Chapter 11

8.2K 654 180
                                    

HALOS yakapin na ni Nashnairah ang arm rest nang kinauupuang bench nang maupo sila roon ni Daizuke. Ang mga tuhod niya ay bahagya pang nangangatog. Katatapos lang nilang sumakay sa roller coaster. Ang pisngi niya, pakiramdam niya ay nangingimi pa rin dahil sa hampas ng hangin at sa katitili niya kanina.

"I hate you, Daizuke Niwa," mahina pa niyang wika.

Imbes na mainis sa sinabi niya ay nginisian pa siya nito. "Haaay. Daig ka pa noong bata kanina. Enjoy na enjoy. Anyare sa iyo?" pang-aasar pa nito sa kanya.

Iningusan niya ito. "Wala ito sa plano ko. Kainis ka."

"You push my limits," he murmur.

Umayos siya ng upo pasandal sa bench. "Ako pa talaga?" bumaling siya ng tingin sa sinakyan nilang roller coaster. Sana lang ay 'wag siyang managinip na sakay siya roon tapos mangyari sa panaginip niya iyong mga napapanood niya na accident sa roller coaster. Iyong tipong ma-i-stock sila na nakatiwarik pa ang puwesto. Mariin siyang napapikit sa isipin na iyon. "Uwi na tayo," pakiusap na niya kay Daizuke nang balingan ito.

Tiningnan siya nito. Pambihira. Napaka-cool pa rin nitong tingnan. Hindi man lang sumakit ang puso sa pagsakay sa roller coaster. Pati kaguwapuhan, mukhang hindi nabawasan kahit katiting.

"Maaga pa. Sasakay pa tayo sa—"

"Dai!" reklamo na niya. "Tumigil ka. Gabi na pati. At saka, suko na 'yong tuhod ko sa mga extreme rides na sinakyan natin. Kung gusto mo, ikaw na lang. Tutal, sobrang na-enjoy mo 'yong mga extreme rides, eh."

"Ferris Wheel," pagpapatuloy nito sa naudlot na sasabihin. "Akala ko ba 'yon ang favorite mo?"

Umiling siya. Ngayon pa siya sasakay roon? Halos takasan na siya ng kaluluwa kanina sa pagsakay sa mga extreme rides. Sa ngayon, gusto na lang niyang umuwi at ilapat ang kanyang likod sa kama.

"Last na 'yon. Tara?" ani Daizuke na tumayo na uli.

Seryoso ba ito? Naiimposiblehan na tiningnan niya ito. "Hindi ka ba napapagod? Dai, lambot na lambot na 'yong tuhod ko. Daig ko pa ang rarayumahin. Uwi na tayo."

Napasunod ang tingin ni Nashnairah kay Daizuke nang pumunta ito sa may harapan niya at tumalikod. Pagkuwan ay medyo nag-squat.

"Sumakay ka sa may likod ko kung hindi mo kayang maglakad."

Napalunok siya. Ipi-piggy back ride siya nito? Again and again, seryoso ba ito?

"Nai, nangangawit na ako rito," reklamo ni Daizuke.

"Seryoso ka ba?" baka kasi mamaya ay nanti-trip lang ito.

"Mukha bang hindi?"

"Umuwi na lang tayo."

"Hindi tayo uuwi hanggat hindi tayo sumasakay sa Ferris Wheel," giit pa ni Daizuke.

Napalunok siya. Medyo malayo mula roon ang kinaroroonan ng Ferris Wheel. Pero hayon at mukhang seryoso si Daizuke na pumunta sila roon.

Nang hindi pa rin siya matinag sa pagkakaupo ay nilingon na siya ni Daizuke. Hinawakan nito ang kamay niya at hinila na siya palapit dito. Halos masubsob pa siya sa likod nito dahil nawalan siya ng puwersa. At iyon pa ang ginamit na pagkakataon ni Daizuke para maisakay siya nito sa likuran nito. Awtomatiko na naiyakap niya ang mga braso sa may leeg nito nang tumayo na ito habang nakasakay siya sa likuran nito. A piggy back ride. Parang sa mga palabas lang na napapanood niya sa Japanese anime. Bakit hindi niya maiwasang isipin na ang romantic niyon?

Alanganin pa ng ipatong niya ang kanyang baba sa may balikat ni Daizuke. Pati iyong bango nito, ni hindi pa rin ito nilulubayan.

"D-Dai, 'wag mo akong," lumunok siya para lang mawala iyong tila bara sa kanyang lalamunan. "'Wag mo akong sisisihin kapag napagod ka agad. Malayo pa 'yong kinaroroonan ng Ferris Wheel dito."

The Ultimate Hottie BillionaireUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum