Chapter 26

6.7K 142 11
                                    




"YES, IM GONNA MARRY YOU.."

Hindi parin mawala sa isip ko na papakasalan ko na si Lazarus. Alam kong tama itong desisyon ko at hinding hindi ako magsisisi.

Binibihisan ni Nanay si chan-chan. Sasabihin ko na sa kanila na magpapakasal na kami ni Lazarus.

Tumikhim ako.

"Nay..." sabay nila akong nilingon.

"Hmn?" Tugon ni nanay.

"Nanay susunduin po ako ngayon ni Tito Keith." Salita ni chan-chan. "Excited na po akong makalaro siya ulit."

Ang lawak ng ngiti niya. Gustong gusto niya ang kanyang tatay.

"Ano iyon anak?" Tanong ni nanay.

Medyo lumapit ako sa kanila.

"Nay.." dinako ko ang mata ko sa anak. "Anak.."

"Magpapakasal na kami ni Lazarus."

Hindi agad sila nakapag salita. Marahil ay nagulat ko sila.

Ngumiti ng malawak ang anak ko. "Omg nanay! May tatay na ako! Yehey!" Sabay talon nito na nakataas ang dalawang kamay.

"Mabuti naman anak at nakapag desisyon kana, abay matagal kanang hinihintay ni Lazarus."

"Oo nga po, kagabi ko lang po siya sinagot."

Nilapitan niya ako at niyakap. "Masaya ako para sayo."

Nakiyakap na rin ang anak ko. "I love you, nanay."













"WHERE ARE YOU?" Tanong saakin ni Lazarus. Tumawag siya habang nasa trabaho pa ako.

"Im working." Sabat ko.

"Pwede ba kitang yayaing mag dinner mamaya?"

"Sure."

Pinatay ko na ang tawag. Let's call it a day! Pagod na rin ako. Gusto ko ng umuwi at makita ang anak ko.

Excited akong pumasok sa bahay. Alam kong hinihintay na ako ni chan-chan. Miss ko na ang batang makulit na iyon.

Pagpasok ko ay patay ang ilaw. Binuksan ko iyon at walang katao-tao.

Nasaan sila?

Agad kong tinawagan si nanay.

"Hello anak?" Sagot niya pagkatawag ko.

"Nay? Asan po kayo saka nakauwi na po ba si chan-chan?"

"Andito ako sa salon anak. Sabi ni Keith siya nalang daw maghahatid diyan kay chan-chan." Sagot niya.

Nandoon pa pala ang anak ko sa tatay niya.

"Oh siya.. sige nay, magkikita pa kami ni Lazarus."

"Oh sige, ingat anak."

Pagkapatay ko sa tawag ay may agad na tumawag. Number lang iyon. Sino kaya to?

"Hello?"

"Andoon si chan-chan sa bahay kasama si Raffy. Pwede ba tayong magkita?"

Sa boses pa lang ay kilala ko na kung sino ito.

"Bakit?" Naguguluhang tanong ko.

Hindi niya iyon sinagot. Binigay nalang niya ang address ng isang bar.

Anong ginagawa niya sa bar ng mag-isa?

Pagkarating ko doon ay agad ko siyang hinanap. Madali ko naman siyang nakita dahil kakarampot ang din ang tao rito.

Umupo ako kaharap siya.

Inubos niya muna ang kanyang wine.

"Bakit mo ko pinapunta dito?" Agad na tanong ko.

Nag salin ulit siya sa kopita. Inilahad niya saakin iyon. "You want?"

Iniling ko ang ulo. "No thanks." Tinitigan ko ang lalaki mukhang kanina pa siya rito at mukha na siyang lasing.

"Ano ba gusto mong pag usapan at pina-punta mo pa ako rito?" Tanong ko. Medyo naiilang ako sa kanya kapag kami lang dalawa.

Hindi niya ako tinitingnan. Nilalaro niya lang ang kopitang hawak niya.

"So... I heard you're getting married."

Hindi na ako nagulat. Malamang ay sinabi na sa kanya ng anak ko.

"You heard that from my daughter, right?" Balik tanong ko.

Tumawa siya.

"Anong nakakatawa?"

Uminom uli siya.

"Bakit ka magpapakasal?" Tanong niya sabay titig sakin.

"Ano ba naman klaseng tanong yan?" Sagot ko.

Tumaas ang gilid ng kanyang labi. "Sasabay ka pa talaga saakin."

"Ano?"

"Pinapahirapan mo talaga ako, Nancy."

Nangunot ang noo ko. "Ano?!!"

"Bakit mo ba ginagawa saakin ito." Namamaos ang kanyang boses at namamasa ang kanyang mata.

Umiiyak ba siya?

"Nancy..." Pabulong niyang sabi.

Tumayo ako. "You know what, your drunk."

"No, I'm not." Sagot naman niya.

"I should head out. Magkikita pa kami ni Lazarus." Sabay hakbang ko palabas.

Ngunit agad niyang hinuli ang pulso ko. "Hindi pa ako tapos."

Napahinto ako.

"Ano ba kasi ang gusto mong pag-usapan?" Irap ko sa kanya.

Tumayo siya.

Malamlam niya akong tinitigan.

"Nancy... tell me."

"Tell what"? Kanina pa ako naguguluhan.

Pumatak ang luha niya. "Tell me your letting me go."

"Sabihin mo. Para hindi na ako masaktan at umasa sayo."

Kumikirot ang puso ko ng makita ko siyang lumuluha. Hindi ko akalain na umiiyak pala ang lalaking ito.

Ngunit mas lalong nadurog ang puso ko sa sinabi niya.

"Tell me... Tell me your letting me go." Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak saakin. "Pag sinabi mo iyon hindi na kita guguluhin at papabayaan na kitang magpakasal sa kanya."



To be continued...




Please subscribe to my YouTube channel:
Charlotte Masalig :) thank you!

The Ruler Has Returned (R18)Where stories live. Discover now