Chapter 07

11.3K 750 207
                                    

NAPABUNTONG-HININGA si Nashnairah matapos pagmasdan ang kanyang sports bag na kulay purple. Ano mang sandali ay darating na ang family driver nina Tita Beasly para sunduin siya. Araw iyon ng pagpunta nila sa isa sa private resort ng mga ito sa Balesin Island sa Pollilo, Quezon.

Kaka-text lang sa kanya ni Daizuke na hindi ito sasama dahil may gagawin ito. Imbes tuloy na maging masaya siya para sa dalawang araw na bakasyon ay daig pa niya ang namatayan sa lungkot.

Nang dumating ang sundo niya ay halos hindi mabanat hanggang sa mga mata niya ang ngiti nang magpaalam siya sa pamilya niya. Basta pamilya ni Daizuke ang kasama niya sa malalayong lugar, tiwala naman ang mga magulang niya na pasamahin siya.

Hindi na sila dumaan sa bahay nina Daizuke, dumiretso sila sa Phase II ng Valle Encantado Village kung saan may malawak na kaparangan. Natanawan ni Nashnairah ang pagmamay-aring private helicopter ng mga Niwa. Mukhang siya na lang ang hinihintay dahil natanawan niya sa gilid ng aircraft ang mag-asawang Niwa habang kausap ang piloto ng naturang sasakyan.

Huminga muna nang malalim si Nashnairah bago bumaba sa kotse nang pagbuksan siya ng driver.

"Salamat po, Mang Ernesto," sabi pa niya bago naglakad palapit sa kinaroroonan ng mag-asawang Niwa. "Good morning po, Tita Beasly, Tito Takeo," magalang pa niyang bati sa mga ito bago nagmano. Sinikap niyang ngumiti kapagkuwan.

"Shall we go?" ani Takeo Niwa.

Tumango siya. Nang kunin sa kanya ng isang naka-unipormadong lalaki ang dala niyang bag ay hinayaan na niya iyon dito.

Natigilan lang siya sa pagsampa sa helicopter nang mapagsino ang nakaupo sa hulihang bahagi ng aircraft. Naningkit ang mga mata niya nang ngisian pa siya ni Daizuke. Buong akala niya ay hindi ito sasama.

"Surprise?" nakangisi pa rin nitong wika sa kanya nang makaupo siya sa kalapit nitong upuan.

Pinalo niya ito sa braso nito. "Sinungaling ka. Sabi mo hindi ka sasama?" asik pa niya rito.

"I'm just kidding you," anito na kinabitan siya ng seat belt. Si Daizuke rin ang naglagay ng headset sa may tainga ni Nashnairah. Ngumiti pa ito. "Sa tingin mo, papayag sina Papa at Mama na maiwan ako?"

May punto ito pero napaniwala pa rin siya nito na hindi nga ito sasama. At naiinis siya dahil naisahan siya nito.

"Ang bully mo," nakaingos niyang saad bago ibinaling ang tingin sa labas ng bintana ng helicopter nang unti-unti na iyong tumaas sa himpapawid.

Mayamaya pa ay hindi na niya napigilan ang mapangiti dahil sa kaalamang kasama nila si Daizuke sa pupuntahan nila. This time, ang ngiti sa labi niya ay umabot na sa mga mata niya.



MAGKATAPAT ang silid na ukupado nila ni Daizuke sa beach mansion ng mga ito sa Balesin Island. Pagkaayos ng mga gamit ni Nashnairah ay sakto naman na pumasok si Daizuke sa silid na ukupado niya.

"Tapos ka na?" he even asked.

Tumango siya. "Katatapos lang."

"Tara na sa dining. May pagkain ng nakahanda roon."

"Okay," aniya na umagapay na sa paglalakad nito.

Pagbaba nila sa hagdanan ay nabura ang ngiti sa labi ni Nashnairah nang makita ang mga bagong dating. Mukhang hindi lang basta family vacation ang mangyayari. Lalo na nang makita niya si Kriza Mae Acueza na lalong lumawak ang ngiti sa labi nang makita si Daizuke. Kasama nito ang buong pamilya nito at ang BFF nitong si Lalie Maceda.

Ano'ng ginagawa mo rito, Kriza? Panira kayo ni Lalie ng pangarap, eh, tungayaw niya sa isipan.

"Hi, Daizuke," malambing pang bati ni Kriza kay Daizuke.

The Ultimate Hottie BillionaireWhere stories live. Discover now