Chapter 23

8.5K 230 116
                                    



"Ma'am here's your wine..." Inabot saakin ng waiter ang inorder kong wine kanina. Hindi ko man lang namalayan na nasa gilid ko na pala siya.

Agad ko iyong nilagok at ibinalik sa kanya ang walang lamang baso. Nate-tense ako.

"Babe are you okay?" Hinawakan ni Lazarus ang kamay ko. Napapansin niya sigurong hindi ako mapakali.

Tinapunan ko siya ng tingin. "Restroom muna ako." Paalam ko.

"Gusto mo samahan kita?" Aya niya.

Umiling ako. "No need... babalik agad ako."

Tumango lang siya.

Nang akma na akong aalis ay nagsalita uli ang Emcee. "Congratulations, Mr. Keith!" Sabay abot nito sa mikropono.

Para akong na-hypnotized habang tinititigan siya. Napaka-gwapo talaga niya at ibang iba.

Hindi na siya iyong Keith na nakasama ko noon.

"Thank you so much.." salita niya. Napakalamig at napakabaritono ng kanyang boses.

"And I have an announcement." Pahabol niya.

Biglang hinawakan ni Lazarus ang kamay ko. "Babe?"

Napalingon ako sa kanya. "Huh?"

"Akala ko ba magbabanyo ka?"

"Ahh— yeah.." agad ko siyang tinalikuran at niligon uli. "Be right back."

"I'm getting married..." napahinto ako sa paglalakad pagkarinig ko niyon.

He's getting married?

"Everyone... I want you to meet my fiancée."

Napalingon ako kung saan siya naroroon.

"Raffy." Umakyat iyong babae sa stage kung nasaan si Keith.

Nagpalakpakan ang mga tao.

Ang ganda ng fiancée niya... bagay silang dalawa.

At bakit may konting kirot sa puso ko?

Ano bang nangyayari saakin?

Bakit hindi ko maigalaw ang mga paa ko? Para akong naitulos sa aking kinatatayuan.

Iniling ko ang ulo.

Bakit ba ako nagkakaganito? Ano bang pakialam ko kung ikakasal na siya? Matagal na kaming hiwalay. Ako ang humiwalay sa kanya. May anak nga kami pero hindi naman niya iyon alam. Mas mabuti na rin siguro iyon, mas mabuti ng walang nakakaalam kung sino talaga ang tunay na ama ni chan-chan maliban saamin ni Nanay at Lazarus.

At mas ikabubuti na rin niya iyon, ayaw kong masira ang relasyon nila ng magiging asawa niya. Kapag nalaman niyang may anak siya.

Dumiretso ako sa restroom at pinagmasdan ang sarili sa salamin. "Kalimutan mo na ang nakaraan, Nancy. Nakaraan na iyon, dapat na ibaon sa limut." Sambit ko.

Inayos ko ang sarili bago bumalik kay Lazarus. Nagdadalawang isip pa akong lumapit sa kanya dahil may kausap siya.

Ngunit mukhang nakita na niya ako. "There she is.." ani niya, sabay lapit saakin.

Kinuha niya ang aking kamay at iginaya papunta doon sa kausap niya. "She's Nancy, my soon to be wife." Pakilala niya.

Soon to be wife? Hindi pa nga siya nag propose saakin.

Binalingan ko ang kausap niya.

Nanlaki ang aking mata pagkakita sa kanyang itsura.

Keith...

Nagkasukatan kami ng titig ni Keith. Sobrang talim ng pagkakatitig niya saakin, para niya akong pinapatay mula sa loob.

Galit pa kaya siya saakin? Para din naman iyon sa kanya ang ginawa ko noon. Tingnan mo nalang siya ngayon, napakayaman at kasama na niya ang tunay niyang pamilya.

Tipid siyang ngumisi, sabay abot ng kamay niya saakin. "Nice to meet you, Nancy."

Inabot ko rin ang kamay ko. Para akong nakuryente paglapat ng mga kamay namin. Sigurong napakalamig ng kamay ko ngayon.

Agad ko iyong binawi. "Nice to meet you too." 

"Drink?" Aya ni Lazarus kay Keith.

Hindi ko na kaya ang tensyon dito, magpapahangin muna ako sa labas. "Lazarus, I need to go back to ladies room may nakalimutan ako." Palusot ko.

"Okay, babe. Balik ka agad."

Dumiretso ako palabas. Kailangan ko ng sariwang hangin. Napasandal ako sa kinatatayuan ko. "Bakit ganun siya makatingin?" Ani ko sa sarili.

"Sino?" Biglang may sumagot.

"Si Keith..." sagot ko naman.

Nangunot ang noo ko. Sino iyon?

Nilingon ko kung saan nanggagaling ang boses.

"Keith?!" Napataas ang boses ko sa gulat.

"Yeah, its me." Sagot niya, may sigarilyo siyang hawak sa isang kamay.

"W-what are you doing here?" Tanong ko. Bakit ba ako nauutal? Wala naman akong masamang ginawa sa kanya 'ah.

"To smoke cigarette."

Yun lang? Yun lang dahilan kaya nandito siya? Hindi para kausapin ako?

"What are you doing here?" Tanong niya saakin.

"Nagpapahangin.." Ibinaling ko ang ulo sa ibang direksyon, ayoko siyang masilayan.

"Ahh..." naririnig ko ang mga yapak niyang papalapit saakin.

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko, hindi ko alam kung natatakot lang ba ako sa kanya o dahil may nararamdaman pa ako sa kanya? Impossible! Wala na akong nararamdaman sa kanya, nakaraan na iyon. At may mga sariling buhay na kami.

Naaamoy ko na ang pabango niya, napakalapit na niya saakin. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"So, Nancy..." Turan niya.

Hindi ko parin siya nililingon. "Hmmn..?" Sagot ko, para kasing ayaw bumuka ng bibig ko.

Nararamdaman kong nasa gilid ko lang siya.

"How are you?" Tanong niya.

"Okay lang, ikaw?" Tugon ko.

"Good." Nanlaki ang mata ko ng maramdaman kong may humawak sa balikat ko.

Anong ginagawa niya?

"And, how's our daughter?"

The Ruler Has Returned (R18)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن