. "Until next time, Nancy." Pabulong niyang sabi ngumiti pa siya bago siya tumalikod palabas.

Umiiyak lang akong nakatingin sa kanya habang siya ay papalabas. I'm sorry Lazarus, sana ay makahanap ka ng babaeng magmamahal sayo iyong hindi ang katulad ko. I wish you the best in life maging masaya ka sana.


















MAAGA akong nagising para ihatid ang anak ko sa school niya.

"Nanay, you look tired. Are you okay?" Tanong ng anak ko.

Hinawakan ko ang mukha. "Talaga ba anak? Pagod lang si nanay anak."

I feel so exhausted lately. Parang ayaw nga bumangon ng katawan ko kanina.

"Nanay, please take care of yourself." Malungkot na sabi niya. Hinaplos ko ang kanyang likod at hinalikan ang kanyang noo. "I will, anak. You take care too, okay?" Tumango siya. "Susunduin kita mamaya."

"Opo, nay. I love you."

"I love you, baby."

Lumalaki na si chan-chan. She's aware of what's happening to her surroundings now. Maybe it's time for me to explain to her that Lazarus and Keith will not be coming back that none of them will come and play with her ever again.

The Ruler Has Returned (R18)Where stories live. Discover now