Chapter 7

13.6K 193 8
                                    


GINAGALAW niya ang kanyang labi habang ako naman ay nanatiling estatwa.

Doon na ako nag protesta ng pinilit niyang ipasok ang kanyang dila. Tinulak ko siya.

Bakas sa mukha niya na nabigla din ito. "I-I'm sorry..." Usal niya.

Kinakabahan akong napangiti. "O-okay lang. Sorry din, nabigla kasi ako."

Napasentido siya. "I'm sorry, Nancy. A-ang ganda mo kasi, hindi ko napigilan."

Uminit ang pisngi ko sa sinabi. "Okay, lang! Ano ka ba, para halik lang eh."

"Sorry, talaga. Pero seryoso ako, Nancy. Liligawan kita. " Salita niya.

"At sisiguraduhin kong magiging akin ka." Dugtong pa niya, yumuko muna siya bago niya ako tinalikuran at naunang naglakad.

Nanghihina akong napasandal. Tiningnan ko lang siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko, naiwan akong nakasandal sa pader ng hallway. Ano kayang nagustuhan niya saakin? Hindi naman ako mayaman.

Pero aaminin kong bumilis ang tibok ng puso ko ng maglapat ang mga labi namin. Gusto ko na rin ba siya?

Mariin nalang akong napapikit at mahinang iniumpog ang ulo sa sinasandalan.











KEITH

"KEITH! May bago kaming raket." Sigaw ni Joshua sa di kalayuan. Isa siya sa mga kaibigan ko.

"Ano?"

Mapaglarong ngumisi ang gago. "Lika, ipapakita ko sayo."

Sumunod naman ako na parang aso, kailangan ko kasi ng bagong pagkakakitaan. Umalis na kasi ako doon sa paglalabor hindi ko na kaya pang manatili doon. Ang daming binubuhat kakarampot naman ang pasahod.

Pumasok kami sa lumang bahay, sira sira na iyon at wala na ring bubong. "Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.

Inakbayan niya ako. "Tiba tiba ka rito, pre."

Nagulat ako ng may mga iba pa pala siyang kasama, mga kaibigan din namin. Nakaupo sa inaanay na bangko at mesa.

"Anong ginagawa niyo rito?" Salubong ang kilay na tanong ko.

Ngumisi lang ang mga gago.

"Keith! Pare!" Tawag ni Gordon.

"Ano bang raket to' Joshua?!" Nilingon ko siya at kinunotan ng noo.

Pinaupo niya ako, tapos ay may kinuha siyang backpack. Binuksan niya iyon at inilabas ang mga pakete ng shabu.

"Putangina! Saan ka nakakuha nyan?!" Gulat kong sabi.

"Basta. Gusto mo rin bang magbenta?" Tanong niya.

"Mga gagu kayo! Ayaw kong matokhang."

Nagtawanan silang apat. "Pre, hindi naman tayo papahuli." Salita ni Brando.

May inilabas na namang bag si Joshua at binuksan ulit iyon. "Kita mo to?" Pinakita niya ang nagkukumpulang kwarta doon.

Napaka raming tig isang libo at limang daan. Punong puno ang bag na iyon.

"Ito na ang kita namin." Salita niya at sinarado uli ang bag.

Kahit na gusto ko ng pera hindi parin ako mag bebenta ng droga. Hinding hindi ako masisilaw sa kwartang kinita nila. "Salamat nalang, pre." Tumayo ako.

"Ayaw mo?" Tanong ni Joshua.

"Kayo nalang." Sagot ko.

Lalabas na sana ako ng may marinig kaming tunog ng serena. "Tangina!" Napabalikwas si Joshua pati na ang iba.

"Pre! Mga Parak!" Sigaw ni Gordon.

"Sino nagsumbong?!" Kinakabahan na usal ni Joshua.

"Hindi namin alam." Mabilis nilang ipinasok ang mga pakete sa loob ng bag.

"Pre, mag hiwa hiwalay tayo!" Salita ni Dany.

"Hoy! Anong ibig sabihin nito?!" Kinakabahan na rin ako.

"Pre! Tumakbo kana kung ayaw mong masali!"

Tila ako naubusan ng dugo sa sinabi ni Joshua. "Putang ina niyo! Masasali pa ako sa mga kagaguhan niyo!"

Nilibot ko ang mata. Maghahanap ako ng matataguan.

"Pre! Dito tayo umexit!" Turo ni Joshua.

Dala ng adrenaline ay mabilis akong kumaripas ng takbo, bahala na sila sa buhay nila. Ayokong matokhang, may pangarap pa ako.

Naghiwa hiwalay kaming lima. Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko para lang makalayo sa lugar na iyon.

Mga walang hiyang 'yun! Idadamay pa ako sa mga kabulastugan nilang pinaggagawa, kay buting mga kaibigan naman talaga! Wala ng ibang ginawa kung hindi ang ipahamak ako.

Kakalingon ko sa likuran para siguraduhing walang nakasunod saakin ay hindi ko na namalayan na may paparating na sasakyan. Kamuntik na akong mabangga niyon, mabuti nalang at tumigil ito bago nya ako madali.

"Tang ina!" Napamura ako sa kaba.

Nahampas ko ang kotse na iyon sa galit. "Pambihira naman, o!" Sinipa ko rin iyon, mabuti nalang talaga at hindi ako nagalusan.

Lumabas ang driver. "Okay, ka lang ba?" Matalim kong tiningnan ang lalaki.

Mukhang professional yata ito dahil naka suot ng pang opisinang damit.

"Ayos ka lang ba, iho?" Tanong niya.

Biglang bumukas ang passenger door niya at lumabas ang magandang babae. Ito siguro ang asawa niya.

Lumapit ang babae saakin. "Anak?" Usal niya bago niya ako mahigpit na niyakap.

"What the hell?" Mabilis akong kumalas. "Anong anak?!"

Kinulong ng magandang babae ang mukha ko sa maliit niyang palad. "Ikaw, anak kita."

Kinuha naman agad ng lalaking naka suit ang asawa. "Felexis, hindi siya ang anak natin." Anas niya sa asawa.

Felexis pala ang pangalan ng babaeng ito. "Baliw ba siya?" Tanong ko sa lalaki.

Yakap yakap na niya ang asawa. "Hindi. Nawawala kasi ang anak namin. Kaya kapag may nakikita siyang kasing edad mo ay sinasabi niyang anak namin iyon." Malungkot na saad ng lalaki.

"Ganun ba?" Walang gana kong usal, hindi kasi ako interesado sa kwento nilang mag asawa.

"Alis na ako." Tinalikuran ko na sila, hahayaan ko nalang ang nangyari hindi rin naman ako nadali.

At isa pa, nakaramdam din ako ng awa doon sa babae.

"Iho! Sigurado ka bang ayos ka lang? Baka gusto mong magpa hospital?" Pahabol nung lalaki.

"Okay, lang ako! Salamat nalang!" Sagot ko ng hindi sila nililingon.

"Iho, anong pangalan mo?" Tanong niya ulit.

"Keith." Sagot ko, bago ako tumakbo ulit.

Uuwi na ako, mabuti nalang talaga hindi ako nadisgrasya. Yari talaga ako pagnagkataon! May mga parak pa akong tatakasan. Pag dinapuan ka nga naman talaga ng kamalasan, bwesit!

The Ruler Has Returned (R18)Where stories live. Discover now