Chapter 16

8K 422 132
                                    

MGA walang imik na nakatingin lang sa labas ng bahay sina Nashnairah at ang mga bros niya habang sige ang patak ng malakas na ulan.

"Sino ba kasi sa inyo ang may balat sa puwetan?" hindi na niya napigilang itanong sa mga ito.

Si Kienlee ang unang nag-react sa kaniyang sinabi. "Bakit kami? Baka ikaw, Nash."

"Ano'ng ako?" reklamo niya. "Kanina pa ako rito kina Dai at hindi naman umuulan. Kayo lang itong dumating, eh, bigla na lang nagdilim ang kalangitan. Siguradong isa sa inyo ang may balat sa puwetan," aniya na napanguso pa. Ma-i-stranded siyang lalo kina Daizuke.

At dahil inuubo si Daizuke, kaya naman lahat sila ay nakasuot ng face mask na kulay itim. Disposable iyon. Nakaupo siya sa pagitan ni Daizuke at ni Mark Brice.

"Tama na ang sisihan. Naka-schedule na talaga ang ulan na 'yan," wika ni Keigo.

"Baka alam mo rin, Kiego, kung ano'ng oras titila?" pambabara dito ni Wayne.

Tiningnan lang ng mga singkit na mata ni Keigo si Wayne. "Do I owe you a weather update?"

"Ang sa akin lang naman ay lubusin mo na," ani Wayne.

Muling ibinalik ni Keigo ang tingin sa labas.

"Nakakatamad ang panahon. Parang masarap kung maglaro na lang tayo sa game room ninyo, Dark," ani Kienlee na tumayo na.

"Tayo na lang," ani Jamil. "Dapat kay Dark ay nagpapahinga na kasi may ubo siya. At saka para hindi rin tayo mahawaan."

"Kung ayaw mong mahawaan ko, Jamil, umuwi ka na sa bahay ninyo," ani Daizuke rito.

"Sabi ko nga, sumama ka na rin. Tutal naman ay bahay mo ito," mabilis na bawi ni Jamil sa sinabi nito kanina na ikinangiti ni Nashnairah.

"May nakakatawa ba sa sinabi niya?" kunot pa ang noo na baling sa kaniya ni Daizuke. Mukhang hindi nagugustuhan ang pagtawa niya sa sinabi ni Jamil.

"W-wala," sabi na lang niya.

"Tara na," ani Mark Brice.

Nagtayuan na sila at sumunod na sa nangungunang si Kienlee. At home na at home ang mga ito roon. Nahuhuli naman silang dalawa ni Daizuke. Akma kasi na sasabay siya kina Wayne nang hilahin siya nito sa kaniyang kamay at pasabayin lang sa paglalakad nito.

"'Wag mo namang gawing obvious na lumalayo ka sa akin dahil inuubo ako," anito pa sa kaniya.

Napakurap-kurap si Nashnairah sa sinabing iyon ni Daizuke. "Kung ano-ano'ng sinasabi mo. Ubo ang sakit mo, hindi naman kung ano na mas malala."

Hindi nagsalita si Daizuke. Sa halip ay deretso lang ang tingin sa daan.

"Mauna na kayo sa game room, punta lang kami ni Dai sa kusina para magpaluto ng meryenda sa maids. Baka kasi magutom kayo, kahiya naman sa mga alaga ninyo sa tiyan," ani Nashnairah sa anim nilang kaibigan bago niya hinila si Daizuke papunta sa kinaroroonan ng kusina ng mga ito.

Nang masigurado na malayo na sila sa mga kaibigan nila ay huminto siya sa paglalakad. Pagkuwan ay humarap kay Daizuke.

"Gusto mo pa ba na narito ako o ayaw mo na? Puwede naman na umuwi na ako. Tutal naman ay narito na ang mga bros. Magpapayong na lang ako sa pag-uwi sa amin."

"Idinahilan mo ang pagpapaluto ng meryenda para lang sabihin sa akin 'yan? Sila kaya 'yong pauwiin ko ngayon?"

Umawang ang labi niya kahit na hindi naman nito kita. "Dai, kararating lang nila."

"So? I don't care, Nai."

Bumuntong-hininga siya. Nagbaba siya nang tingin. Nang hindi kumibo o ano si Daizuke ay muli niya itong tiningnan. Nakatingin ito sa ibang dereksiyon. Mukhang hindi ito nagbibiro sa sinasabi nito. Na para bang kung may hindi ito magustuhan sa sasabihin pa niya ay mapapauwi nitong tiyak ang mga bagong dating. Sa isip ay napailing-iling na lamang siya.

"Okay. Pasensiya na. Mukhang hindi mo nagustuhan 'yong sinabi ko."

"Tara na sa kusina," sa halip ay wika nito na nagpatiuna na sa paglalakad.

"Dai," tawag pa niya sa pangalan nito. Nang hindi ito huminto sa paglalakad ay para bang gusto niyang magpapadyak ng paa sa sahig. "Hindi mo ako papansinin? Uwi na lang talaga ako. Hindi na ako manghihiram ng payong. Maglalakad na lang ako habang umuulan. Bahala ka na rin kung pauuwiin mo ang mga bros," aniya rito bago ito tinalikuran at naglakad palayo naman dito.

Hindi naman siya seryoso sa sinabi niya na magpapaulan siya sa pag-uwi. Sabi lang niya iyon. Hoping na pigilan siya ni Daizuke.

Pero sadya nga talaga yatang sa mga palabas lang nangyayari iyong pipigilan ka sa pag-alis ng taong lihim mong itinatanggi. Dahil sa totoong buhay ay walang Daizuke ang sumunod sa kaniya. Bagay na lihim niyang ipinagmaktol. Nasa may foyer na siya at palabas na sa may main door ay hindi pa rin niya makita si Daizuke na nakasunod sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya nang makalabas sa may main door. Paninindigan ba niya ang sinabi na maglalakad siya pauwi sa kanila kahit walang dalang payong? Pero paano kung siya naman ang magkasakit?

Pero nunca na papasok siya ulit sa loob para lang manghiram ng payong sa mga naroong kawaksi.

Napatingala siya sa kalangitan. Madagim pa rin ang langit. Tipong wala pa rin sa pagtila ang ulan.

Paano kung kumidlat habang naglalakad siya pauwi? Sa isip niya ay naisumpa na niya si Daizuke. Samantalang kanina, nang sabihin nito sa kaniya na masama ang pakiramdam nito at may gusto itong kainin ay ura-urada siyang kumilos para dito.

Dapat mo pa ba talaga 'yang ipagkumpara, Nashnairah? sita pa ng kaniyang isipan sa kaniya.

Sumandal siya sa gilid ng main door at tahimik na tumanaw sa malayo. Mga nakaparada pa sa may driveway ang magagarang sasakyan ng kaniyang mga kaibigan.

"Nagbibilang ka pa ba ng patak ng ulan diyan?"

Nang magbaling siya ng tingin ay nakita niya si Daizuke na kalalabas lang sa may pintuan. Kung wala lang itong ubo ay baka nahila na niya ito sa ulanan sa sobrang gigil niya rito. Ganoon pa man ay pilit niyang kinalma ang sarili.

"I hate you," sa halip ay wika niya bago nagbawi ng tingin.

"Malamig dito sa labas. At kung mag-stay ka pa rin diyan ng matagal ay tiyak na sisipunin ka," anito na hinawakan na siya sa kamay at hinila papasok muli sa loob ng bahay nang hindi siya kumibo.

Binawi naman niya ang kaniyang kamay na hawak nito. "Dai, tama na ang pagkukunwari mo na concern ka. 'Di ba nga, pabor ka pa na umalis ako kahit maulan?"

Kunway kumunot ang noo nito. "May sinabi ba ako na gusto na kitang umuwi kahit maulan? May narinig ka?"

Wala, sagot niya sa kaniyang isipan. Wala naman talaga siyang narinig.

"Pero, silence means yes," katwiran pa niya.

"Hindi ako nagsalita dahil hindi naman ako sumasang-ayon sa sinabi mo. Tinamad lang akong magsalita. Akala ko nga kasunod kita noong pumunta ako sa kusina. Hindi ko naman alam na hindi ka sumunod. At heto ka rito at nag—"

"Nag-aano?"

"Nag-e-emote," walang gatong nitong sabi na ikinasimangot niya.

"Enough with the drama, Nai. Tingin mo, hahayaan kitang magpaulan? Baka pagbawalan ako ng papa mo na tumuntong sa inyo kapag ginawa ko 'yon."

Nagbaba siya ng tingin. "Akala ko kasi... wala kang pakialam."

Hindi niya napaghandaan nang bigla na lang pisilin ni Daizuke ang magkabila niyang pisngi.

"Dai!" she hissed.

"Tara na," sa halip ay wika nito na muli siyang hinila sa kamay. Sa mga mata nito ay halatang-halata ang ngiti.

Sa higpit ng hawak nito sa kamay niya ay mukhang wala talaga siyang kawala. Hindi na lang siya nagreklamo pa at muling nagpatianod dito. At least, hindi siya nito hinayaan talaga na maglakad sa ulanan pauwi sa kanila.

The Ultimate Hottie BillionaireWhere stories live. Discover now