Prologue

22.5K 541 55
                                    

SININGHOT-singhot ni Nashnairah ang mabangong amoy galing sa pinaka-kusina ng kanilang hindi kalakihang restaurant. "Hmmm. Ang bango," napapapikit pa niyang sambit. Pumunta siya sa kusina at doon ay nambulabog. "Amoy, Chami!"

"Mabuti naman at dumating ka na, anak. Mag-bihis ka na ng pambahay mo at ikaw na ang maghatid nitong Chami sa bahay ni Mrs. Beasly," anang Papa Rodolf niya na abala sa paghahalo ng nilulutong pansit sa kawali.

Si Beasly Niwa ang may-ari ng Valle Encantado Village na nasa likuran lang din halos ng kanilang bakuran. Ang mataas na pader sa likuran nila ay ang siyang kinaroroonan ng Valle Encantado Village. Walking distance lang din ang pinaka Tall Gate ng village sa kanila.

"Sige po, Papa," aniya matapos magmano rito. Galing siya sa school. Grade five na siya at ilang linggo na lang ay nalalapit na ang summer vacation.

Umakyat na si Nashnairah sa pangalawang palapag ng kanilang restaurant na siyang pinakabahay nila. Sa ibaba niyon ang restaurant. Mayroon iyong apat na silid sa itaas at ang pangalawang pinto ay ang pinakasilid niya. May kaliitan lang iyon. Ayaw naman siyang patulugin ng kanyang Ate Mari sa silid nito dahil ayaw nito ng may kasama sa silid. Samantalang share naman sa silid ang tatlo niyang kapatid na lalaki na sina Ronfrey, Marv at ang kanilang Kuya Moi.

Pagkasuot niya sa maong short ay hinubad lang niya ang suot na uniform at itinira ang suot na sando na pinalooban pa ng baby bra para hindi bakat ang umuumbok na niyang dibdib. Pagkasuot sa kanyang tsinelas ay bumaba na rin agad siya.

"Bakit nakasando ka lang? Nakakahiya naman sa pupuntahan mo," sita pa ng kanyang ina na si Mama Gilda.

"Ma, ayos lang po ito. Hindi naman po ako amoy pawis. Saka sanay na sa akin si Tita Beasly." Ilang beses na rin siyang naghahatid sa Niwa's mansion ng pansit na nakasuot lang ng puting sando. "Luto na po ba 'yong Chami?" Best seller ang naturang pansit ng kanyang ama.

Lumabas ng kusina ang Ate Mari niya at iniabot sa kanya ang supot na papel na siyang pinaglalagyan ng pansit na chami. "Ingat sa pagba-bike," bilin pa nito. Graduating ito sa High School.

"Yes po," ani Nashnairah bago nagpaalam na maghahatid na ng order.

Nakagarahe ang kanyang bike sa may gilid ng restaurant sa may labas. May basket iyon na itim sa harapan. Maingat niya roong inilagay ang pansit. Pagkasakay sa bike ay pinasibad na rin niya iyon.

Namaybay siya sa gilid ng kalye kung saan naroon ang biking lane. Ang village na pupuntahan niya ay hindi basta-basta. Isa iyon sa prestigious village sa Pilipinas. At napakayayaman ng mga naninirahan.

"Hi Kuya, may delivery po ako sa Niwa's mansion," aniya sa guard na nasa may guard house ng village.

Naiiling na nilapitan siya ng guard. Napakurap-kurap pa siya nang may sticker itong idinikit sa may unahan ng basket ng bike.

"Ano po 'yon?" taka pa niyang tanong.

"Ang bilin ni Mrs. Niwa ay lagyan ng sticker ng village ang bike mo."

"Eh, hindi naman po ako nakatira diyan sa loob ng village."

"'Yon ang bilin sa amin para dederetso ka na lang papasok sa loob."

Lumawak ang ngiti sa labi niya. "Ganoon po ba? Sige po, marami pong salamat."

"Nashnairah, pakisabi sa Papa mo kapag umuwi ka na, order kami rito ng Miki-bihon. 'Yong tamis-anghang. Dalawang order, ha?"

Sumaludo siya rito. "Sige po. Sasabihin ko po pagbalik ko. Salamat po."

Ngingiti-ngiti pa si Nashnairah na nagpatuloy sa pagba-bike. Hindi naman sobrang layo ng Niwa's mansion. Pero bahagya pa siyang hiningal nang marating ang malapalasyong mansiyon. Mula sa malaking rehas na gate ay tanaw ang bungad ng malaking mansiyon. Agad naman siyang pinagbuksan ng gate ng guwardiya nang makilala siya.

The Ultimate Hottie BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon