Chapter 05

11K 684 158
                                    

NANG makabawi si Nashnairah ay sinikap niyang makawala kay Daizuke. Wala na rin naman itong nagawa nang humarap siya sa bagong dating. Pero si Daizuke, hinawakan siya sa magkabila niyang balikat at bahagyang hinapit palapit dito para hindi siya makalayo rito.

Lumawak ang ngiti sa labi ni Jamil nang makita siya. "You must be, Nashnairah," nakangiti pa nitong wika. "I'm Jamil. Pero sigurado naman na kilala mo na ako." Mabilis nitong inilipat sa kabilang kamay ang hawak na plastic bag at akmang makikipagkamay sa kanya nang si Daizuke ang umabot sa kamay nito at ibaba.

"Hindi na kailangan ng shake hands," walang kangiti-ngiting wika ni Daizuke kay Jamil.

Hindi naman nagpadala si Jamil sa kaseryosohan ni Daizuke. Ngumiti pa ito. "Okay."

Ni hindi pa siya nakakapag-hi kay Jamil nang maglakad na si Daizuke kasama siya.

"Saan kayo?" taka pang tanong ni Kienlee.

"Sa kusina. Nagugutom si Nai," tipid na sagot ni Daizuke.

"Marami kaming dalang pagkain," ani Jamil na ipinatong na sa naroong lamesa ang mga take-out foods na dala nito. Si Kienlee ay binubuksan na rin ang dalawang kahon ng pizza.

Huminto si Nashnairah sa paglalakad at hinarap si Daizuke na mukhang ayaw makasalamuha si Jamil o sadyang inilalayo lang siya nito sa bagong dating?

"Dai, may dala silang pagkain. Alam ko naman na hindi ka magluluto."

"Ipagluluto kita."

"Sus. 'Yong dala nilang foods luto na." Natatawang hinawakan niya ito sa braso nito at hinila palapit sa nagkukumpulang UHB Men sa isang lamesa na malapit sa may swimming pool. Lumapit na rin doon si Mark Brice.

Kumuha siya ng dalawang slice ng pizza at ibinigay ang isa kay Daizuke na naupo sa sofa na yari sa ratan. Napakurap-kurap pa siya nang hawakan siya nito sa kamay at bahagyang hilahin paupo sa tabi nito.

Imbes na magreklamo ay kumagat na lang siya sa hawak na pizza. Napasulyap siya kay Jamil na bumaling din sa dereksiyon niya at ngumiti. Tipid lang niya itong ginantihan ng ngiti bago nagbawi ng tingin.

"Cute ka nga talaga sa personal," bigla ay wika ni Jamil na naupo pa sa tabi ni Nashnairah.

"Aso lang ang cute," basag ni Daizuke sa sinabi ni Jamil. Nahirinan tuloy si Keigo sa narinig.

"Dai," saway niya rito.

"What?" patay malisya pa nitong tanong sa kanya.

Nangingiting pinisil niya ang pisngi nito. "Cute ka rin naman, ah. So, aso ka pala?"

"Gusto mong makagat?"

"Para kayong mga bata," naiiling na wika ni Wayne na inabutan si Nashnairah ng juice na nasa plastic na bote.

"Thanks, Kuya Wayne," nakangiti niyang wika rito. Nasundan niya ng tingin ang hawak na juice nang kunin iyon ni Daizuke at buksan bago ibinalik sa kamay niya. Umangat ang tingin niya rito. "Thank you," wika niya bago uminom.

"Nashnairah," tawag sa kanya ni Kienlee. "Tinanggihan mo na naman daw 'yong sa MHU. Last year na namin sa MHU next school year tapos ayaw mo pa ring mag-aral doon?"

"Hindi nga kasi ako bagay sa MHU. At isa pa, wala roon ang mga kaibigan kong babae. At kapag nag-graduate kayo, ako na lang ang maiiwan doon. Ayaw ko."

"Babalik sa MHU si Ashton para mag-masteral," ani Daizuke. "Kaya may kasama ka pa rin."

She rolled her eyes. "Magkaiba ang course namin."

"Please?" pakiusap ni Kienlee.

Napabuntong-hininga siya. "Consistent talaga kayo, ah."

"Pangarap din naman namin na makasama ka sa MHU. Ikaw lang naman itong panay ang tanggi kahit wala ka namang po-problemahin sa tuition fee," ani Mark Brice. "Ang daming willing na gastusan ka mag-aral ka lang doon."

The Ultimate Hottie BillionaireWhere stories live. Discover now