Chapter 09

9.3K 717 258
                                    

BUMAGAL ang paghakbang ni Nashnairah hanggang sa tuluyan na siyang huminto nang marinig ang usapan sa loob ng dining. Hindi niya magawang tumuloy sa pagpasok doon. Kagagaling lang niya sa CR nang makaramdam ng panunubig habang kumakain na sila ng dessert. Katatapos lang nila halos maghapunan.

"Kaunting panahon na lang at ga-graduate na si Daizuke," anang ama ni Kriza na si Wilson Acueza. "And anytime soon, baka pasukin na rin ng binata ninyo ang pagpapamilya. Hijo, I hope you consider my daughter, Kriza, when you plan to get married."

Natigilan si Nashnairah. Mukhang inirereto na ni Mister Wilson Acueza ang anak nitong si Kriza kay Daizuke.

Napasandal si Nashnairah sa may wall at malungkot na napangiti. Kung sa family background lang, bagay na bagay ang dalawa. Parehas na nasa high society. May pinong kurot sa puso niya nang mga sandaling iyon. Lalo siyang nawalan ng lakas para muling bumalik sa loob ng komedor dahil sa seryosong topic ng mga ito.

Dahil sa nararamdaman kaya naman ni hindi niya napansin ang paglabas ni Daizuke mula sa pinto ng dining room. Natigilan pa ito nang makita siyang nakatayo roon.

Saka lang napakurap-kurap si Nashnairah nang maramdaman ang paghawak sa kanyang kamay. Saka lang niya napansin si Daizuke nang mag-angat siya ng tingin. Wala siyang narinig na kahit na ano rito nang hilahin siya nito palayo sa lugar na iyon.

Para siyang papel na tangay ng hangin. Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Daizuke hanggang sa makarating sila sa tabing dagat na may kalayuan sa beach mansion ng mga ito. May kadiliman, pero mukhang hindi naman iyon alintana ng binata na mahigpit pa ring hawak ang kamay niya.

Naupo sila nito sa may pinong buhangin. He even took a deep breath.

Mayamaya ay binawi niya rito ang kamay niyang hindi pa rin nito binibitiwan, ngunit hindi naman iyon pakawalan ni Daizuke.

"Dai," anas niya sa pangalan nito.

"Nai, just let me hold your hand for a while," sa halip ay mabilis na wika nito na sandali lang siyang binalingan bago ibinalik ang tingin sa may tabing dagat na bahagya lang nilang maaninag.

Hinayaan na lang niya si Daizuke na hawakan ang kamay niya. Tumingala siya sa mabituin na kalangitan. Sa dami ng bituin ng mga sandaling iyon na animo nakalatag iyon na diyamante mula sa kalangitan, tila ba nakabawas iyon sa naninikip na dibdib ni Nashnairah.

Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanila ni Daizuke bago nito iyon nagawang basagin.

"Narinig mo 'yong usapan kanina sa dining," statement iyon at hindi tanong.

"Hmmm," sang ayon niya. "Hindi lang ako makabalik sa loob kasi masyadong seryoso 'yong topic para maki-interrupt na lang ako bigla sa usapan ng pamilya ninyo ni Kriza."

"Ano'ng masasabi mo sa narinig mo?" baling nito sa kanya.

"Hindi na ako magtataka kung after mong gr-um-aduate sa Mori High ay ma-engage ka na."

At ngayon pa lang, parang kailangan na niyang ihanda ang sarili sa bagay na iyon. Dapat na ba niyang pigilan ang nararamdaman para sa kaibigan? Dahil ngayon pa lang, alam niyang baka mauwi lang iyon sa wala. Pero kahit ganoon, masaya siya na una niya iyong naramdaman kay Daizuke. Kahit alam niyang hindi iyon matutugunan pagdating ng panahon.

"Ganoon ka kasigurado?"

Nagbaba siya ng tingin at tumango. "Sa tingin ko. Mukhang gusto ka ng parents ni Kriza."

"At sa tingin mo papayag akong i-consider 'yong anak nila?"

Hindi nakasagot si Nashnairah.

Bumuntong-hininga si Daizuke. "That won't happen."

The Ultimate Hottie BillionaireWhere stories live. Discover now