Chapter 4

14.6K 215 9
                                    


Nakauwi na ako pero hindi parin mawala sa isip ko si Lazarus. Bakit kaya ang bait nya saakin?

"Aba! Ang dami naman yata ng dala mo?" Puna saakin ni nanay pagkalapag ko sa mga pinamiling grocery bago ako umuwi.

"Hindi ko ninakaw to, ah!" Asik ko rito. "Nakabale kasi ako."

"Talaga? Mabuti naman kung ganoon. Magkano?"

"6K." Sagot ko.

"Aba ang laki naman yata?"

"Ibabayad ko ang dalawang libo kay Keith para sa upa, tapos ang matira ibibili natin ng maintenance mo."

"Anong nakain ng boss mo at pumayag na bumale ka ulit?"

"Actually, hindi talaga si Boss Yuchengco ang nagbigay ng perang ito." Inilabas ko iyon mula saaking bag at binilang.

"Eh, sino?''

"Anak niya..." Biglang uminit ang pisngi ko, hindi ko alam pero basta maisip ko si Lazarus ay kinikilig ako.

"Ha? Sino?" Nangasim ang mukha ni nanay.

"Si Lazarus, anak nung insik." Nilinawan ko talaga ang pagbigkas ng pangalan niya.

"Hala, baka natipuhan ka niya anak. Jowain mo." Napatigil ako sa pagbibilang ng kwarta.

"Nay!" Sigaw ko.

"Aba! Malay natin. Edi, makakapag asawa kana ng mayaman. Hindi na tayo maghihirap."

"Tumigil ka nga dyan, nay. Kung ano ano nalang naiisip mo."

Para namang magkakagusto saakin iyong si Lazarus, alam kong magaganda at sexy ang tipo niyon.

"May 5,000 pa tayong natira. Kung ibabayad ko ang 2K kay Keith may pambili pa tayong gamot." Pag iiba ko.

"Pero anak wala namang masama kung jowain mo sya diba? Akitin mo. Tutal maganda ka naman." Salita nya, halatang hindi sya nakinig sa sinabi ko. Mas iniisip nya ang ibugaw ako.

"Nay, naman! Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa lalaking iyon! Never akong magugustuhan niyon!" Napalakas na ang boses ko.

Natahimik si nanay. "Gusto ko lang naman na magkasyota kana, para mabigyan mo na ako apo. Gusto kong makita ang apo ko bago man lang ako mamatay." Malungkot nyang salita.

"Ano?! Nay, uunahin pa ba natin ang pagkakaroon mo ng apo? Alam mo namang kapos tayo sa pera. Kulang na kulang ang sahod ko saatin tapos mag-aanak pa ako?" Singhal ko.

Nanlumo ang mukha ni nanay, mukhang na offend ko yata. "Nay, alam kong nag iisa nyo lang akong anak pero sana naman wag mo akong madaliing magkaroon ng asawa."

"Naiintindihan ko..." Mahinang anas niya.

Nilapitan ko sya at hinuli ang dalawang kamay niya. "Nay, sapat ka na saakin. Sapat na saakin na ikaw lang ang inaalala ko. Alam mo namang mahal na mahal kita diba?" Malambing kong sabi sa kanya.

Tumango tango lang ang matanda. "Naiintindihan ko." Sagot niya, mukhang masama yata ang loob saakin.

"Nay?" Tawag ko, hindi kasi sya nakatingin saakin. Nakayuko lang siya.

"Hmm?" Tanging sagot niya.

"Sorry po, kung nasigawan ko kayo kanina." Niyakap ko ang payat niyang katawan. "Gusto mo kain tayo sa jollibee?" Alam ko kasing favorite niya ang spaghetti doon. Baka sakaling mawala ang sama ng loob nya pagdinala ko sya roon.

Ngumiti siya. "Wag na, gastos lang iyon. Dito nalang tayo sa bahay."

"Pero nay?"

"Okay lang ako anak." Kumalas sya saakin. "Halika na at maghapunan na tayo." Aya niya.

Malungkot nalang akong napatango. Isa lang naman ang gusto ko, ang pasayahin ang nanay ko. Pero bakit kulang pa? Hindi pa ba sapat ang ginagawa ko sa kanya?

Pagkatapos naming maghapunan ay nagpaalam akong pupunta sa bahay nila Keith para magbayad. Alam kong gabi na pero wala na kasi akong oras sa mga susunod na araw dahil mag o-overtime ako sa trabaho para makabayad man lang sa mga bale ko doon sa insik.

Habang naglalakad ako ay hindi parin mawala sa isip ko ang mukha ni nanay. Hindi lang kasi ako sanay pag ganoon ang kanyang mukha sobrang lungkot. Pero sana naman ay maintindihan niya ako, dahil mas importante pa sya sa pangarap ko.

Naisin ko mang makapag asawa ay wala naman akong ipanggagastos, alam kong mahirap magkaroon ng anak. Mabuti nalang sana kung mayaman ang magiging asawa ko, iyong siya na lahat bahala sa gastusin.

Sana makatagpo ako ng mabuting asawa, iyong mayaman din sana.

Kinatok ko ang pinto nila Keith. Ngunit walang sumasagot.

"Tita Christie?" Tawag ko, baka may ginagawa lang ang ginang at hindi ako napagbuksan.

Limang minuto na ako dito ngunit wala parin. "Nasaan na ba ang mga nakatira dito?"

Sinubukan kong pihitin ang seradura. Bakit hindi ito naka-locked? Tanong ko sa isip. Nakapagtataka kasi.

Sinubukan kong pumasok sa loob, kailangan ko ng maibigay itong pera para makauwi na ako.

Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakapasok doon ay may narinig na akong ingay. Ano iyon?

Sinundan ko kung saan nagmumula iyong ingay na naririnig ko, hanggang sa napunta ako sa kwarto ni Keith.

Ngayon ay mas malinaw ko ng naririnig ang ungol. Teka, bakit may umuungol?

"Deeper... Ugh! Deeper, Keith..." Rinig kong boses ng isang babae.

Anong deeper ang binabanggit ng babaeng iyon? At sino iyon?

Sa sobrang pagtataka ko ay binuksan ko ang pintoan. Bukas rin iyon!

Hindi ba sila marunong mag locked ng pinto dito?

Nilakihan ko ang bukas niyon, hanggang sa nahagip ng mga mata ko si Keith.

Naitulos ako sa kinatatayuan. May ginagawa kasi silang kababalaghan.

Natigil sa pag ulos si Keith, at napabitiw sa sinasakal niyang babae. "N-nancy?" Gulat niyang salita.

Nadako sa babae ang paningin ko. Nakabukaka kasi ito at namumula. May mga pasa din ang kanyang katawan, mukhang bugbog-sarado kay Keith.

"Anong ginagawa mo dito?!" Tumaas ang boses nito at salubong ang makakapal na mga kilay.

Malakas na kumalabog ang puso ko, nakakatakot kasi ang mga titig nyang tumatagos pati sa kaluluwa ko.

"S-sorry! I-ipagpatuloy niyo lang 'yan." Nauutal kong bigkas sabay talikod ko at kumaripas ng takbo.

Hindi ko alam kung bakit kumirot ng kaunti ang puso ko sa nakita kanina. Pero sigurado akong wala lang iyon, minsan kasi kailangan mong mag bulag-bulagan para walang masaktan.

The Ruler Has Returned (R18)Where stories live. Discover now