Eto yung isang gusto ko kay Harris, nakakahawa ang pagiging positibo niya sa buhay. Mula sa pananaw niya at pagsusumikap para maging totoo ang mga pangarap niya.

"Yes. A successful business woman." Pagsuporta niya sa akin. That words touch my heart, ang tagal na noong huling may sumuporta sa pangarap ko. 

And it was Richelle, she's always supporting me from whatever I do and always cheering me to achieve my dreams. But I waste it all just because of my sudden decision and just because I seek for parents' attention. 

"Kapag magtatayo ka na ng malaking building dahil sa mga business mo, ako ang magiging Engineer ah? Don't worry, bigyan kita discount." Umagang-umaga ay pangarap namin ang pinag-uusapan namin and I think it motivates me to continue breathing. 

"Kahit wala ng discount no! I can pay for your service that time." And I can't wait for that moment. 

"Sabagay, bakit ko bibigyan ng discount kung pwede namang libre sa asawa ko?" Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Parang huminto ang pagtibok ng puso ko dahil hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. "Joke lang! Bakit ka namumula? Crush mo ba ako?" Pang-aasar niya sa akin. Bahagya ko siyang hinampas sa braso dahil don, kinabahan pa naman ako. 

"Asar ka!" Natawa siya sa naging reaksyon ko hanggang sa umayos kami ng upo dahil pumasok na si Manong driver. 

Gaya ng inaasahan si Harris ang nagbayad ng pamasahe namin papuntang town, hindi na ako nakipag-away pa sa kaniya. Tiyaka siya ang katabi ni manong driver kaya wala na akong magagawa. Bibilhan ko nalang siya ng pasalubong pagbalik ko rito para makabawi ako kahit papano.

Nagkuwentuhan kami ni Harris tungkol sa school at madalas tungkol sa buhay niya. Aliw na aliw ako habang pinapakinggan siyang magkuwento. Ang sabi niya, hindi siya palakibo sa bahay at sa paaralan dahil hindi siya kumportable sa mga nakakasalamuha niya. 

"Pero sa akin ang daldal mo." Basag ko sa kaniya. Natawa siya sa sinabi ko at marahan na hinaplos ang batok niya. 

"Syempre, iba ka sa kanila." He smiled. 

Anong pinagkaiba ko sa kanila? Kapag ba nalaman niya na naging kabit ako, magiging iba pa rin ako sa kanila? Malamang, kakaiba ako sa kanila dahil panigurado ako lang ang naging kabit sa mga nakasalamuha niya. 

Nang makarating kami sa town ay bumaba na kami. Dumaan kami sa over pass para masimulan nanamin akyatin ang kahabaan ng session. Sampu hanggang bente minuto siguro bago kami makarating sa terminal, depende sa bilis ng pag-akyat namin. 

"Malelate ka na ba sa flight mo kapag kumain tayo ng breakfast?" Tanong niya habang nagsisimula na kami sa pag-akyat. Medyo naramdaman ko rin ang lamig kaya nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng hoodie ko sa may tiyan. 

"Hindi naman." I honestly said, maya-maya pa ang oras ng biyahe ko. Panigurado, gabi na rin ako makakarating ng Albay. 

"Good. Tara McDo." He said tiyaka niya ako hinila papasok sa branch ng McDo sa may session kaya wala na akong magawa kung hindi sumunod sa kaniya. 

Dahil umaga pa lang ay kaagad kaming nakahanap ng mauupuan, kaagad siyang nagpaalam sa akin para mag-order. Hindi man lang niya kinuha ang pera na ibabayad ko sana sa order ko. Talagang dadalhan ko siya ng pasalubong pagkagaling kong Albay. Kung pwede nga lang pati yung pinakamasarap na luto ni mamita ay matikman niya, ang kaso nga lang malayo-layo at mahabang biyahe, baka mapanis lang.

Nakabalik agad siya tiyaka nilagay ang pancake sa harapan ko pati na rin ang syrup na ito. May kasama rin itong McCoffee

"Let's eat!" Masayang sambit niya pa sa akin tiyaka binigay sa akin ang kutsara't tinidor. May kasama rin pala itong eggdesal. 

Cold Lies In Baguio [Baguio Series #4]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon