Chapter 16

10.7K 176 1
                                    


SAAN ko hahanapin ang mga magulang ni Keith?

Kanina pa ako nagpabalik balik ng lakad sa tabi ng kalsada. Malalim na nag iisip kung saan ko sisimulan ang paghahanap sa mga magulang niya.

Ang tanging alam ko lang ay ang pangalan nila, Kento at Felexis Delgado.

Iyon lang ang alam ko bukod roon ay wala na, pangalan lang nila ang alam ko. Hindi ko alam kung saan nakatira ang mag asawang iyon.

Kung kailan, kailangan na kailangan sila ng anak nila ngayon. Alam ko, kasalanan ko ito. Kung sinabi ko lang sana noong may pagkakataon ay hindi sana mahahantong sa ganito.

Hindi sana mahuhuli ng pulis si Keith. Kung sinabi ko lang ang totoo noong oras na iyon ay marahil nasa kanila na ang anak nila, hindi sana niya mararanasan ang pagkakakulong kasama ang mga mukhang mamamatay tao na iyun doon sa kulungan.

Kung inuna ko lang sana ang kapakanan niya, hindi sana mangyayari ito.

Napaka-selfish ko.

Nanlulumo akong napaupo sa gater ng kalsada. "I'm sorry, Keith. Kasalanan ko ito."

Kento Delgado, saan ko mahahanap ang taong iyon?

"Alam mo bang on-sale ang New Navy ngayon?" Rinig kong salita ng babae sa di kalayuan.

Mukhang naghihintay yata ng bus ang dalawang babae.

"Weh? Ang mamahal ng binebenta doon eh. Mayayaman lang makaka-afford sa kanila." Sagot naman nung isa.

"Ang barat naman ng babaeng ito! Ano akala mo saakin poor?" Naiinis na turan nung unang nagsalita.

Napahalakhak ang pangalawang babae. Nakamasid lang ako sa kanila habang sila'y nag-uusap.

New Navy?

Saan ko nga ba narinig ang kumpanyang iyon? Isa iyon sa pinakasikat na brand dito sa pilipinas.

Sa pagkakaalam ko ay mga Delgado ang may ari ng company na iyon. Kung ganoon ay baka doon ko mahanap ang ama ni Keith.

Maliksi akong napatayo at lumapit sa dalawang babae. "Saan nga kayo ulit pupunta mga miss?" Tanong ko sa dalawa.

"New Navy, sama ka?" Aya niyong unang babae.

"O-oo sana, hindi ko kasi alam kung saan iyon. Hindi pa ako nakakapunta doon."

Inakbayan ako ng unang babae. "Let's gorabels, sis."







Narating na namin ang New Navy hindi naman kalayuan ang mall na ito sa tinitirhan ko.

Mga dalawang sakayan lang ng bus, hindi kasi ako mahilig gumala at hindi rin ako mahilig mag shopping kaya hindi pa ako nakakapunta sa mall na ito.

"Salamat mga sis, huh?" Usal ko.

"Ayaw mo bang sumama saamin mamili ng mga damit?"

Umiling ako.

"Hindi na. May hahanapin pa ako, eh."

"Hmn. Okay! Ingat nalang, sis." Turan niya bago nila ako tinalikuran.

Nilibot ko ang paningin sa malaking mall. Ganito pala kayaman ang mga magulang ni Keith. Ano kaya kung ang talagang bahay na nila?

Paniguradong kasing laki ng mall na ito ang mansyon ng pamilya niya.

At siguradong sigurado akong makakalimutan na niya ako 'pag bumalik na siya sa tunay niyang mga magulang.

Bumigat ang dibdib ko sa isiping hindi ko na makikita si Keith. At hindi lang iyon, makakalimutan na niya rin ako dahil mayaman na siya.

Tinungo ko ang Customer Service at doon nagtanong.

"Hi..." Bati ko sa lalaking naroon.

"Hello, ma'am! Ano 'pong kailangan natin?"

"Gusto ko sanang maka-usap ang may ari nitong mall."

"P-po? Bakit? Busy po siya ma'am, kung gusto niyo iyong General manager nalang po namin ang kausapin niyo."

"Pero siya ang gusto kong makausap." Daing ko.

"Ano 'po bang complaint niyo, ma'am?"

"Gusto ko lang siyang makausap! Please..."

"Hindi po talaga pwede, ma'am. Ipapatawag ko nalang po ang GM namin."

"Si Kento Delgado ang gusto 'kong makausap!" Singhal ko.

"Ma'am, wag 'po kayong mag eskandalo dito. Ano po bang complaint niyo?"

"Sa kanya ko nalang sasabihin. Please, importante ito."

"Ma'am hindi po talaga pwede. I'm sorry po, kung ayaw niyo 'po sa GM namin pwede na po kayong umalis. Busy po talaga si Sir Delgado."

Napasentido ako.

Gusto kong sigawan ang lalaking ito at murahin. Kung wala lang talagang mga tao dito ay kanina pa nakatikim saakin ang lalaking 'to. Ngayon pa na sobrang stress ako.

Galit ko siyang inirapan bago tinalikuran. Saan ko kaya makikita si Tito Kento? Nasaan kaya ang office niya rito?

Napaisip ako habang naglalakad palabas ng mall. Kailangan ko talaga siyang makausap, he's son needs him.

Hindi ako uuwi ng hindi nakakausap ang ama niya, tutulungan ko si Keith. Hindi ko na sasayangin ang panahon at oras ngayon, they must know the truth because they deserve it.

No matter how hard it is for me. Wala ng ibang paraan para matulungan si Keith, ito nalang ang paraan para makalaya siya. Sa yaman ng pamilya niya ay paniguradong panis ang kasong ipapataw sa kanya.

Pagkalabas ko ay sakto namang may dumaan na black Audi sa harap ko. Nahagip ng mga mata ko ang nakasakay doon.

Si Tito Kento!

Sigurado akong siya iyong nagmamaneho! Hindi ako pwedeng magkamali. Ganun na ganun kasi ang itsura ni Keith pag hindi ito ngumingiti.

Mukhang papaalis na ito.

"Sandali! Tito Kento!" Sigaw ko.

Nanakbo ako para sundan ang itim na audi. "Tito Kento!"

Para na akong baliw kasisigaw sa kanyang pangalan habang tumatakbo. Mukhang hindi ko yata siya mahahabol.

Pero hindi parin ako tumigil. Kahit na hingal na ako ay pinagpatuloy ko parin ang paghabol sa kotse niya.

"Tito Kento! Wait!"

Hindi ko na namalayan na nasa gitna na pala ako ng kalsada. Nawala na sa isip ko na pwede akong madisgrasya sa ginagawa kong paghabol.

Napahinto na ako, hindi ko na kaya pang tumakbo. Pagod na pagod na ako.

Halos humiwalay ang kaluluwa ko ng marinig ko ang busina. Napalingon ako kung saan iyon nagmumula, galing iyon sa kotse na nasa likuran ko.

At sa kasamaang palad ay papalapit ito saakin. Lalong lumakas ang busina niya, hanggang sa madali ako.

Sapul ako, naumpog pa ang ulo ko sa semento.

Nakahandusay ako sa kalsada habang hawak ang ulo, nang tingnan ko ang aking kamay ay puro dugo ito.

Nanlalabo na rin ang aking mata.

"Keith..." Sambit ko, bago dumilim ang paningin ko.

The Ruler Has Returned (R18)Where stories live. Discover now