Chapter 06

11.2K 689 168
                                    

NANG makuha ni Nashnairah ang DSLR camera ni Keigo, na pinapakuha nito sa kanya sa silid nito, ay binuksan pa niya iyon para mag-picture.

Nangingiti pa siya nang tingnan ang larawan sa gallery niyon. Kumunot lang ang noo niya nang sunod-sunod mag-flash sa screen niyon ang larawan ng isang babae. Mukhang stolen shot iyon.

"May nagugustuhang babae si Kuya Keigo?" bulalas pa niya habang marahang naglalakad sa corridor sa pangalawang palapag ng UHB Mansion. "Hindi naman siguro siya mag-aaksaya ng oras kung hindi niya 'to type."

Muntik pa niyang mabitiwan ang camera nang bigla siyang bumunggo. Mabilis namang nahawakan ni Daizuke ang hawak niyang camera para hindi mahulog.

Nang makita si Daizuke ay ganoon na lang ang paghawak ni Nashnairah sa kanyang dibdib, saka lang siya nakahinga nang maluwag. Kinabahan din siya ng husto dahil muntik ng mahulog sa sahig ang camera ni Keigo na alam niyang mamahalin.

"Alam mong naglalakad ako, tapos nakuha mo pang salubungin. Nakakarami ka na Dai."

"Kasalanan ko ba na makakasalubong kita at hindi ka natingin sa daraanan mo?"

Umawang ang labi niya sa sinabi nito. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Eh, 'di sana ikaw 'yong nag-adjust kasi nakikita mo naman ako."

Umatras si Nashnairah palayo rito. Nang muling mapatingin sa camera ay nananalaytay pa rin ang kuryusidad sa kanya nang ipakita iyon kay Daizuke.

"Kilala mo ba 'to? Ang dami niyang stolen shot dito sa camera ni Kuya Keigo."

Kinuha ni Daizuke ang camera at sinuri ang nasa larawan. "Ah, si Paige."

Mula sa mukha ni Daizuke ay muling bumaba ang tingin ni Nashnairah sa camera. Kilala nito ang magandang babae na nasa picture.

"Paige?" bulalas pa niya sa binanggit na pangalan nito.

"Hmmm. Nag-aaral din sa MHU."

May gumuhit na pilyang ngiti sa labi niya. "Alam ba niya na kinukuhanan siya ni Kuya Keigo ng picture?"

"Kaya nga stolen shot ang tawag diyan, malamang hindi alam ni Paige. Ano na naman 'yang inginingiti-ngiti mo riyan?"

"May magagamit akong alas para kay Kuya Keigo," tumaas-baba pa ang kilay niya bago ito nilampasan.

Sumunod naman sa kanya si Daizuke. Kinuha nito sa kanya ang camera at ito na ang nagdala. "Don't even try, Nai," babala pa nito sa binabalak niya kay Keigo.

"Ang KJ mo."

"Kung ano'ng nakita mo, keep it as a secret. 'Wag na 'wag mo ring ipapaalam kay Keigo na alam mo ang tungkol diyan."

Sinimangutan niya ito. "Fine." Pero may parte niya na gustong makita si Paige na mukhang kinahuhumalingan ni Keigo Mori.

Nang makababa sa hagdanan ay nakasalubong pa nila si Jamil.

"Lagi ba talaga kayong magkadikit?"

"May problema ba?" sa halip ay balik-tanong ni Daizuke kay Jamil.

Umiling ito. "Wala naman. O may relasyon kayong dalawa?"

Ganoon na lang ang halakhak ni Nashnairah sa sinabi ni Jamil. Please, magdilang anghel ka! sakay pa ng pilyang isip niya.

Umiling siya. "Magkaibigan lang kami," sagot niya. At least, sa kanya na nanggaling kaysa marinig pa niya ng derekta kay Daizuke. Triple kill kung nagkataon.

"Talaga?"

"'Di ba, Dai?" binalingan niya ang binata na nakatiim ang labi. Ano na naman ang problema nito? Muli niyang binalingan si Jamil. "Ganito lang talaga kami."

The Ultimate Hottie BillionaireWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu