Chapter 08

7.9K 667 164
                                    

PINIGILAN ni Nashnairah ang lumingon sa nagtatawanan sa 'di kalayuan sa kinaroroonan niya.

"Naturingan na nasa beach, balot na balot ang katawan."

"Baka puro peklat."

"I guess so," maarte pang tumawa si Kriza.

Ibinaba ni Nashnairah ang iniinom na juice sa kanyang kandungan. Alam niya na siya ang pinag-uusapan ni Kriza at Lalie. Pinili niya na baliwalain iyon dahil alam naman niya sa sarili niya na hindi iyon totoo. Ayaw lang naman niya na ma-sunburn ng husto ang balat niya kaya ganoon ang suot niya. Por que, nakasuot lang ng two-piece swimsuit ang mga ito. Feeling ang pi-perfect.

Huminga siya ng malalim at tumanaw sa may dagat. Kumiling na ang sikat ng araw nang mga sandaling iyon. Kaya naman hindi na ganoon kasakit sa balat ang init na nagmumula sa araw.

Napakislot si Nashnairah nang bigla na lang maupo sa may gilid niya si Daizuke. Nang tingnan niya ito ay agad nitong iniumang sa may tapat ng bibig niya ang pork barbecue on stick. Mainit-init pa iyon.

"Kagat," anito.

Sandali niyang natitigan ang guwapong mukha ni Daizuke bago sinulyapan ang pagkain na nakaumang sa may harapan niya. Kinagatan niya ang isang pirasong karne bago nagbawi ng tingin.

"Masarap?" tanong pa nito na hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Hmmm," tanging sagot niya sa tanong nito. Inilahad niya ang kamay. "Sa akin na lang," aniya nang akmang kakagatan din nito ang inihaw.

"Pinatikim lang kita, napapasarap ka masyado. Kumuha ko doon sa may tabi ng pool, marami doon," ani Daizuke na kinagatan na ang inihaw at hindi talaga ibinigay sa kanya.

"Napakagaling," sabi na lang niya bago uminom ng juice sa plastic bottle na hawak niya. Ibinalik niya ang tingin sa may dagat.

"Don't tell me, nami-miss mo na agad ang Pagbilao?" pansin pa nito sa pagkatulala niya.

"Medyo."

Bumuntong-hininga si Daizuke. "O, baka naman naiinis ka na kina Kriza at Lalie? Narinig ko na pinag-uusapan ka nila noong dumaan ako sa puwesto nila," bulong nito na sapat lang upang marinig ni Nashnairah.

Nangingiting bigla niya itong binalingan. Unti-unti lang nabura ang ngiti sa labi niya nang makita kung gaano kalapit ang mukha ni Daizuke sa kanya. Sandaling napigil niya ang paghinga habang nakatitig dito. Pakiramdam niya, pati pag-inog ng mundo ay saglit na huminto dahil sa titigan nilang iyon. Siya rin ang mabilis na nagbawi ng tingin at pilit binalewala ang pakiramdam na iyon sa harapan ni Daizuke. Kahit nakaramdam ng ibayong pagkailang ay hindi siya nagpahalata. Sinikap niyang maging kaswal lang.

"Ang tsismoso mo," kunway natatawa na lang niyang sabi.

"Tell me kapag pinag-trip-an ka nila," mayamaya ay wika nito. Sumandal si Daizuke sa back rest ng kinauupuang wooden lounge ni Nashnairah. Kahit pang-isahan iyon ay doon pa ito nakisiksik sa kanya kaysa ang maupo sa katabing upuan.

"Hindi naman siguro sila mangangahas," aniya.

"'Wag kang pakasigurado."

"At ikaw, siguradong-sigurado?"

"Hmmm," anito na may laman ang bibig.

Nang muli niyang balingan si Daizuke ay sinimangutan niya ito. Ubos na ang kinakain nitong inihaw. "Hindi mo talaga ako tinirhan ng barbecue. Talagang pinatakam lang ako nitong taong ito."

Sumilay ang munting ngiti sa sulok ng labi nito. Sinulyapan pa nito ang barbecue stick bago nito iyon ipinatong sa lamesa na malapit sa kanila. "Ang sarap," nakangisi pa nitong sabi kaya nairapan ito ni Nashnairah.

The Ultimate Hottie BillionaireWhere stories live. Discover now