Chapter 17

7.6K 319 134
                                    

UMATRAS si Nashnairah nang umakmang lalapitan siya ni Daizuke.

"Ano'ng ginagawa mo?" salubong ang kilay na tanong ni Daizuke kay Nashnairah.

"Baka may ubo ka pa. Social distancing muna tayo."

Napabuga naman ng hangin sa bibig si Daizuke dahil sa sinabi niya. Pagkuwan ay umarte na uubo nang mapatakbo naman si Nashnairah palayo sa kaibigan.

Naitakip naman ni Nashnairah ang dalawang kamay sa kaniyang ilong. At si Daizuke? Natawa pa sa sariling kalokohan.

"Napakaarte mo. Wala na akong ubo," ani Daizuke na muling sumeryoso ang guwapong mukha.

"Iilang araw pa lang simula noong ubuhin ka. Imposible na gumaling ka agad," katwiran niya. "Ano ba ang ginagawa mo rito? Akala ko ba, buong linggo ka lang magkukulong sa palasyo mo?"

"I'm bored. Totoo rin na wala na akong ubo. May ibinigay na gamot sa akin si Ashton na effective naman sa ubo ko dahil nawala agad."

Tamang duda pa rin nang pagmasdan ni Nashnairah si Daizuke. Ang mga kamay niya ay nasa may ilong pa rin nang maglakad siya palapit sa binata.

Anito ay bored ito kaya pinuntahan siya sa kanila. Nasa may gilid sila ng Rawnie's Restaurant para hindi agaw atensiyon si Daizuke sa harapan niyon. Agaw atensiyon pa naman masyado ang kaguwapuhan nitong taglay.

"Kung bored ka, dapat pumunta ka na lang sa UHB Mansion."

"Ano naman ang gagawin ko roon? Tutunganga na mag-isa?"

"Eh, 'di tawagan mo ang mga Bros para pumunta silang lahat sa UHB Mansion."

Umiling si Daizuke. "Samahan mo na lang ako."

"Saan naman? Hapon na. Masirino na, Dai. Kapag nahamugan ka, uubuhin ka na naman."

"May hoody ang suot kong jacket," katwiran pa ni Daizuke na isinuot sa ulo ang hoody ng jacket nito.

Sa huli ay ibinaba rin ni Nashnairah ang kamay na nakataklob sa kaniyang ilong.

"Sasamahan mo ba ako o hindi?"

"Saan nga kasi?"

"Ako ang unang nagtanong."

Kulang na lamang ay ismiran niya si Daizuke. "Kung ayaw mong sabihin, ikaw na lang. Tutulong na lang ako sa loob ng restaurant."

Akmang tatalikuran na niya si Daizuke nang hawakan naman siya nito sa kaniyang braso.

"Sa Middle Town," sa wakas ay sagot din ni Daizuke sa tanong ni Nashnairah.

Middle Town?

"Nasagot ko na," ani Daizuke na iginiya na si Nashnairah papunta sa kinapaparadahan ng kotse nito.

"S-sandali, Dai. Nakasuot pa ako ng apron," reklamo niya.

Huminto naman sa paglalakad si Daizuke. Pagkuwan ay ito pa ang naghubad ng suot na apron ni Nashnairah. Hawak nito iyon hanggang sa makarating sila sa kotse nito. Pagkabukas ni Daizuke sa pinto sa may passenger seat ay wala ng nagawa na sumakay na roon si Nashnairah.

Tiniklop pa ni Daizuke ang apron na hawak nito. Pagkasara sa pinto sa gilid ni Nashnairah, sa halip na sumakay na rin ito ay pumasok pa ito sa loob ng restaurant.

Nakita pa ni Nashnairah nang lapitan din ni Daizuke ang kaniyang ama at kausapin. Mukhang nagpapaalam na aalis sila. Tumango pa ang kaniyang ama na may pagtapik pa sa balikat ni Daizuke.

Napabuntong-hininga si Nashnairah. Mukhang pumayag ang kaniyang ama na pasamahin siya kay Daizuke. Pero, kailan ba humindi ang ama niya basta si Daizuke ang kasama niya?

The Ultimate Hottie BillionaireWhere stories live. Discover now